Chapter 27: Rule Number Five

5K 125 24
                                    

Chapter 27: Rule Number Five

"Rachelle kumusta ka?" tanong ni Red habang magka video chat sila. "Fine, uy ako nagbabantay now so papakausap kita sa lola ko" sabi ng dalaga. "Uy wag ka naman ganyan, nananakot ka na" sabi ni Red kaya natawa yung dalaga.

"Later konti kasi they are giving her a sponge bath, pero here look o" sabi ng dalaga sabay finocus sa kama kung saan nandon lola niya. "Nakita mo?" tanong ni Rachelle. "I don't understand, last time magkausap tayo you sent a photo of you and her unconscious" sabi ni Red.

"I don't know if this is a miracle but the doctor said she fought back. Baka daw narinig mga boses namin kaya she fought back" sabi ni Rachelle. "Oh that is good, muntik ko na sinabi congratulations pero improper ata yon" sabi ni Red kaya natawa yung dalaga.

"A few days ago, she opened her eyes while I was talking to her so I screamed. Hahaha natakot ako and I ran away" kwento ni Rachelle kaya laugh trip si Red. "E kasi naman parang we all accepted it, even the doctor said expect the worse already so when she opened her eyes ay grabe" kwento ng dalaga.

"Wow, pero mukhang malakas naman na siya" sabi ni Red. "Yeah, the doctor said keep talking to her. So we all did, taking turns making kwento. Non stop yan then pag sleeping time we would leave the music player on with her favorite tunes"

"Two days later she asked for food, as in real food. Bakit daw panay sopas nalang. Gusto daw niya yung ngunguya siya" sabi ni Rachelle. "Wow, kinikilabutan pa ako pero wow ha. But can she talk already?" tanong ni Red. "Oo pero mabagal, kaya mamaya pakilala kita tapos mag usap kayo" sabi ni Rachelle.

"Okay, pero bakit ikaw lang nandyan?" tanong ni Red. "Other relatives have to work, cousins have school" sabi ng dalaga. "O sige, is there anything I should know before I talk to her?" tanong ni Red. "Oh yeah, wag kang mapipikon, she has a strange sense of humor" sabi ni Rachelle.

Ilang minuto lumipas nakita ni Red na magkatabi na si Rachelle at lola niya. "Lola I want you to meet someone" sabi ng dalaga kaya inayos ng dalaga yung salamin ng lola niya. "Who is that?" tanong ng matanda.

"Lola that is Red, Red this is my lola Perlita" sabi ni Rachelle. "Hello po" bati ni Red. "Anong klaseng pangalan naman ang Red? Bakit Red?" tanong ng matanda. "It is short for Redentor" sabi ni Rachelle. "Redentor is a nice name, may kaklase ako noon na pangalan Redentor. Gwapo siya pero bobo" sabi ng matanda kaya pigil tawa si Red.

"Why does he have long hair? Is he a drug addict?" tanong ng matanda. "No lola, mabait po siya" sabi ni Rachelle. "Bakla ba siya?" tanong ng matanda kaya laugh na trip si Rachelle. "Hindi po, lalake po ako" sabi ni Red. "E bakit mahaba buhok mo?" tanong ng matanda.

Kinuwento ni Rachelle kung bakit kaya kumalma yung matanda. "Is he your boyfriend?" tanong ng matanda. "No lola" sagot ni Rachelle. "Then why are you introducing him to me? Naghahanap ba siya ng sugar mommy?" banat ng matanda kaya ang tindi ng tawa ni Red.

"Matanda na ako, kung bata bata pa ako siguro pwede" hirit ng matanda. "Lola not you, me" sabi ni Rachelle. "E sabi mo hindi mo siya boyfriend" sabi ng matanda. "E, we just met lately and.." sabi ni Rachelle.

"Oh, o sige, you go get me apple pie across the street" sabi ng matanda. "Oh okay, Red ah.." sabi ni Rachelle. "Sige na pumunta ka na at mag uusap kami" sabi ng matanda.

"Ano pangalan mo?" tanong ng matanda. "Redentor po" sagot ni Red. "Yung buong pangalan, tapos taga saan ka. Sino ang mga magulang mo" hirit ng matanda kaya napalunok si Red saka inayos upo niya.

Ilang minuto lumipas bumalik si Rachelle, "Lola sorry natagalan kasi ang daming tao" sabi ng dalaga. "Hindi ko makita, bakit ang pangit ng cellphone mo, ayusin mo" sabi ng matanda kaya dumikit si Rachelle at nagulat pagkat parang nasa bubong si Red.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now