Chapter 54: Christmas

4.8K 110 35
                                    

           

Chapter 54: Christmas

Disyembre bente kwatro ng umaga tulala sina Red at Francis habang pinagmamasdan yung listahan na hawak ni Eleanor. "Nandyan lahat pati mga address nila" sabi ng matanda. "Grabe naman ma, bakit ang dami naman?" reklamo ni Red.

"Ay naku anak, they are the people we should thank. Sige na para matapos kayo ng maaga" sabi ni Eleanor. "Nakakahiya naman kay Francis, nag amoy prutas tuloy bagong kotse nila" sabi ni Red. "Okay lang ano ka ba" sabi ni Francis. "O here Francis, pang gas" sabi ni Eleanor kaya nanlaki ang mga mata ng binata. "Tita that is too much, ang tipid po nito sa krudo" sabi ni Francis.

"Ay kahit na, sige na take it. Tapos eto pang lunch niyo if maabutan kayo ng lunch sa labas. "Mama, bakit fifty pesos lang pang food? Hindi na kami Elementary" sabi ni Red kaya natawa ng malakas si Eleanor saka niyakap anak niya.  "Sorry, nalito lang ako" sabi ng matanda saka nag abot ng dagdag.

Sa loob ng kotse natawa si Francis pagkat nagsisigaw si Red. Sakto naman napa video call si Krizelle sa phone niya. "Hi babe" bati ni Francis. "Yuck! Ang kulit mo sabi ko ayaw ko yung babe kasi naalala ko yung baboy na movie. Teka bakit ang ingay diyan?" sabi ni Krizelle.

"Si Red" sabi ni Francis. "Bakit ang daming laman na basket?" tanong ng dalaga. "Hello Krizelle, oh my goodness this is a really nice car. Its like super modern. There is no handbrake, wow push button natin? Oh look the supot supot hindi pa inalis" sabi ni Red kaya finocus ni Francis yung video sa bestfriend niya.

"Gosh so high tech the panel, oooh such a magnificient choice" sabi ni Red. "Hi Red" bati ng dalaga. "Zelle tignan mo, hoy ako na hahawak, alis na tayo. Zelle tignan mo o ganda ng car ng lolo mo. Tignan mo ngiti ni Francis umaabot sa likod. Look at panels, ang high tech na ng new cars" sabi ni Red. "Oo nga e, pero bakit ang dami baskets?" tanong ni Krizelle.

"Nautusan kami ni mama ko, ang dami nila friends. Idedeliver namin lahat yan today" sabi ng binata. "Sama naman ako o" sabi ng dalaga. "Oy Francis sama daw siya" sabi ni Red. "Check the list, if meron area malapit sa kanila then sige daanan natin siya" sabi ni Francis.

Ilang minuto lumipas sa tapat ng bahay nina Krizelle. Natawa ng sobrang lakas yung dalaga pagkat tila naka uniform yung dalawa binata. Collared red shirts, khaki walking shorts at red shoes yung dalawa kaya lang suot ni Red yung red cap niya.

"Ano nakain niyo?" tanong ng dalaga. "Wala naman, pure coincidence" sabi ni Francis. "Imposible naman na" sabi ng dalaga. "Ginaya niya ako" sabi ni Francis. "Tara na para matapos ng maaga, sa harapan ka na Zelle" sabi ni Francis.

Sa loob ng kotse binasa ng dalaga yung listahan. "Bakit ang dami naman ata masyado" sabi niya. "Ewan ko kay mama at papa, ngayon lang nangyari yan" sabi ni Red. "Bakit familiar names ng karamihan dito?" tanong ng dalaga. "Baka kilala din ng papa mo, or maybe pamilyar lang surnames" sabi ni Red.

"Nandito name ng parents ko" sigaw ni Krizelle kaya napapreno si Francis. "What?" tanong niya. "Eto o, so pati kami?" tanong ni Krizelle. "Bro akala ko binasa mo?" tanong ni Francis. "Hindi, kasi akala ko binabasa mo na kanina e" sabi ng binata. "Balik tayo" sabi ni Francis.

"Wag na kahit last na" sabi ni Krizelle pero nakaikot na si Francis. "Hahaha talaga naman subukan ang lahat ng maniobra sa bagong kotse. Smooth na smooth ba bro?" tanong ni Red. "Yes bro, you wanna try?" tanong ni Francis. "Saka na, ikaw na muna. Wait hanapin ko na saan dito basket nina Zelle" sabi ni Red.

Sa bahay nina Krizelle, "O bakit kayo bumalik?" tanong ni Lucy. "Merry Christmas po tita, para sa inyo to, sorry po late nabasa yung list" sabi ni Red. "Oh my goodness that is a big basket" sabi ni Cris. "Eto po, sa inyo po ito" sabi ni Red kaya sumiksik si Krizelle na parang bata saka sinilip yung laman.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now