Chapter 58: Guilt

4.7K 115 28
                                    

Chapter 58: Guilt

"Bad influence ka talaga, bakit tayo iinom?" tanong ni Red. "Benefit ekek, kalokohan ang mga ganito, benefit ekek e pwede naman idiretso yung donation doon sa family na may kailangan. Kalokohan ito, gusto din kasi kumita nung may ari ng bar tapos yung mga magpeperform wala bayad kasi nga benefit concert" sabi ni Xavier.

"E bakit mo ako dito dinadala? E di mag donate ka na mismo sa family nung nangaingailangan" reklamo ni Red. "Thanks for coming, I really appreciate it" sabi ng isang magandang babae saka yumakap kay Xavier. "By the way this is my friend, Redentor" pakilala ng siga. Redentor talaga? Binuo mo talaga ano" reklamo ni Red. "Hi" bati ng babae kaya inabot ni Red kamay niya at nakipagkamayan naman yung babae.

"Wait lang, let me get you two a good spot" sabi ng magandang dalaga. "Huh kaya pala, nilalait mo tong ganito pero nandito ka dahil sa kanya. Ni hindi mo pa sinabi pangalan niya, ako lang pinakilala mo" bulong ni Red.

"Dalawa na nga sa iyo e, gusto mo pa? Ha?" landi ni Xavier. "Bwisit to, guilty na nga ako e. I feel so awful" sabi ni Red. "Hindi ka pa naka inom ganyan ka na magdrama" sabi ni Xavier. "O tara daw, doon daw tayo" sabi ni Red. "Bakit ang lapit sa stage, ayaw ko doon" sabi ni Xavier.

Pagkaupo nila naiilang si Xavier. "Ano ba problema mo?" tanong ni Red. "Ayaw ko dito, madami ilaw dito" sabi ng binata. "Ayaw mo non? Diyan lang siya uupo o" sabi ni Red kaya lumingon si Xavier at nakita yung magandang dalaga na nakaupo sa lamesa sa likuran nila. "Okay na dito" sabi ni Xavier.

"Hahahahahaha walanghiya kang siga ka" sabi ni Red. "So ano problema mo?" tanong ni Xavier. "Nag half kiss kami" sabi ni Red. "Hahahaha magnanakaw ka na nga ng halik kalahati pa" kantyaw ng siga. "Hindi naman sinasadya yon e" sabi ni Red. "Ulol, sinong niloko mo? Walang hindi sinasadya" sabi ni Xavier. "It was really an accident, ang balak ko lang ikiss siya sa cheek which I always do" paliwanag ni Red.

"Wag mo nga ako lokohin, walang ganon. Sinadya mo yon" sabi ni Xavier kaya natatawa si Red. "O ano? Sinadya mo pero nakonsesnya ka kaya kalahati lang" sabi ni Xavier. Di umimik si Red kaya natawa yung siga. "Buking ka loko, huh" sabi ng siga.

"Tsk, pare I feel guilty. I really feel so guilty" sabi ni Red. "Good" sagot ni Xavier. "Akala ko ba kaibigan kita? Bakit good ang sagot mo? You should be comforting me" sabi ni Red. "Comforting? Di pa ako nakabili, remind mo ako pag nag sale" sagot ni Xavier. "E bakit mo pa ako niyaya lumabas kung ganyan ka pala?" reklamo ni Red.

"Kailangan mo ng distraction" sabi ni Xavier. "Sabi mo pag uusapan natin" hirit ni Red. "Pag uusapan nga natin" sagot ng siga. "E bakit ganyan ka?" tuloy ni Red. "Pare, kailangan mo ng kontrabida sa buhay mo. Ako yon, oo kaibigan mo ako pero kailangan mo ng kontrabida na kokontra sa lahat ng sasabihin mo para lalo ka makag isip" sabi ni Xavier.

"Tsss anong kalokohan yan?" tanong ni Red. "O sige ano gusto mo? You say your guilty, ano gusto mo sabihin ko? Wag kang guilty, ganyan talaga bla bla, ano gusto mo alisin ko guilt sa katawan mo? Siraulo ka pala e. Hindi ganon ang kaibigan, ang totoong kaibigan hindi kunsintidor" sabi ni Xavier.

"E kung ayaw mo sa akin e di pumunta ka kay Francis" landi ng siga kaya nagsimangot si Red. "Or puntahan mo bagong BFF mo" hirit ng siga. "Tado" bulong ni Red kaya natawa si Xavier. "So you are stuck with me boy" sabi ng siga. "Then help me" sabi ni Red.

"Pare you don't need help, alam ang solution diyan sa problema. Tulad ng sinabi ko last time mamili ka sino gusto mo saktan. Sarili mo or sila. Ganon lang kadali yon. Alam mo bakit naguguluhan ka? Natural maging selfish pare"

"Nangangapa ka, gusto mo depensahan sarili mo. Alam mo bakit ka nagkakaganyan talaga? Ha? Hindi sa gusto mo maabswelto sa ginawa mo, ang gusto mo maulit yung nangyari" sabi ni Xavier. "Sus, hindi naman, nakagawa na nga ng kasalanan e" sabi ni Red. "Wag mo na ako lokohin pare" sabi ni Xavier kaya hinaplos ni Red mukha niya.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now