Chapter 59: Drunk Confessions

4.5K 142 53
                                    

Chapter 59: Drunk Confessions

Kinabukasan nagising si Krizelle pagkat ring ng ring phone niya, bumangon siya sa inis pero nang makita sino tumatawag ay agad niya ito sinagot. "Ate Sylvia, good morning" bati niya. "Uy did I wake you up?" tanong ni Sylvia. "Sakto lang ate" palusot ng dalaga.

"Sorry talaga, worried lang ako sa kuya mo at kay Red" sabi ni Sylvia. "What? Why? What happened?" tanong ni Krizelle. "Ah kasi hinatid ko sila diyan na lasing na lasing, inuwi ko nga car ng kuya mo e" sabi ni Sylvia kaya napatayo si Krizelle at agad sumilip sa bintana.

"Teka ate, kasama niyo si Red kagabi?" tanong niya. "Oo, nagpunta kami sa isang benefit concert ng kaibigan ko. Nandon sina Red at may kasama siyang siga e. Pero okay naman, magkakasama kami at nasobrahan sila ng inom" kwento ni Sylvia.

"Oh, sige ate I will go and check on them" sabi ni Krizelle. "Paki ha, sorry talaga if I woke you" sabi ni Sylvia. "Okay lang ate" sagot ng dalaga saka namatay na yung tawag.

Paspas na bumaba si Krizelle saka hinila si Kristoff. "Oy ano ba?" reklamo ni Kristoff. "Samahan mo ako kuya, lasing na lasing daw umuwi sina kuya Karl" sabi ng dalaga. "We know, nagising kami lahat" sagot ng binata. "Nagising kayo?" tanong ng dalaga. "Oo kasi ang ingay ingay nila ni kulot" sabi ng binata.

"Ows?" tanong ng dalaga. "Eto panoorin mo nag video ako, usapang lasing" sabi ni Kristoff kaya agad pinanood ng dalaga yung video sa phone ng kuya niya. "Zelle come eat your breakfast" sabi ni Lucy. "Wait ma may pinapanood ako" sabi ng dalaga. "Is that the video from Kristoff?" tanong ni Lucy. "Yes ma" sagot ng dalaga.

"Dali halika gusto ko ulit panoorin" sabi ni Lucy. "You watched this na?" tanong ng dalaga. "Hindi, nagtago kami lahat at pinanood namin sila habang nagkakape sila" sabi ni Lucy.

(Flashback)

Bumalik si Diosdado sa kwarto nila, "Si Karl ba yon?" tanong ni Lucy. "Oo lasing na lasing sila ni Redentor. Hinatid sila ni Sylvia so sinabi ko kay Sylvia iuwi na yung kotse since kaya pa niya magdrive" sabi ni Dods.

"Oh my, bakit mo hinayaan yung dalawa?" tanong ni Lucy. "Hayaan mo sila, kaya nila maglasing so dapat kayanin din nila yung consequences" sabi ni Dods. "Bababa ako, I will check on them" sabi ni Lucy. "Wag na" sagot ni Dods saka tinago baril niya pero nakarinig sila ng kalampag saka malakas na tawanan.

Nagkita kita sa hallway sina Dods, Lucy, Kevin at Kristoff. "Will you keep that baseball bat" sabi ni Dods. "Its just Karl and Red" sabi ni Lucy saka sila nakarinig ng matinding tawa ni Karl sa baba. Dahan dahan sila bumaba, umaligid at tumigil nang makita si Karl na tawa ng tawa habang tinuturo si Redentor na stuck sa may bintana.

"Tulungan mo na ako, siraulo ka sabi mo wala ka susi..sabi mo daan ako window" reklamo ni Red na saktong sakto lang katawan sa bintana. "Kukunan kita ng video ipopost ko" sabi ni Karl na pagewang gewang. "Please..help me please...I am going to die" makaawa ni Red kaya laugh trip si Karl.

Tinulungan ni Karl makalabas si Red, sa may kusina abala si Karl nagtitingin sa ref habang si Red pagewang gewang na nagkakarga ng mainit na tubig sa isang mug. "Magkakape ka?" tanong ni Karl. "Oy nabasa ko pag lasing ka daw dapat magkape ka" sabi ni Red.

"Kalokohan" sagot ni Karl kaya sinaboy ni Red yung laman ng mug na mainit na tubig sa katawan ni Karl. Napasigaw si Karl ng sobrang lakas, "Oh hindi naman pala kailangan ng kape, mainit na tubig lang pala okay na" banat ni Red kaya talon ng talon si Karl habang nagmumura kaya si Red tumawa ng malakas.

Gumanti si Karl at sinabuyan din ng mainit na tubig si Red sa dibdib. "Hot! Hot!" hiyaw niya. "Hahahaha ay oo nga, it works" banat ni Karl kaya pigil tawa yung apat na nagtatago. "Kunin mo mop, magagalit mama ko. Magmop ka at ako magtitimpla ng kape" sabi ni Karl.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now