Chapter 7: Flash

4.9K 116 9
                                    

Chapter 7: Flash

"Sis, uy wag ka magagalit" sabi ni Krizelle. "Oh please don't tell me sinagot mo na" sabi ni Charlene. Nagsimangot na pacute ang dalaga saka tinungo ang ulo niya. "Oh my God, ano ka ba? Sabi mo kikilalanin mo muna? What is wrong with you?" tanong ni Charlene.

"We really had a nice lunch, then natuloy usapan namin ng dismissal nung sinundo nya ako. I don't know, I got lost and then ayon na" sabi ni Krizelle. "Wow, grabe ka wala ako masabi" sabi ni Charlene.

"Uy sis, nangyari na e" sabi ni Krizelle. "Grabe, pinag uusapan lang namin kayo kahapon over lunch" sabi ng kaibigan niya. "Sino?" tanong ni Krizelle. "Kami ni Red, we had lunch and we talked about the two of you" sabi ng dalaga.

"Uy, ikaw ha" landi ni Krizelle. "Tumigil ka nga, walang uy uy, we just had lunch and we talked about the two of you. Grabe tapos the next day kayo na bigla. Wow ha. Sabi mo you want to make sure he is the one, sabi mo gusto mo kilalanin maigi"

"Sabi mo you want to prove muna na hindi siya babaero" sermon ni Charlene. "I know pero tsk, ewan ko ba. It was a wonderful lunch then natuloy magandang usapan namin ng hapon. Siguro yung nangyari nung Friday night sa kanya e nangyari naman sa akin kahapon" sabi ni Krizelle.

"Hay naku, ewan ko sa iyo. Based on what Red told me he seems to be okay naman so if you are happy then so be it" sabi ni Charlene. "Uy ano sinabi ni Red?" tanong ni Krizelle.

"Sorry, kung ano man pinag usapan namin sa amin nalang yon. Support group rules" sabi ni Charlene. "Hahahaha my God na brainwash ka na niya. May rules rules ka narin?" sabi ni Krizelle.

"Basta so ano happy ka?" tanong ni Charlene. "Wait ha, ganito yon. Natauhan naman kasi ako e. Nadala ako I admit kaya agad naman ako bumawi. Oo kami na pero ang sabi ko let us see where it goes, wag tayo magmamadali" kwento niya.

"Wag magmamadali pero kayo na?" sabi ni Charlene kaya nagtawanan sila. "Basta nagets niya yung gusto ko mangyari" sabi ni Krizelle. "Sira ulo ka naman kasi e, bakit mo sinagot agad?" tanong ni Charlene. "E baka makawala pa" banat ni Krizelle kaya tuloy ang tawanan nila.

"Uy alam mo pala si Red nakikitira lang sa auntie at uncle niya at eto ha, uy wait atin atin lang to ha" sabi ni Charlene. "Oo naman, game" sagot ni Krizelle. "Tapos Francis never met his parents" sabi ni Charlene. "Impsosible ka naman na, since kinder sila mag kaibigan no" sabi ni Krizelle.

"Oo daw, as in never daw. Ewan ko kung totoo" sabi ni Charlene. "Tsss parang impossible na yan" sabi ni Krizelle. "So I asked, nasan ba parents niya, sagot niya malayo. Then kinulit ko, yung dad niya daw sea man" sabi ni Charlene. "Ah I see, tapos yung mom niya?" tanong ni Krizelle.

"Ano ba yung mayordoma?" tanong ni Charlene. "Ah..parang head ng housekeeping" sabi ni Krizelle kaya nagtitigan yung dalawa. "Sure ka? Kasi akala ko nakakulong, mayordoma parang boss sa kulungan diba?" sabi ni Charlene kaya natawa ng matindi si Krizelle.

"Itatanong ko nga si Francis later" sabi niya. "Uy wag naman, pero parang ang lungkot naman masyado. Diba? Kaya siguro loko loko siya konti, kahapon may tinatakbuhan siya kay nag worry ako baka balikan siya" sabi ni Charlene.

"Uy iba na yan ah" landi ni Krizelle. "Shut up, walang ganon" sabi ni Charlene. "Wag kang defensive hahaha" sabi ni Krizelle. "So back to the topic, so kayo na" sabi ng dalaga.

"Yeah, siguro unofficially, ewan ko ba. Basta oo kami na, but we are going to take it really slow. Sinabi ko din sa kanya na deep inside I have doubts. Then sabi niya buburahin daw niya yung mga doubts na yon"

"So ayon, I really like him kaya lang nga yung mga naririnig natin nagpipigil sa akin" sabi ni Krizelle. "Nagpipigil sa lagay na yan e sinagot mo" sabi ni Charlene kaya nagtawanan sila.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now