• Episode 46 - Genocide Scream •

250 22 15
                                    

**************************************************

South Gate, Avesta Town...

[[ BASH ]]

Bluuggg!!

Walang buhay na ng tumilapon ang katawan ng orc na inatake ni Serene.

"GrRrrAaaAaahhh!!" atungal ng orc kasabay ng pag-atake nito kay Serene.

Teyynngg!!

Kumalampag naman ang kalasag niya ng kanyang salagin ang pag-atake ng isa pang orc sa kanyang harapan.

"Sorry! Pero hindi pwede ang gusto mo," ani Serene kasunod ang pagliwanag ng kalasag nito.

[[ SMITE ]]

Gamit ang kalasag ay nagawang maitulak ng dalaga ang sandata ng orc na umatake sa kanya dahilan para mawalan ito ng balanse na sinundan naman niya ng agad na unday ng kanyang espada na tumarak sa dibdib nito.

Sandali namang napahinto sa pagkilos si Serene ng maramdaman ang malakas na daluyong ng enerhiya na nagmumula sa kung saan.

"Cross, naramdaman mo ba yun?," sambit ni Serene habang abala sa pakikidigma sa mga orc warrior.

"Opo!" buong paggalang na sagot ni Cross sa dalaga.

[[ SHADOW SLASH ]]

Mula sa malayo ay agad na lumitaw si Cross sa likuran ng isa sa mga orc na kinakaharap ni Serene kasabay ng pagtama ng punyal nito sa batok ng nasabing orc na agad na kinamatay nito.

"Napakalakas ng enerhiyang yon. Isipin ko pa lang saan galing yun ay tumitindig na ang balahibo ko," ani Seiyin.

"Kung sinuman po ang nagpakawala ng malakas na enerhiya ay sigurado akong napakalakas niya," sabat naman ni Cross.

"GrRrRaaaaHhh!!" anas ng isang orc na naka-ambang umatake mula sa likuran ni Cross ngunit naging maagap si Serene ng salubungin niya ito ng kanyang espada.

Rekta sa dibdib ng orc ang espada ni Seiyin ngunit sa hindi niya inaasahan na matalisod matapos ang ginawang pag-atake na nag-resulta sa pagkakasubsob ng mukha niya dibdib ni Cross at ang di sinasadyang pagkakayakap niya kay Cross.

"Okay ka lang ba, miss Serene?" tanong ni Cross ngunit hindi umimik si Serene at nanatili lang na nakasubsob ang mukha nito sa dibdib ni Cross.

Tumagal sila ng ilang segundo sa ganung posisyon hanggang sa maisipan ni Serene na dahan-dahan ng bumitaw mula sa pagkakayakap kay Cross.

Hindi maiwasan ni Serene ang mahiya matapos ang nangyari kaya naman ng iniyuko nito ang mukha habang humihiwalay sa pagkakayakap kay Cross.

Matapos humiwalay kay Cross ay agad na tumalikod ang dalaga, bakas sa mukha nito ang pagkahiya patunay ang pamumula ng mukha nito na animo'y kamatis ngunit sa kabilang banda ay hindi nito maitago ang kakaibang ngiti sa kanyang labi.

"Miss Serene?" ani Cross sa nakatalikod na dalaga.

Bagama't kinakain pa din ng hiya ay binuo ni Serene ang loob at agad na nagsalita na para bang walang nangyari.

"Siguro mas makakabuti kung mamaya na lang natin alalahanin ang enerhiya na yun dahil may mga orc pa tayong dapat asikasuhin," nakangiting wika ni Serene.

"Sa tingin ko ay tama po kayo," pag-sang ayon naman ni Cross sa kanya.

"Sa ngayon ubusin na muna natin lahat ng mga orc dito para matulungan ang mga kasamahan natin," singhal ni Serene.

"Opo!" matatas na sagot ni Cross.

"Mag-iingat ka ha!" paalala ni Serene sa kanya.

"Kayo din po, Miss Serene!" tugon naman ni Cross sa babae.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now