• Episode 21 - Back to the Heimdohr •

1.6K 84 2
                                    

*********************************************

Strauss' Residence...

Kid's PoV

Alas - 6 na ng hapon at isang oras na lang at magbubukas ng muli ang server ng ToH.

Mula ng makaalis sila Miss Aerie kanina at sinimulan ko ng gawin ang lahat ng mga kailangan kong tapusin kasama na din dun ang pagluluto ng hapunan namin ni Kuya David.

Nakontak ko na din si Rei at May kanina, sabi ni Rei ay late na siyang makakapag-log in mamaya dahil 7 pm pa siya makakauwi ng bahay galing sa school at si May naman ay pass daw muna dahil sa kailangan siya ni Engr. Gredlin dahil sa pagbubukas ng server.

Ngayon naman ay abala ako sa pagkalap ng impormasyon ukol sa sinasabi ni Engr. Gredlin na mangyayaring mga pagbabago na dala ng emergency maintenance.

Anak ng kamote mukhang kailangan pang ma-iupdate nitong database na meron ako o baka naman wala pa talagang nilalabas na update ang Sylvanite kaya wala pa akong makita na kahit na ano dito sa database ko.

Kung wala akong makikita na kahit na anong impormasyon dito ay siguradong kakailanganin ko nanaman ng sandaling panahon para mapag-aralan ang ilang mga pagbabago na magaganap sa loob ng laro.

Diiinngg!!

Isang notification ang dumating kaya naman agad kong binuksan ang cp ko para basahin ito.

________________________________________________

Kulang isang oras na lang at magbubukas ng muli ang server. Meron kasing ilang pagbabagong naganap tungkol dun sa mga sinabi ko nung isang araw. Make sure to check your inventory kapag nakapag-log in ka na.

-Engr. Charles Gredlin

________________________________________________

Anak ng kamote naman wala pa nga akong idea tungkol dun sa sinasabi niya nung isang araw ay may pagbabago nanamang magaganap pero at least meron naman siyang binigay na clue kahit papaano.

Mabuti na lang at malilate si Rei sa pagla-log in kaya meron akong libreng oras para ma-check ang inventory ko mamaya pati na din ang ilang mga pagbabago na sinasabi ni Engr. Gredlin.

Tiningnan ko ang cp ko para malaman kung anong oras na, 6:37 na pala kaunting minuto na lang ang hinihintay ko.

Mas makakabuti siguro kung kakain na muna ako ng hapunan bago ako mag-log in sa game.

Pinatay ko na muna ang laptop ko at bumaba para kumain ng akong hapunan.

Ang sabi ni kuya kanina bago siya umuwi ay gagabihin siya sa pag-uwi kaya ayos lang daw kung mauna na akong kumain sa kanya.

Kanin at adobong manok ang siyang kinain ko. Saktong meal lang kasi ang totoo ay medyo busog pa ako dahil dun sa kinain namin sa mall kanina.

Matapos kong kumain ay dinoble check ko muna kung naka-lock na ang pintuan at mga bintana bago ako umakyat pabalik sa kwarto ko.

Pagpasok ko sa kwarto ay agad kong tiningnan ang oras at 6:52 pa lang.

Anak ng kamote bakit parang ang tagal ng oras.

Makapag - CR na nga lang muna para mas okay na ang lahat.

Umihi lang naman ako baka kasi isipin niyo kumain ako tapos idudumi ko lang.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now