Chapter 29: BFF

4.8K 129 22
                                    


Chapter 29: BFF

"Hi Francis" bati ni Rachelle. "Hello Rachelle, first time ko papasok dito sa campus niyo. Are you sure okay lang?" tanong ni Francis. Bungisngis si Rachelle kaya tinignan ni Francis ang bestfriend niya. "Bro bakit parang may masamang kutob ako" sabi niya.

"Bro? What are you talking about? Itotour niya lang tayo sa school nila. At may misyon tayo, magtatanong tanong tayo about Simon the prospective love interest of Charlene" sabi ni Red. "Oh oo nga, pero hindi tayo masisita ha" sabi ni Francis. "Oo bro, wala naman sila pasok tapos ang palusot natin prospective transfer student, kung masira tayo ako bahala" sabi ni Red.

Sa loob ng campus parang turista si Red kaya hinahaplos ni Francis ulo niya habang si Rachelle di makapigil sa bungisngis. "Oh my God bro wag naman" sabi ni Francis nang iextend ni Red yung dala niyang selfie stick. "Bro ano ba? Baka sinusundan tayo ng guards, so dapat naman umakting kang gusto mo lumipat dito" sabi ni Red.

"I swear he is not crazy, ganyan lang talaga yan" sabi ni Francis. "I know" sabi ni Rachelle. "O groupie tayo, groupie kasi more than one. You cannot call it a selfie. Selfie pag solo, pag more than one groupie na yon" paliwanag ni Red.

"O bakit ako sa gitna? Dapat magtabi kayo" sabi ni Francis. "Para ikaw yung mamatay, pag tatlo daw yung nasa gitna ang mamatay" sabi ni Red kaya bumigay na si Rachelle at napalakas yung tawa habang si Francis pinag uuga yung kaibigan niya.

"Grabe ang saya niyo siguro lagi ano?" tanong ni Rachelle. "Oo nung bata kami pero meron time noon na halos one week kami nagdaan sa pagdudurusa" sabi ni Red kaya napaisip si Francis. "Kailan naman yon?" tanong niya. "Nung tinuli tayo, ang arte arte mo ayaw mo magpalda, pati ako ayaw mo pagpaldahin" sabi ni Red kaya halos maiyak na si Rachelle.

"Grabe ka naman pati yon ikwekwento mo" sabi ni Francis. "Teka, hindi naman kayo magkapitbahay diba" sabi ni Rachelle. "Yup, nung time ng tuli kasi toka ko magstay sa kanila. Summer noon e" sabi ni Red.

"Hindi, yun yung nagstart ang mga sleep over" sabi ni Francis. "Ay oo nga, basta summer take turns na sleep overs" sabi ni Red. "Until now?" tanong ni Rachelle. "Until high school, medyo nabawasan na college" sabi ni Francis.

"Diyahe na kasi mga pinaglalagay niya sa face niya. Tapos ayaw niya pakita sa akin nagsusuot siya ng pepe shorts. Madami yan beauty regimen e" sabi ni Red. "Siraulo ka walang ganon" sabi ni Francis kaya tuloy ang tawa ni Rachelle.

Pumasok sila sa isang building, umakyat sa fourth floor, "Are you sure?" tanong ni Rachelle. "Yes, nandito na tayo e" sabi ni Red. "Wait, let me just ask ano ba gagawin natin?" tanong ni Francis. Nakangiti lang si Rachelle kaya si Red inakbayan yung kaibigan niya.

"Bro Rachelle is here to make us closer, to make us stronger, bro gagawin niya tayong matapang" sabi ni Red. "Tsk, badtrip na to ah, parang masama na talaga kutob ko" sabi ni Francis kaya super bungisngis na si Rachelle. "Bro naman, walang ganon" sabi ni Red.

"Look at her bro, ay ay Red ha, bro ha" sabi ni Francis. "Bro, look at me, kailangan natin ito bro" sabi ni Red kaya binuksan na niya yung pintuan. "Oh shoot sabi ko na e, oh shoot" bigkas ni Francis na tila maatake pagkat may katawan na natatakpan ng puti na kumot ang una niyang nakita.

"Come on bro, look mag memedicine siya kasi so sanay na siya dito. Bro papatalo tayo sa babae? Siya o tignan mo chill lang siya o tapos tayo duduwag duwag?" tanong ni Red. "E bakit mo ako tinutulak papasok? Mauna ka tapos susunod ako" sabi ni Francis kaya laugh trip na si Rachelle.

"Bro, nakakahiya tayo o, tinatawanan na tayo o" sabi ni Red. "Kaya nga mauna ka" sabi ni Francis. "Sabay tayo bro" sabi ni Red. "Hindi tayo kasya sa door" sabi ni Francis. "E di ikaw una" sabi ni Red saka tinulak kaibigan niya papasok.

RULE NUMBER FIVEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum