Chapter 57: Yanig

4.9K 121 43
                                    


Chapter 57: Yanig

"Good morning po tita" bati ni Krizelle saka nakipag beso kay Eleanor. "Tito hello po" sabi ng dalaga saka nakibeso din kay Rodolfo. "Bakit po kayo nandito sa labas?" tanong ni Krizelle. "Hmmm nagconcert yung dalawa, masisira lang ear drum mo" sabi ni Rodolfo.

Lumapit sa pintuan si Krizelle, natawa na siya nang marinig yung dalawang bumibirit sa loob sa sobrang sintunadong boses. "Dibaaaaaa ako'y tao lang...natutukso rin!! Maalis mo ba saaaaa akin..." hirit ni Red habang si Francis bumira ng mala second voice humming.

"Tita pwede pumasok?" paalam ni Krizelle. "Sige lang iha" sabi ni Eleanor. "Pag dumating pulis lumabas ka agad ha, ipapatokhang ko na yang dalawa" biro ni Rodolfo kaya maingat na pumasok si Krizelle, hinanda niya agad phone niya saka kinunan ng FB live yung dalawang binata.

Todo pigil ng tawa si Krizelle habang nagtatago, mga binata busy sa paghahanda ng lulutuin at hingal pareho pagkatapos nila kumanta. "Alam mo bro dapat kinarir natin tong singing e, siguro kung binigyan natin ng atensyon tong hidden talent natin baka gumaling tayo" sabi ni Red.

"Magaling naman tayo e, hindi lang sila marunong mag appreciate" sagot ni Francis. Muntik bumigay si Krizelle, gusto na niya sana magpakita pero nagtago parin siya para kunan yung nakakatawang usapan nung dalawa.

"May sinabi ba si tito Tony sa timpla?" tanong ni Francis. "Yung iba lang daw gawin spicy, para daw may variation" sabi ni Red. "O sige ikaw na bahala mag lagay ng spices, ikaw yung magaling sa anghang e" sabi ni Francis.

"Baby its you! Youre the one I love, youre the one need..." birit ni Red saka sumagot si Francis sa mas mataas na octave kaya si Krizelle maiyak iyak na sa paligsahan ng birit ng dalawang sintunado sa kantang Love on Top.

Ayaw patalo ni Red, tinaasan niya lalo boses niya, "Oooh come on baby, you put my love on top top top top you put my love on top....aaaahhhhh baby its youuuu whoowhooo, youre the one I love..." hiyaw niya sa mala hysterical na boses at facial reaction kaya si Francis natawa at muntikan nang bumigay yung dalaga.

Inuga ni Francis ulo niya kaya si Red huminga ng malalim saka tinira yung mas mataas pang octave. Kumapit si Red sa pintuan, "Baby its youuu whoooowhooo..." birit niya with complete facial reaction na natatae. Bumigay na si Francis, luhang luha na siya sa katatawa tulad ng nobya niyang nakatago at tuloy ang pagkuha ng live video.

"Baby its youuuuu...manganganak na akoooo bro wala na akong itlog..ganap na babae na akooooo" hiyaw ni Red pabirit sa kanta kaya sumagot sa katatawa si Krizelle kaya si Francis napalingon at nakita siya. "Redentor!" sigaw ni Rodolo kaya tumitigil si Red.

"Diyos ko yung mga kapitbahay nagtatanong na anong nangyayari dito" sabi ni Eleanor. "Ritual lang yon mama, para sa masarap na pagkain" landi ni Red kaya napatingin siya kay Krizelle na tawang tawa parin.

"It's a form of disinfecting the food papa, look na scare away ang lahat ng germs" hirit ni Red kaya umariba sa tawa si Krizelle at Francis. "Anak gusto mo tawagan ko na ninong Resty mo para patokhang ka na?" tanong ni Rodolfo.

"Papa you are so cruel, hello Krizelle nandyan ka pala" sabi ni Red. "You two keep it down, nakakahiya sa kapitbahay" sabi ni Eleanor. "Ang layo naman ng bahay nila" sabi ni Red. "Pero ang lakas ng mga boses niyo, parang may taong kinakatay na dito" sagot ng matanda. "I apologize mother, o Francis hindi tayo pwede maging cooking divas" sabi ni Red.

"Redentor paghandaan mo si Krizelle ng banana bread" sabi ni Eleanor. "Ay mamaya nalang po tita kasi busog pa ako" sabi ng dalaga. "Ma tinatanggihan niya yung gawa mo" banat ni Red. "Uy hindi, kakain ko lang talaga" sagot ng dalaga. "Ma ayaw niya talaga tikman yung ginawa mo" sabi ni Red.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now