Chapter 25: Manhid

5K 108 12
                                    

Chapter 25: Manhid

Last day ng exams nang magkita sina Rachelle at Red sa mall. "Musta exams mo sana itatanong ko pero mukha kang pagod" lambing ni Red kaya napangiti si Rachelle. "Akin na bag mo" sabi ng binata at pagkakuha ng bag napasandal ang dalaga sa binata.

"Wow really drained huh" sabi ni Red. "Sobra, mahirap yung exam pero thankfully nasagot ko lahat" sabi ng dalaga. "Red!" narinig nilang sigaw kaya sabay sila napalingon. Si Charlene kumakaway saka lumapit agad sa dalawa.

"Hello! Long time no see grabe ka" sabi ni Charlene. "Hello Charlene, ah bago ang lahat Charlene eto pala si Rachelle. Rachelle this Charlene, the bestfriend of the girlfriend of Francis. Sounds complicated ano kaya Charlene nalang" banat ni Red.

"Finally" bigkas ni Charlene habang kinakamayan si Rachelle. "Hoy anong finally? Tama na yan. Bakit finally at bakit may twinkle twinkle mga mata mo?" banat ni Red kaya nagtawanan yung mga dalaga. "Siraulo ka talaga, finally kasi nakilala ko narin siya" sabi ni Charlene.

"E bakit ang twinkle ng eyes mo, nacoconvert ka na ba? Wag kang ganyan hindi ako pumapatol sa babae oy. Unfair" hirit ni Red kaya halos magtago na si Rachelle sa likod ng binata sa tindi ng tawa. "Siraulo ka talaga, nagagandahan lang ako sa kanya" sabi ni Charlene.

"E ako? Long time no see sabi mo, how about me?" landi ni Red saka nagposing. "O bakit ikaw?" tanong ni Charlene. "Ang sama mong kaibigan, o ano ginagawa mo dito?" tanong ni Red. "Namamasyal kasi tapos na exams, e kayo may date ba kayo?" tanong ni Charlene.

Sasagot sana si Rachelle pero nauna si Red, "Hindi, iniinspect lang namin tong mall nila" sabi niya. "Oh my God sa inyo ito Rachelle?" tanong ni Charlene sa gulat kaya ang tindi ng tawa ni Rachelle.

"Ikaw imbento ka talaga, ang hilig hilig mo mag imbento" sabi ni Charlene. "Hahaha kakain kami, ikaw san ka na pupunta?" tanong ni Red. "Come eat with us" alok ni Rachelle. Napangiti si Charlene saka tinignan si Red, "Sige mauna na kami, bye. It was nice seeing you" sabi ng binata.

Binangga ni Rachelle yung binata, natawa saka pinagkukurot braso nito. "You can come with us" sabi ng dalaga. "Hindi na, it was nice meeting you" sabi ni Charlene. "I insist" sabi ni Rachelle. "Joke lang niya yon, sige na bye" sabi ni Red kaya nagtawanan yung mga dalaga.

"So saan tayo?" tanong ni Charlene. "Tagal na niya nagpaparinig ng ramen so treat ko siya to ramen" sabi ni Rachelle. "Oh my sagot mo ba?" tanong ni Charlene. "Sugar mommy ko yan" banat ni Red kaya naatake siya ng kurot.

Sa loob ng restaurant nagtabi sina Rachelle at Charlene habang sa tapat nila si Red. "Okay lang ba talaga nandito ako?" tanong ni Charlene. "Hindi" sabi ni Red ng madiin kaya tumawa si Rachelle. "Its okay, ganyan lang talaga yan always being funny" sabi ng dalaga.

"I know, miss na nga namin siya e. Grabe ang tagal na Red ha" sabi ni Charlene. "Sorry I am busy, you know life happens" landi ng binata. "Grabe di ka man lang makadaan to say hi tapos bakit ka nag deactivate ng Facebook?" tanong ni Charlene.

"Hi" banat ni Red ng sobrang landi kaya natawa ulit si Rachelle. "Hay naku Red" sabi ni Charlene. "I was really busy, I apologize" sabi ng binata. "So bakit ka nagdeac ng FB mo?" tanong ni Charlene. "Masyadong time consuming, pag sumilip ako natetempt ako mag browse ng magbrowse so tinigil ko muna"

"Yung oras na nasasayang ko sa pag browse e ginagamit ko sa more productive things" sabi ni Red. "Fine, Rachelle sabi ni Francis you are going to take up medicine" sabi ni Charlene.

"If God permits, ano course mo?" sagot ni Rachelle. "Industrial Engineering, pareho kami ni Krizelle" sabi ni Charlene. "Sino ulit si Krizelle?" tanong ni Rachelle. "Yung girlfriend ni Francis" sabi ni Charlene.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now