• Episode 24 - One Man Wrecking Crew •

1.4K 69 1
                                    

*********************************************

Umbra Field...

Kid's PoV

"Whooo!! Naubos din sa wakas! Promise hindi na ko gagamit ulit ng dagger o kahit na anong melee weapon para ipanglaban sa mobs! Nakakapagod!" Reklamo ni Robin ng matapos ang ginawa nilang kahibangan ni Rei.

"Ako din! Magpopokus na lang ako sa paggamit ng spell kesa ang lumaban gamit ang mace na to," segunda naman ni Rei sa kanya.

"Wala naman kasing nagsabi sa inyo na gawin niyo ang kahibangan na yan," saad ko at mukhang hindi maganda ang dating nun sa kanila ang sama ng tingin sa akin.

"Hoy! Lalake para sabihin ko sayo ikaw ang higit na makikinabang dito sa kahibangan na sinasabi mo kasi sa ating lahat ikaw ang mababa ang level," asik ni Robin habang dinuduro pa ako.

Kung sa bagay may punto naman siya sa sinabi niya, nung dumating kami dito ay nasa level 25 pa lang ako pero ngayon ay level 37 na ako.

Labindalawang level ups agad ang nakuha ko sa maiksing panahon pa lamang at sa tingin ko yun ay dahil sa Exp. Boost na ginamit ko bago pa kami lumabas ng Sogeha dagdag pa ang hindi mabilang na dami ng Walker na pinatay namin.

Mabuti na lang at may weak point ang mga Walker kaya with enough STR and DEX ay kaya mo ng patumbahin ang mga ito in one hit basta sa ulo mo lang sila papatamaan.

Iniisip ko tuloy kung lahat kaya ng mobs sa loob ng Heimdohr ay may weakness din kaya nung mga Walker na kinalaban namin.

"Ano na? Hindi ka na nakapagsalita noh kasi totoo yung sinabi ko! Ikaw ang nakikinabang sa sinasabi mong kahibangan," bulyaw ni Robin na nakapamewang pa ng kamay. Muntik ko ng makalimutan na nasa harapan ko pa pala siya.

"Yeah! Thanks!" Tipid kong sabi na nagpabagsak sa balikat niya.

"Hayss!" Yun na lang ang nasabi niya bago bumalik sa tabi ni Rei.

Napansin ko namang nagpipigil ng pagtawa si Rei samantalang si Klorho naman ay pa-simpleng nangiti.

Bakit? May problema ba sa sinabi ko?

"I think we should rest na muna at ipagpatuloy ang paglalakbay natin kapag nakapagpahinga na tayo," suwestiyon ni Rei.

"Magandang ideya yun para din ma-replenish ang mana na nagamit natin lalo ka na Klorho, alam kong madami ng mana ang nawala sayo sa kakagamit mo ng spell na Time Freeze kanina," segunda ko sa suwestiyon ni Rei.

"Ahh.. Okay pa naman ako pero mas maganda nga siguro kong makapahinga na muna tayo kahit sandali," pag-sang ayon naman ni Klorho sa akin.

Paupo na sana kami sa lupa ng bigla namang..

"Sandali!" singhal ni Robin. Ano nanaman kayang problema nito?

"Bakit besh? May problema!?" Alalang tanong ni Rei sa kanya.

"Doon tayo oh! Mukhang relaxing ang spot na yun," nakangiting sagot nito habang tinuturo ang tatlong magkakatabing patay na puno hindi kalayuan sa amin.

Tok!

"Aray naman! Makabatok ehh!" Reklamo nito ng batukan siya ni Rei. Malamang ganun din ang ginawa ko kung ako ang katabi niya.

"Siraulo ka kasi!" Inis na sagot ni Rei sa kanya.

Habang nagtatalo sila ay napagpasyahan kong lumakad na at nakita kong sumabay naman sa akin si Klorho na nangingiti pa din ng dahil sa dalawa.

"Uy! Saan kayo pupunta?" tanong ni Robin sa amin.

"Doon sa puno sabi mo relaxing dun diba?"  seryosong sagot ko ng hindi sila nililingon.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon