Chapter 16: Sunday

5.1K 119 19
                                    


Chapter 16: Sunday

Isang Lingo sa may simbahan kalalabas ng pamilya ni Krizelle. "Si Kulot" bigkas ni Kristoff. "Kulot!" sigaw ni Karl. "My goodness Karl your mouth" sabi ni Lucy. Napalingon si Red, kumaway si Krizelle pero umirap ang binata saka nagtuloy ng lakad. "Hoy Red" sigaw ng dalaga kaya natawa ang binata at humarap.

Paglapit niya, "Happy Sunday po" sabi niya saka nagulat si Lucy nang kunin ng binata kamay niya saka siya nagmano. "God bless you iho" sabi ng matanda. Sinunod ni Red si Diosdado, mga pilyong kuya ng dalaga pumila saka inaabot mga kamay nila.

"Mga loko loko talaga kayo" sabi ni Lucy kaya bungisngis si Krizelle saka natawa ama niya nang nagmano talaga si Red mga kuya ng dalaga. Nang humarap si Red kay Krizelle pabirong nilapit ng dalaga kamay niya, hinawakan ito ni Red at imbes na nagmano e hinalikan niya likod ng kamay ng dalaga.

"Oist" bigkas ni Karl, "Hoy oy oy" pahabol ni Kevin saka nilalayo ang binata kaya tawang tawa si Krizelle. "Who are you with Red?" tanong ni Lucy. "Ako lang po tita, sina auntie at uncle kasi sa ibang simbahan, ako lagi po ako dito rain or shine" sabi ni Red.

"Weh, dito ka lagi? E dito kaya kami lagi" sabi ni Krizelle. "Oo, dito nga ako na baptize, tapos dito din first holy communion ko, kaya at home na at home ako dito" sabi ng binata. "Parang pumayat ka ata iho" sabi ni Lucy.

"Mataba ako kanina po, nung pumasok ako bigla ako nalusaw" biro ng binata kaya natawa mga kuya ng dalaga. "Ma kasi member siya ng debate team ng school" sabi ni Krizelle.

"Really? So did you win?" tanong ni Diosdado. "Not yet sir, competition starts in a two weeks" sagot ng binata. "May lakad ka ba? Why don't you come with us? We are going to eat out" sabi ni Lucy.

"Thank you for the offer tita but I have to go home now and study" sabi ng binata. "Exams niyo na ba?" tanong ni Diosdado. "Hindi pa po tito, pero.." sabi ng binata pero inakbayan na siya ni Karl. "Walang pero pero sasama ka" sabi niya.

"Uy kuya kailangan ko.." sabi ni Red. "Sus dami palusot, sumama ka na" sabi ni Kevin. "Sa amin siya sasakay" sabi ni Karl kaya sinama nila si Red papunta sa asul na kotse. "Uy baka may gagawin siyang importante" sabi ni Krizelle.

"Wala, nahihiya lang ito. Review daw, sus style mo kulot" sabi ni Karl. Ilang minuto lumipas sa loob ng isang Chinese restaurant nahihiya si Red kaya nakayuko lang ulo niya. "Oy Kulot ano gusto mo?" tanong ni Karl.

"Kahit ano" sagot ng binata. "Walang kahit ano dito" sabi ni Diosdado kaya inabot ni Kristoff yung menu. "Ang behave mo sobra, parang hindi ikaw yan" sabi ni Krizelle. "Bakit ang tagal mo mamili? Kanina pa aantay si kuya o" sabi ni Kristoff kaya namili na yung binata.

"Bakit ang dami mo inorder?" banat ni Karl kaya napakamot si Red. Laugh trip yung magkakapatid, "Ang konti nga ng order niya e, don't be shy Red" sabi ni Lucy. "Kuya, ibalik sa akin ang menu" bigkas ni Red bigla with matching taas kamay sabay pitik na parang boss kaya umariba sa tawa ang magkakapatid.

Bumalik yung waiter, "Paki una yung water kuya ha, thanks" banat ni Red kaya tuloy ang tawanan ng magkakapatid. "Very funny guy" sabi ni Lucy. "Siguarado ka debate team ka?" tanong ni Diosdado.

"Opo, kaya ko naman po magseryoso" sabi ni Red saka may kinawayan, napalingon yung buong pamilya, may isang matanda na kumaway din kaya agad nila tinignan si Red. "Kilala mo siya?" tanong ni Krizelle.

"Hindi" sagot ng binata kaya ang tindi ng tawa ni Karl. "Loko loko ka talaga, siya yung may ari" sabi ni Krizelle. "Siya ba? Style ko lang yon para madistract ko kayo, masarap tong appetizer kasi gusto tikman kaya nung lumingon kayo kumuha ako" sabi ni Red.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now