Chapter 49: Spirit

4.9K 108 7
                                    

Chapter 49: Spirit

"First time ko dito sa mall na ito" sabi ni Krizelle. "Ako nga din, wait lang, dito muna tayo sa tabi kasi tatawagan ko yung bakeshop. Oorder na ako ng banana bread para daanan nalang natin mamaya" sabi ng binata.

"Hello pwede umorder, isang Big Quack, Quarter Moon.." sabi ni Red kaya natawa si Krizelle. "Tita, hello, oorder sana ako ng banana bread" sabi ni Red. Nagulat si Krizelle nang hawakan ng binata wrist niya, nahila ang dalaga paatras kaya tinignan niya yung binata. Sinundan niya tingin mga mata ni Red at nakita niya yung mga mukhang goons na padaan.

Parang nainsulto yung isang lalake kaya tinignan niya ng masama si Red, nagpanic si Krizelle pero nakita niya nakipagtitigan talaga kaibigan niya sa mukhang goons na lalake. Kinakakabahan na ang dalaga pero nakita niya yung lalake na napayuko kaya napangiti siya saka pasimple niya tinignan si Red na tuloy nakikipag usapan sa phone.

"Okay na" sabi ni Red saka tinago phone niya. "Akala ko mapapaaway ka" sabi ng dalaga. "Hindi, lets go" sabi ng binata. "So ganon ka din with Rachelle?" tanong ng dalaga. "Of course" sagot ng binata. "E kay Francis?" landi ni Krizelle. "Hindi, tinutulak ko siya" biro ni Red kaya bungisngis ang dalaga.

"In fairness konti tao dito" sabi ni Krizelle. "Mahal kasi dito e, pero look at the decorations. Ramdam na ramdam ang Christmas spirit" sabi ni Red na parang bata. "Whenever I see girls and boys doing rugby in the streets..." biglang kanta ni Red kaya pinagpapalo ng dalaga pwet niya.

"Mali ba?" landi niya. "Patawa ka talaga, pero bakit mo naman nasabi mahal dito?" tanong ni Krizelle. "Kokonti tao e, so malamang mahal dito" sabi ni Red. "Di naman siguro, baka timing lang konti tao" sabi ng dalaga. "Ewan ko, tara libot tayo. Ano kaya maganda iregalo..." sabi ni Red. "Para kanino?" tanong ni Krizelle. "Para sa lahat, pare pareho nalang para mura" sabi ng binata. "Hahaha nahahawa ka na ata kay Francis" sabi ni Krizelle.

"Naka ready na regalo ko para sa mama at papa ko. Meron narin ako para kina auntie at uncle" sabi ni Red. "Then just get one for Rachelle" sabi ni Krizelle. "Nabigay ko na regalo niya bago siya umalis" sabi ng binata. "Really? What did you get her?" tanong ng dalaga.

"Secret" landi ng binata. "To naman, sige na ano binigay mo sa kanya?" tanong ni Krizelle. "Basta, now I need to find gifts for Francis, tito and tita, si Negi pa pala" sabi ni Red. "Sino si Negi?" tanong ni Krizelle. "Si Char-coal, ayaw niya yon kaya Negi tawag ko sa kanya. Nag video chat kami tapos umitim siya e" sabi ni Red kaya natawa si Krizelle.

"Oo grabe umitim siya, ilang araw palang yon ha" sabi ng dalaga. "Baka nagtatampo ka di ko nabanggit pangalan mo. Kasi pag niregaluhan kita, kailangan ko din bigyan si kuya Karl, then si kuya Kevin then si kuya Kristoff, syempre kailangan ko narin bigyan mama at papa mo. Kaya magastos pag bibigyan kita" banat ni Red.

"Hahahaha sira, di naman ako nag eexpect ng regalo" sabi ng dalaga. "Mabuti naman kung ganon" sabi ni Red. "Hey can we go there?" tanong ng dalaga saka tinuro yung dress shop. "Bakit ka pa nagtatanong? Sabihin mo lets go there" sabi ni Red.

"Baka kasi ayaw mo or baka sabihin mo bossy ako" sagot ni Krizelle. "Sus, walang ganon. Just say lets go there" sabi ni Red. "Okay, lets go there" sabi ng dalaga. "I don't like" sagot ni Red na parang bata kaya natawa ang dalaga at binangga ang kaibigan niya.

Bungisngis sila pumasok sa dress shop, may hinaplos na dress ang dalaga pero nagulat siya sa presyo nito. "I told you" bulong ni Red. "Oh my God, bakit gawa ba sa ginto tong tela?" tanong ni Krizelle.

Lumabas ang dalaga, sinundan siya ng binata, "Grabe naman don" reklamo ni Krizelle. "Wag ka na magalit, ganyan lang talaga siguro sa store na yan. Come on" lambing ng binata. "Bakit naman ako bibili ng dress na worth six thousand pesos, diba?" sabi ni Krizelle.

RULE NUMBER FIVEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin