Chapter 72: Real

5.1K 117 26
                                    

Chapter 72: Real

Isang araw sa huling lingo ng Marso pumasok si Krizelle sa coffee shop. Habang nakapila sa counter napatingin siya sa isang pwesto kung saan naalala niya lagi may nakaupong lalakeng naka red noon.

Pinili niyang lamesa yung paborito niyang spot, nilapag niya phone niya sa lamesa, tumikim sa inumin niya saka inislice yung order niyang cake. Tumunog phone niya, tinignan niya ito at nakita may mensahe mula kay Charlene.

"Nasan ka? Lumabas ka daw. Gusto mo sumama?" tanong ni Charlene sa isang text message. "Tinatamad ako, tambay ako coffee shop" sagot ni Krizelle. "Bes okay ka lang? Do you need me?" tanong ni Charlene. "Bakit bes? Sis nalang hahaha. Sira sige lang enjoy niyo date ng kuya ko" sabi ni Krizelle.

"If you want to come okay lang. Ano sama ka? Sunduin ka namin" sabi ni Charlene. "No sis I am okay, not today sis. Next time" sabi ni Krizelle. "Sure ka okay ka lang?" tanong ni Charlene. "Yup, sige lang. Ingat kayo" sabi ni Krizelle saka nilapag phone niya.

Pagsubo niya ng slice napatingin siya sa dulo at napatigil ang pagnguya niya nang makita niya isang binata na nakasuot ng red cap na may letrang C na logo. Nagkatitigan sila, napa slow motion pag nguya niya nang makita niya yung binata tumayo at lumapit sa kanya.

Dahan dahan lumunok si Krizelle, ang binata nakatayo malapit sa kanya at humawak sa bakanteng upuan sa tapat niya. Nilapag ni Red baso ng inumin niya saka naupo agad at tinignan ang magandang dalaga.

"You are supposed to ask if someone is seated there" sabi ni Krizelle. "Dati lagi ko lang tinitignan mga bakanteng upuan sa tapat mo. Dati iniimagine ko lang na sana ako yung nakaupo sa tapat mo. I know someone is seated here and it's me" sagot ni Red kaya niyuko ng dalaga ulo niya saka napangiti.

"Kumusta ka Krizelle?" tanong ni Red kaya nagkatitigan sila. "Okay lang, ikaw?" tanong ng dalaga kaya inalis ni Red cap niya saka nilaro laro baso niya. "Okay lang din" sagot ni Red. "Congrats pala, we watched you sa live streaming" sabi ng dalaga.

"Salamat, championship in two weeks" sabi ng binata. "Kumusta ka na?" tanong ng dalaga. "Natanong mo na yan kanina, ikaw kumusta ka?" sagot ni Red kaya nagbungisngisan sila. Aabutin sana ng dalaga kamay ng binata para paluin pero nagpigil siya at pinaikot nalang phone niya.

"I like what you did to your hair" sabi ni Krizelle. "Bagay ko ba?" tanong ng binata. "Sobra, litaw na litaw na mukha mo" sabi ng dalaga. "So can you see me now?" tanong ni Red kaya napatigil ang dalaga. "What do you mean?" tanong ng dalaga.

"Can you see me now?" ulit ni Red. "My eyes may not have seen you in the past but when it did it was not only that...I felt you" sagot ng dalaga pabulong. "Alam ko may pinagdadaanan ka, late ko nalaman...I will not commit the same mistakes of the past"

"Wala na akong pakialam kung mali, insensitive na kung insensitive...I will not let you grieve alone this time" sabi ni Red saka tumayo saka inabot kamay niya kaya nalito yung dalaga. "Hi, my name is Redentor but you can call me Red" sabi ng binata.

Natatawa ang dalaga pero nagkatitigan sila ng matagal. Nakipagkamayan ang dalaga, "Krizelle" sagot niya kaya naupo ang binata at uminom sa baso niya. Nagtakip ng bibig ang dalaga pero nalulusaw siya sa mga titig ng binata kaya inabot na niya kamay nito at pinalo. "Basta dito lang ako, take all the time you want but I am not leaving you"

"Baka mamaya may ibang nakaupo dito and I don't like that to happen. I am seating here in front of you. I will stay here with you until you are okay" sabi ni Red kaya namula si Krizelle saka nilaro buhok niya.

Tahimik sila pareho, si Krizelle natatawa na pero nang ngumiti siya nginitian siya ng binata kaya napalo ulit niya kamay nito. "Basta dito lang ako, ikaw lang makakapag alis sa akin dito" sabi ng binata saka uminom mula sa baso niya.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now