Chapter 28: Closure

5.1K 132 24
                                    

Chapter 28: Closure

Isang araw sa loob ng isang coffee shop, "Darating ba sila?" tanong ni Krizelle. "Oo daw, on the way na daw sila" sabi ni Francis habang nagbabasa sa phone niya. "Sila meaning sino kasama ni Red?" tanong ni Charlene.

"Rachelle" sagot ni Francis. "Oh finally makikilala ko na siya" sabi ni Krizelle. "Kadadating the other day from Australia, buti nalang okay na lola niya" sabi ni Francis. "Ows? Akala ko ba critical?" tanong ni Krizelle.

"They are saying it was a miracle, pero sabi ng doctors e lumaban lang yung katawan. I find that true, kasi minsan pag wala sa mood isipan mo, pag sinabi mo makakasakit ata ako, later magkakasakit ka nga hahaha. Happened to me many times"

"Then when I was sick one time I told myself I need to get better, I forced myself and aba gumaling ako agad. Ewan ko siguro coincidence pero parang if willing ka talaga gagaling ka" sabi ni Francis. "Ganyan kaya ginagawa ng mga faith healers"

"Akala mo naman may gagawin sa iyo, they will make you believe gagaling ka. Magpapaniwala isipan mo gagaling ka then the body follows. Dami kaya pinagkakaperahan yan" sabi ni Charlene. "Mga nababasa ko naman fake karamihan, mga nag oopera daw tapos naglalabas ng mga pako, thumb tacks, sus as if totoo na yan" sabi ni Krizelle.

"Nandyan na sila" sabi ni Francis kaya napalingon yung mga dalaga. Nakita nila papasok palang sina Red at Rachelle, "Ang pretty talaga niya" bulong ni Krizelle. "Bakit parang umitim lalo si Red?" tanong ni Charlene.

Kumaway na si Red pero pumila yung dalawa sa counter. "Sila na ba?" tanong ni Francis. "Bakit kami tinatanong mo? Wala ba sinasabi si Red sa iyo?" tanong ni Krizelle. "Wala, nahihiya ako magtanong. Pero tignan niyo nga, what can you say? Sila na ba?" tanong ng binata.

"Ang sweet nila sa isa't isa, tapos kumakapit siya pero parang slight..hindi pa" sabi ni Charlene. "Well parang close lang, grabe ka wala sinasabi si Red sa iyo? Akala ko ba magkabro kayo" biro ni Krizelle.

"Ewan ko ba, parang nahihiya ako magtanong kasi" sabi ni Francis. "Bakit ka naman nahihiya? He is your bestfriend, o baka naman hurt ka?" biro ni Charlene kaya laughtrip yung mga dalaga.

Lumapit na yung dalawa, peeps I hope you remember Rachelle. Ay oo pala, Rachelle this is Krizelle, the girlfriend of Francis" pakilala ni Red kaya napatitig si Charlene sa kanya.

"Hi" bati ni Rachelle saka inabot kamay niya kaya tumayo naman si Krizelle at nakipagkamayan. "Sit, I will go get another chair" sabi ni Red kaya pagupo ni Rachelle napangiti siya.

"Sorry late kami" sabi ni Rachelle. "Uy hindi naman, curious lang bakit umitim si Red?" tanong ni Charlene. "For a good cause, bakit hindi ko ba bagay ang tan?" tanong ni Red na naupo sa tabi ni Rachelle.

"Anong for a good cause, did you join the marathon?" tanong ni Krizelle. Natetense si Charlene tuwing nagkakatitigan yung dalawa kaya nagpigil talaga siya. "My lola missed the Philippines so Red was too kind to walk around and show lola live feeds. It started sa roof, lola just wanted to take a look a the Philippine surroundings like sampayan, stores, then..."

"Naspoil ni Red kasi, so Red went walking sa Luneta for my lola. Madami request si lola and Red really went to those places" sabi ni Rachelle. "Yeah that is Red, really a good guy" sabi ni Francis kaya napangiti ang mga dalaga nang sumandal si Rachelle kay Red.

"Oh here pala, sorry yan lang nauwi ko" sabi ni Rachelle saka naglatag ng cholocates sa lamesa. "Hati hati nalang kayo, hindi nga niya nauwi yung kangaroo ko e" sabi ni Red kaya natawa si Rachelle.

"Loko loko to, ang lambing niya nung pauwi na kami, sabay request niya isang kangaroo daw" kwento ni Rachelle. "Masanay ka na, kung papunta ako sa kanila tapos ako nagtanong ano gusto niya dalhin ko, he says crazy things"

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now