Chapter 32: Winter

4.9K 115 12
                                    

Chapter 32: Winter

"Uy Red I really don't know how to thank you, life saver ka talaga" sabi ni Charlene. "Tumabi ka na para matapos na at mailagay na sa truck yung mga gamit" sabi ng binata. "Red that looks heavy, patulong ka nalang" sabi ni Krizelle.

"Kaya to" sabi ng binata saka binuhat yung isang karton. "Hindi kaya, ano ba to? Mga bakal ba? Bakit kayo nagcocollect ng mga bakal?" tanong ng binata saka binuksan yung karton. "Ay iho, tulungan na kita" sabi ng ama ni Charlene.

"Mga collection ng asawa ko yan, galing Saudi" sabi ng matanda. "Ay tito, ako na. Kaya ko to" sabi ni Red saka binuhat yung karton. Tumabi si Krizelle sa binata, "Kaya mo ba talaga?" tanong niya pabulong. "Hindi na nga ako humihinga e" bulong ni Red kaya natawa yung dalaga at tumulong.

Ilang minuto lumipas teary eyed sina Charlene at parents niya. "So ano nabenta na nila yan?" bulong ni Red. "May buyer na, distant relative din" sagot ni Krizelle. "Grabe, imagine eto na alam mong bahay mo since birth tapos lilipat kayo" sabi ni Red.

"Well, they really worked hard for their new house naman. Pero oo nga the memories are the hardest to let go" sabi ni Krizelle. "Nakita mo na new house nila?" tanong ni Red. "Oo kaya, ang ganda grabe. Its so modern tapos ang ganda ng neighborhood nila" sabi ng dalaga.

"Okay na, lets go. So pano Red susundan niyo kami?" tanong ni Charlene. "Yup, pero in any case alam daw ni manong yung lugar na yon. Di naman kami pwede magmabilis kasi" sabi ng binata. "Wait, saan ka sasakay? Sa tuktok?" tanong ni Krizelle.

"Oo, bakit?" tanong ni Red. "Delikado, sakay ka nalang sa amin" sabi ni Charlene. "Sus, kakapit naman e. Sige na go, sunod kami. Wag kang mag alala kilala ko mga yan, taga sa amin mga yan kaya hindi itatakbo mga gamit niyo" sabi ni Red.

"Hindi naman yon, pero delikado Red" sabi ni Charlene. "Sama ako" sabi ni Krizelle bigla. "That I cannot allow, sige na go ahead. Sayang oras" sabi ni Red. "Wag mo ako titignan ng ganyan, hindi ito fun experience, medyo malayo yung travel so sa kotse ka" pahabol ng binata kaya nagsimangot si Krizelle.

Halos isang oras lumipas nakarating yung trak sa bagong bahay nina Charlene. "Wow tito and tita, this is a really beautiful home" sabi ni Red. "Tagal din namin project ito, ngayon lang natapos" sabi ng ama ni Charlene. "O sige ibaba na po namin mga gamit" sabi ni Red. "Ipasok niyo nalang sa garahe tapos kami na magpapasok mamaya pagkatapos ng blessing" sabi ng ina ni Charlene.

"Oh, sige po" sabi ni Red saka dumaan si Krizelle at inirapan yung binata. "Ikaw kasi e" bulong ni Charlene. "Bakit ako? Delikado sa tuktok ng trak" sabi ni Red. "Nandon ka naman e" biglang sagot ni Krizelle. "I know but hindi mo masasabi ano pwede mangyari" sabi ng binata.

"The point is nandon ka naman, at wala naman nangyari sa iyo ha" sagot ni Krizelle. "Tsss" bigkas ni Red saka nagpunta nalang sa trak. "Grabe ka ano ba problema mo?" tanong ni Charlene. "Gusto ko lang naman itry sumakay don, nandon naman siya e" sabi ni Krizelle.

"Sus para kang bata" sabi ni Charlene. "Sige kampihan mo siya" sabi ni Krizelle, napalingon si Red, muli siya inirapan ni Krizelle kaya napakamot nalang siya.

Nung maibaba na mga gamit, "Pasensya na kayo wala pa yung mag pagkain, papakainin ko sana kayo. Dagdagan ko nalang tong bayad pero Red pwede ba kita makausap saglit" sabi ng nanay ni Charlene.

"Bakit po tita?" tanong ng binata. "Sigurado ka ba sa bayad? Bakit ang mura ata masyado" sabi ng matanda. "Kilala naman po kasi at kay manong Larry po yung truck. Sideline lang naman po talaga yan" sabi ng binata. "Pero parang ang mura naman masyado kasi yung mga nakausap namin mas mahal ng malaki" sabi ng matanda.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now