Chapter 70: The Girl Friend

4.4K 107 38
                                    

Chapter 70: The Girl Friend

"Bakit mo binitawan yung mic?" tanong ni Divina kaya bungisngis sina Red at Rachelle. "May sakit ka ba? Malabo na ba mga mata mo?" hirit ng matanda. "Ma, its called mic drop" sabi ni Rachelle. "I know because he dropped the microphone" sabi ni Divina.

"No ma, its like a statement. It is just like saying that's all folks or he said something intense that the other side would not be able to counter" paliwanag ng dalaga. "Natural, tignan mo itsura nila takot na takot at durog na durog. Good job by the way Redentor. Tama lang ginawa mo, minsan kasi dapat prangkahin yung ibang tao e" sabi ni Divina.

"Tita D understands" landi ni Red kaya tinignan si Rachelle saka tinaasan ng kilay. "Red, wag masyado. A lot of people might get pissed at you" sabi ng dalaga. "Pissed? Why? He was so good. Keep it up" sabi ni Divina. "Ma, parang mayabang na dating niya, he should tone it down a bit" sabi ni Rachelle.

"What for? Arrogant stance, arrogant behavior but he can back it up. Matalino naman at lahat ng sinasabi may sense. As long as he has the tools to back it up then I don't see what is wrong. Di tulad ng iba na mayabang umasta pero wala naman pala ibubuga" depensa ni Divina.

"Oh tita D you are my new BFF" sabi ni Red. "Ma, he might gain a lot of haters and bashers" sabi ni Rachelle. "So? Yang mga haters at bashers na yan sa totoo mga talangka lang yan. Mga bobo, mga inggit, kasi alam nila they cannot become who Redentor is kaya nagreresort sila sa bashing or whatever. Hay naku, kayong mga millennials ginagawa niyong problema ang wala"

"Kaya tuloy wala din solution. Syempre pag ginawa mo problema ang wala natural walang solusyon yon" sabi ni Divina saka tumawa ng malakas. "Ma you are not making sense" sabi ni Rachelle. "Red am I not making sense?" tanong ng matanda. "You are tita, definitely you are" sagot ng binata kaya kinurot ni Rachelle ang binata. "Aray ko" reklamo ni Red.

"O sige na umalis na kayo, you two have fun" sabi ni Divina. "Wait, may kukunin ako sa taas" sabi ni Rachelle. Nagulat si Red nang haplusin ni Divina likod ng ulo niya kaya napatingin siya. "How are you iho?" sabi ng matanda.

"Okay naman po" sagot ni Red. "Are you sure?" tanong ni Divina. "Yes tita" sabi ni Red. "Tsk" bigkas ng matanda kaya tumayo si Red at humarap. "Tita I am fine, me and Rachelle are good friends" sabi niya. "Hindi naman sa hindi kita gusto iho, pero naiintindihan mo naman siguro ako" sabi ng matanda.

"Opo tita" sabi ni Red. "Nagulat nga ako nung sinabi niya wala na daw kayo. At first syempre inisip ko ikaw may kasalanan pero she explained. I don't know what to say, I feel a bit embarrassed" sbi ni Divina. "Tita don't be, alam niyo po tita, I love Rachelle so much that I want to give her the chance. A chance, kasi ako nag fail ako. So give him a chance too if ever" sabi ni Red.

"Pero sana take care of her ha, iaasa ko sa iyo yan. Alam ko sobrang higpit ko sa kanya pero now I can let go a bit kasi alam ko nandyan ka" sabi ni Divina. "Tita you can trust me, kung gusto niyo magpa assign ako ng guard sa kanya" sabi ni Red. "Ay sus wag na nakakahiya, I trust you Redentor. Take care of my baby girl please" sabi ng matanda.

"Red! Can I wear a dress?" sigaw ni Rachelle. "Hell no!" sigaw ni Red kaya ngumiti si Divina saka hinaplos pisngi ng binata. "Take care of her, wala pa ako tiwala sa pangit na yon" bulong ni Divina kaya natawa nalang si Red.

"Don't say that tita, Enan is a good guy. I can tell" sabi ni Red. "Pangit din tawag ko sa iyo nung hindi pa kita masyado kilala" sabi ni Divina kaya nagulat si Red. "Tita, with this kind of face?" pasikat ni Red kaya natawa yung matanda. "Maiintindihan mo din pag nagkaanak ka" sabi ng matanda.

Sa loob ni Hercules todo birit yung dalawa saka sila nagtatawanan. "Hay grabe ka Red, why are we having so much fun now compared to before?" tanong ni Rachelle. "Ewan ko, siguro kasi nung tayo e parang we were careful" sabi ng binata. "I guess so, pero still nahihiya ako minsan sa iyo" sabi ng dalaga.

RULE NUMBER FIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon