Chapter 1: Basbas

7.5K 147 20
                                    

Chapter 1: Basbas

Sa university campus isang araw nagulat si Francis nang makita si Red na may hawak na papel. "Bro wag mo naman sabiihn nakapag enroll ka na" sabi niya. "The early bird" sabi ni Red. "Yeah eats the worm" sabi ni Francis. "Kadiri ka, bakit ako kakain ng worm? The early bird has time to fly a lot" landi ni Red.

"Well, ano ba problema niyo? Pati siya naka enroll na kahapon" sabi ni Francis. "Oh so magkilala na kayo?" tanong ni Red. "Yeah, remember after we had the talk? Parang kinuha ko lang basbas mo non. Sabi ko the next time I see her kikilalanin ko na siya and you know what the next day nakita ko at kinilala ko na" sabi ni Francis.

"Basbas ko? Wala naman ako binigay na basbas" sabi ni Red. "Bro, matic na yon e. Kasi yung tono mo naman willing ka to help me, parang sinasabi mo narin na pwede na ulit ako manligaw. Remember last time, sabi mo wag pa kasi masyado pa maaga" sabi ni Francis.

"Ahhh...wala pang three months e, follow bro Popoy's rule kasi. E four months ka na single, pwede na" sabi ni Red. "Kaya nga parang hiningi ko lang basbas mo" sabi ni Francis. "E kung sinabi kong hindi?" tanong ni Red. "E di hindi, friends lang hanggang ibigay mo basbas mo" sabi ng kaibigan niya.

"Kailan pa tayo nagkaroon ng ganyan na usapan?" tanong ni Red. "Ewan ko pero it kinda grows. May ganon na tayong bond" sabi ni Francis. "Gusto mo magholding hands tayo?" tanong ni Red kaya natawa si Francis at binuntal sa braso ang kaibigan niya.

"Ayusin mo kasi yang pananalita mo, bond bond mo mukha mo. O pare sabi mon aka enroll na siya, that says a lot about her. Why don't you enroll too?" sabi ni Red. "Ano ba kasi nakukuha niyo sa super early enrollment?" tanong ni Francis saka inagaw papel ng kaibigan niya tinignan ang kanyang schedule. "Pare mabait ba ako?" tanong ni Red.

"Oo naman, magiging bro ba kita pag hindi ka mabait?" sagot ni Francis. "Hindi kaya napili mo si girl at nasabi mo she is the one kasi she is similar to me? Tignan mo early enroller din like me, mabait din like me.." landi ni Red.

"Hahahahaha gagi!" sigaw ni Francis. "Nakarami ka nang failed relationships so siguro pinapattern mo na with the one that works. Me!" hirit ni Red kaya tawang tawa ang kaibigan niya. "Flattered ako pre, so siguro kulot din siya ano? Siguro magkasingtangkad kami..." hirit niya pero tinulak siya ng kaibigan niya kaya nagtawanan sila.

"Mag enroll ka na! Para itext mo later, ipasikat mo naka enroll ka narin. O diba?" sabi ni Red. "I don't have her number yet" sabi ni Francis. "Oh my goodness, kung sino ka mang masamang espiritu lumayas ka sa katawan ng aking kaibigan" sigaw ni Red sabay humawak sa noo ng kaibigan niya.

Ang daming natawa sa paligid kaya si Francis game na game na nagtaas ng dalawang kamay para sakyan biro ng kaibigan niya. "Pare you don't have her number yet?" tanong ni Red. "Wala pre, as in wala. Bro iba talaga feeling, I felt so happy just by meeting her" sabi ni Francis.

"Niloloko mo ako e, ikaw pa wala number niya?" sabi ni Red. "Oo bro, it was a short introduction. Then I think she is really the one kasi after that three times kami nagkita and the last one was yesterday. It is a sign" sabi ni Francis.

"Wow, pare gusto mo patokhang kita? May it's a sign it's a sign ka na ngayon" sabi ni Red. "E imagine I don't have her number, I keep seeing her unexpectedly, it is really a sign" sabi ni Francis.

"Mamimiss kita pre, dibale siguro six months magaling ka na" drama ni Red. "Sira ulo I am perfectly fine" sabi ni Francis. "Tigil mo nga yang it's a sign, kinikilabutan ako. Pare ha ang tagal na natin magkaibigan kaya yang pagbabago mo nakakagulat" sabi ni Red.

"Because she is starting to change me" sabi ni Francis. "Hindi pa nga kayo close e" sabi ni Red. "Kaya nga, that is why I feel siya na talaga. That is why I am taking it slow" sabi ni Francis. "E pano kung may nakilala siyang iba?" landi ni Red.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now