Chapter 51: Dear Santa

4.5K 110 20
                                    

Chapter 51: Dear Santa

"Dear Santa, please give me a gun that is laser so that I can fight Francis if you give him blazing sword" basa ni Francis kaya ang tindi ng tawa ni Krizelle habang tinitignan si Red na nakasimangot na parang bata.

"Gaganti din ako sa iyo loko ka, akala mo ha, madami din ako naitago sa bahay" sabi ni Red. "Ah eto pa" sabi ni Francis. "Ako magbabasa" sabi ng dalaga kaya kinuha niya yung shoebox na puno ng old letters at small toys.

"Dear Santa, I am a good boy, please give me giant chicken that has giant eggs. Please give me giant pig so that tita can cook me giant bacon" basa ni Krizelle saka siya napahiyaw sa tindi ng tawa. "Bata nga e" sabi ni Red.

"Grabe noon palang favorite mo na chicken at bacon?" tanong ni Krizelle. "Hindi, bacon and eggs lang" sabi ni Francis. "Ah, pero impossible nakakasulat na kayo noon" sabi ni Krizelle. "Kami magsusulat pero tinuturo ni tita or auntie ko spelling" sabi ni Red.

"Panakot ni tita noon gandahan daw sulat or else hindi maiintindihan ni Santa. Kaya sige pagandahan kami ng sulat nito" sabi ni Francis. "Up to what age kayo naniniwala kay Santa?" tanong ng dalaga kaya natawa si Red. "Sige sagutin mo yan loko" sabi niya.

"Hahaha basta we believe in the spirit and essence" sabi ni Francis. "Up to now?" tanong ni Krizelle "Hindi na no" sabi ni Francis. "Up to when nga?" tanong ng dalaga. "Sige ikwento mo na nakipag away tayo dahil pinagtawanan tayo. As in suntukan kasi pinagtawanan kami na isip bata" sabi ni Red.

"Hahahaha high school?" tanong ni Krizelle. "Talo tayo noon bro ano?" sabi mahinani Francis. "Oo nga kaya mas nakakahiya e, kung nanalo sana tayo e di ayos lang. E talo tapos isip bata pa ang peg kaya double pahiya tayo" sabi ni Red.

"Sabi ko na e!" sigaw ni Red saka inagaw yung maliit na action figure na hawak ni Krizelle. Tumawa ng malakas si Francis saka lumuhod at nagmakaawa, "Liar! Nawala daw. Whoooo I knew it tinago mo or tinapon mo e" sabi ni Red "Bakit ba?" tanong ni Krizelle saka kinuha yung action figure at pinagmasdan.

"E kasi that was the strongest kahit sa cartoons. E yung mga meron ako mga mas mahina, sa kanya ang lalakas. Kaya tinago ko yan tapos sinabi ko nawala" kwento ni Francis. "Huh nawala daw. Sus sabi ko na tinago mo e" sabi ni Red kaya medyo nag nerbyos si Krizelle.

"Since nabuking ka na, then isosoli ko narin yung favorite robot mo" sabi ni Red kaya nanlaki mag mata ni Francis. "Hahahaha sabi ko na gumanti ka e" sigaw niya at nagtawanan yung mag bestfriend. "Nasense ko tinago mo toy ko so gumanti lang ako" sagot ni Red.

"Teka nga, you two are okay?" tanong ni Krizelle. "We are" sabi ni Francis. "Ah talaga? Parang nakarami ka ata, pati tong favorite pamato ko sa teks nandito. Oh my God, anim na pamato ko nandito. Ayen ka!" sigaw ni Red kaya super natawa si Francis.

Pinagmasdan ni Krizelle yung super liit na parang comics cards, "Ano to?" tanong niya. "Teks, laro ng guys. May story yan sa totoo, pwede mo bilhin sa market tapos isusugal at ilalaro. Bale three na teks tapos papaliparin, if face up pamato mo at yon lang naka face up panalo ka, or if yon lang face down panalo ka din" sabi ni Francis.

"Tapos may taya kayo, example limang text or kahit ilang gusto niyo at nashoot niya" tuloy ni Red. "Teach me" sabi ng dalaga kaya kinuha ni Red yung tatlong text at nagpaliwanag pa lalo.

"Magaling yan e, hustler yan sa teks. Magaling din mandaya yan, naninira ng pato yan e" sabi ni Francis. "Hahahaha common excuse ng sore losers" sabi ni Red. "Sige turo mo tapos laro tayo" sabi ni Krizelle kaya tumayo si Francis at kumuha ng isa pang shoe box.

"Bwahahaha yan naalng natirang teks mo?" tanong ni Red. "Ang dami niyan ah" sabi ni Krizelle. "Sus, kay Red walo na shoe box, kahit saan yan dumayo panalo lagi yan kaya tinago ko mga pamato niya para tumigil na siya" sabi ni Francis. "Sore loser hahaha o game Zelle, ilang pusta mo?" tanong ni Red

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now