Chapter 44: Rule Number Two

5.1K 114 9
                                    

Chapter 44: Rule Number Two

Binuksan ni Charlene gate nila, napapito si Red kaya ang dalaga namula at nagtakip ng bibig. "Oh my God Charlene, you look so pretty" sabi ni Rachelle. "Uy hindi naman" sagot ni Charlene. "Char nagbago itsura mo, gumanda ka ng ten levels" sabi ni Red.

"Grabe ka naman, pina ayos ko lang hair ko konti" sabi ni Charlene. "Happy birthday sis" bati ni Rachelle saka nagbeso sila. "Char happy birthday pero Char coming from a guy, gumanda ka talaga ng ten levels" sabi ni Red kaya natawa yung dalaga at nakibeso sa binata.

"Pasok kayo, bakit hindi niyo dinaanan si Krizelle?" tanong ni Char. "We were supposed to but Zelle said dadaanan daw siya ni Francis" sabi ni Rachelle. "So ano plano mo?" tanong ni Red. "Tayo tayo lang, uy pero salamat talaga ha na kayo yung magluluto" sabi ng dalaga.

"Hahahaha assistant lang ako, si Francis ang cook. Nasan sina tito at tita?" tanong ni Red. "Binili yung mga sinabi ni Francis. Pero yung meat naka marinate na sa ref, dinaan ni Francis kahapon, di pa nga nabayaran yon e" sabi ng dalaga.

"Don't worry about it, so what can we do while the chef is not here?" tanong ni Red. "As in tayo tayo lang, hindi ako nag invite ng iba" sabi ng dalaga. "No special someone?" tanong ni Rachelle. "Wala no, I mean wala pa" sabi ni Charlene. "Past special someones?" tanong ni Red.

"Hahahaha ano gusto mo masira tong birthday ko?" tanong ni Charlene. "Oh wow, cake" sigaw ni Red. "Ang tulis ng mata mo ah, ang layo layo ng kusina nakita mo pa" sabi ni Charlene. "Masarap yung cake nila doon, oh my goodness what flavor is your cake?" tanong ni Red.

"Di ko alam, padala ng ninang ko yan, kanina lang dinala ng messenger" sabi ni Charlene kaya nagtungo sila sa kusina. "Nakakahiya naman, nagbigay ninang mo tapos hindi siya invited" sabi ni Rachelle.

"Kasi nasa Singapore sila" sabi ni Charlene. "E pano nagpadala?" tanong ni Red. "May mga tao siya dito" sabi ni Charlene. "Ang laki ng box pero pagbukas cupcakes lang ano?" biro ng binata. "Don't open it" sabi ni Rachelle pero parang bata si Red na binuksan yung carton.

"Oh my goodness triple chocolate" sabi ni Red. "Para kang bata" sabi ni Charlene. "He loves cake, nung may cake sa bahay siya nag ubos tapos ibintang sa mga kapatid ko" kwento ni Rachelle. "Maselan sila kumain, kakain sila ng two spoons tapos ayaw na so ako uubos" sabi ni Red.

Nakarinig sila ng busina, "Ops ako na, stay put ka lang birthday girl" sabi ni Red kaya pagkalayo ng binata nagbungisngisan yung dalawa. "Sorry ha, he really loves cake. Ayusin ko nalang yung icing" sabi ni Rachelle. "Okay lang, wag na, di naman halata na kumuha siya" sabi ni Charlene.

"Really sorry, sometimes talaga para siyang bata" sabi ni Rachelle. "Uy ano ka ba? Okay lang no" sabi ni Charlene. "So kumusta na yung guy na sinasabi mo? "bulong ni Rachelle. "Shhhh quiet, baka marinig ni Red" sabi ni Charlene. "Hahaha I know what you mean kasi he is protective of my friend Twinkle din" sabi ni Rachelle.

"Talaga?" tanong ni Charlene. "Ay grabe, kasi kulot din si Twinks, so Red said papasa ako na kuya mo. Dami kasi nagkakagusto kay Twinks for the wrong reasons, you know...napaaway na nga si Red actually" sabi ni Rachelle. "Hala, what happened?" tanong ni Charlene.

"Nothing to worry about, natakot yung guys. Red talked his way out of it" sabi ni Rachelle. "Bakit hindi mo sinasama si Twinkle?" tanong ni Charlene. "Kung strict mom ko mas strict parents niya, only child e" sabi ni Rachelle.

"Happy birthday" sigaw ni Krizelle at Francis. Yumakap si Krizelle sa bestfriend niya saka inabot yung regalo. "Hala nag abala ka pa" sabi ni Charlene. "Bakit sinasabi lagi ng mga celebrants yan? Sa totoo naman tuwang tuwa sila nakakatanggap sila" sabi ni Red.

RULE NUMBER FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon