Chapter 42: Dobol R

4.7K 116 36
                                    

Chapter 42: Dobol R

"Bro pinag iinitan ako e, wala daw ako license or permits" sabi ni Francis. "Basta drive, alam mo yung mga kupal na troll sa Facebook walang balls sa totoo yan kaya puntahan natin" sabi ng binata. "Hindi siya troll, real account siya" sabi ni Francis.

"Which is good so puntahan natin, buti namukhaan ko yung lugar sa photo niya. Number twenty nine" sabi ni Red. "Tsk bro I really don't want trouble" sabi ni Francis. "Bro you need to teach these kind of people a lesson too, matindi ang crab mentality sa bayan natin so shut up and drive. Ako bahala" sabi ni Red.

"Pagdating nila sa address sakto may naghuhugas ng kotse sa tapat ng target house. "Ayan siya bro" bulong ni Francis. Napatigil din yung lalake na naghuhugas nang makita si Francis. "Uy" bigkas niya sa maamong tono.

"Hey, pare di ko gusto yung pinagsasabi mo tungkol sa kaibigan ko sa Facebook ha" sabi ni Red agad. "Teka lang, wala naman mali sa sinabi ko ah" sagot nung lalake. "Kupal ka pala e, you even threatened to report him. Tapos ang dami mong dada pa so eto nandito kami gusto mo ba ulitin mga sinabi mo?" hamon ni Red.

"Wag kang mayabang, pwede ko kayo kasuhan ng trespassing" sagot nung lalake. "Yan ang problema sa iyo e, akala mo tanga kami e. You use those terms as if alam mo. Look at where I am standing, naka sindi yung dashcam so we can use that as proof. Public road itong kinatatayuan ko at never pa ako tumuntong sa lupa mo so try again pare" sabi ni Red.

"Huh pwede ko kasuhan yang kaibigan mo, wala yang business permit" sabi nung lalake. "E di gawin mo, daldal ka ng daldal talangka ka. Porke hindi nag push through catering business mo sa isang client mo ganyan ka. Porke nakita mo sa kanya nagpapaluto..oh yes nagpapaluto. Even the term used sa post ng anak ng client mo is magpapaluto sa kaibigan"

"Sana kaya intindihin ng utak mo yon. Kailangan ba ng business permit ang magpaluto sa kaibigan? Oh hell no, so ano pinuputak putak mo ha? Crab mentality ka, pikon ka, porke ayaw na sa inyo titirahin mo tong kaibigan ko"

"Tapos sino yung name drop mo? Colonel Jimmy Acorda? Ha? Yung sinabi mong dikit mo? Tara tawagan natin" sabi ni Red saka nilabas phone niya. Naka speaker phone, babae sumagot, "Hello good morning pwede makausap si Colonel Acorda" sabi ni Red. "Sino po sila?" tanong ng babae.

"Paki sabi ni Redentor Rivera please" sabi ni Red. Ilang saglit may malalim na boses na sumagot. "Oh Red, how are you?" sabi ng matanda. "Tito, kasi may isang may ari ng catering na ginagamit name mo e. He threatened my friend and name dropped you. His name is Ulysses Ang" sabi ni Red kaya pigil tuwa si Francis pagkat kitang kita nila na tila nanliit yung lalake.

"I don't know such a person with that name, will you show me proof at pwede natin kasuhan yan" sabi nung matanda. "Okay po tito send ko po sa inyo kasi kumuha kami screenshots. Actually nandito kami ngayon e, saksakan ng yabang tito" sabi ni Red. "Ah talaga? Sige show me proof and let us just file the proper case" sabi ng matanda.

"Teka, please baka pwede pag usapan" sabi ni Ulysses. "Ang bait bait mo bigla. Walang usap usap" sabi ni Red. "Leave that place Red and just send me the proof" sabi ng matanda kaya lumayo saglit si Red para kausapin tito niya.

"Pare sorry na, I am really sorry. Medyo uminit lang talaga ulo ko" sabi ni Ulysses pero si Francis inuga ulo niya. "Bro wag kang makikipag usap diyan" sabi ni Red kaya umatras si Francis.

Bumalik si Red saka tinuro yung kaaway nila, "You have one chance. Set your profile to public then issue a public apology. Pati don sa page ng catering niyo mag public apology ka sa kaibigan ko. We expect that in thirty minutes" sabi ni Red.

"Yes gagawin ko, I am really sorry" sabi ni Ulysses. "Ikaw ang tapang tapang mo sa Facebook tapos sa personal ang amo amo. Akala mo kasi kayang kaya mo tong kaibigan mo. Kung may problema ka idaan mo sa akin. Redentor Rivera! Madali tandaan dobol R lang yon. Ha! Magbago ka na! Wag utak talangka" sigaw ni Red.

RULE NUMBER FIVEOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz