• Episode 1 - The Boy meet the Girl •

2.7K 92 7
                                    

*********************************************

David Strauss' Residence...

Kid's PoV

Kent Alfonse Lyserg, yan ang totoo kong pangalan.. Pero sa ngayon mas preferred ko ang Kid Lyserg yan din kasi ang pinangalan sa akin ng Head Director ng Institution na siyang pinanggalingan ko.

Kanina pa ako gising pero nakahilata lang ako dito sa kama, ang totoo ay di nga ata ako nakatulog kahit na ilang saglit lang eh.

Loud sound of moaning girl!!

Ano yun!? San galing yun!?

Hinagilap ko saan nagmumula ang tunog na yun at...

"Tsk!" Anak ng kamote naman yun yung alarm na sinet ko kagabi.

Bakit naman sa dami ng pwedeng sound para sa alarm ay yun pa ang napili ng may-ari ng kwartong tinutuluyan ko!?

Halos dalawang linggo na akong tumutuloy sa kwarto na to pero kagabi ko lang sinubukan ang mag-set ng alarm at palpak pa ata ang kinalabasan.

Di bale na alas-tres na ng umaga kaya kailangan ko ng bumangon para simulan ang aking daily routine.

Matapos kong ayusin ang alarm clock ay dumiretso na ako ng banyo para maghilamos at saka nagpalit ng damit.

Black Hooded Jacket, Red Shirt, Black Short, at Black Rubber Shoes. Saktong bihis lang para mag-jogging sa labas.

Sa loob ng dalawang linggo sa ganito nagsisimula ang araw ko ang pag-jojogging tuwing alas-tres ng madaling araw at pagkabalik ko naman dito sa bahay sa rooftop ko itinutuloy ang training ko.

Eto na ang nakasanayan ko nuon pa mang nasa Institution pa lang ako at isa pa para sa kagaya kong sinanay at pinalaki sa Institution eto ang normal na buhay.

Ang pagsasanay at pagpapalakas ng katawan ang basic na tinuturo sa Institution, pero sa akin ang pagiging pinakamalakas at pinakamagaling yan ang goal ko.

Sandali kong binaling ang aking tingin sa salamin sa dingding ng kwarto at bahagyang pinagmasdan ang aking kaliwang mata matapos nun ay hinawi ko na aking buhok pa-kaliwa para matakpan ang aking kaliwang mata.

Ayos na ang lahat kaya lumabas na ako ng kwarto, dahil sa nasa dulo ng second floor ang kwartong tinutuluyan ko ay madadaanan ko pa ang isang bakanteng kwarto at ang kwartong tinutuluyan ni Kuya David.

Dahan-dahan lang ang lakad ko baka kasi magising ko si Kuya David nakakahiya naman sa kanya.

Habang naglalakad ay napansin kong nakasiwang ang pinto ng bakanteng kwarto kaya minabuti kong isarado eto pero to my surprise ay may umagaw ng atensyon ko na nasa loob ng kwarto ngunit bilang pag-galang sa taong nagpatira sa akin ay minabuti kong isara na lang ang pintuan at pabayaan na ang kung anumang nakita ko sa loob ng kwarto na yun.

Dumiretso na ako ng lakad hanggang sa marating ko na ang hagdanan paibaba ng ground floor.

Dumiretso na ako ng pintuan para lumabas na sana ng...

"Oh mag-jojogging ka!" Boses ni kuya David yun ha kaya agad ko siyang nilingon at tama nga ako nakatayo sa hagdanan at nakabihis din ng gaya sa akin ang kaibahan lang ay wala siyang jacket.

"Good morning, kuya! Pasensya mukhang nagising kita!" Saad ko.

"Hindi ahh.. Gising na ako kanina! Balak ko din sanang mag-jogging kaya baka pwedeng sumama na lang ako sayo," sambit nito.

Tales Of Heimdohr: Mana BringerWhere stories live. Discover now