Chapter 37: Bros

5.1K 114 23
                                    

Chapter 37: Bros

Sa bahay nina Francis pinapanood ni Red yung bestfriend niya habang naghahanda ng iluluto. "Alam mo bro why don't you get a culinary course on the side. Tutal pagka graduate mo ikaw hahawak sa businesses niyo. Or tutulong ka so since magaling ka magluto why not take it a level higher" sabi ni Red.

"Hobby lang ito bro" sabi ni Francis. "E pansin ko mas matyaga ka pa sa ganyan kesa sa pag aaral mo sa course mo e" sabi ni Red. "Sshhh sira to o baka marinig ka" sabi ni Francis. "Totoo naman, tignan mo yang ginagawa mo, napaka ewan ko ba. Ang tiyaga mo sobra"

"Alam ko naman hindi ka nag cooking lessons, dinadaan mo lang sa lasa. Mula nung bata tayo nadaanan ko mga experiment mo, buti nga buhay pa tayo e" sabi ni Red kaya super natawa si Francis. "Naalala mo yung empanada experiment, nagmukhang mga higanteng kulangot" hirit ni Red.

"Hahahahaha pinaalala mo pa" sabi ni Francis. "Tapos yung siopao na sabog. Sinigang na parang nagka epilepsy tayo bro. Adobo na walang lasa, adobo na saksakan ng alat, pero bro ngayon para kang expert. Ultimo hard boiled egg alam mo pano yung saktong hardness ng yellow"

"Ang punto ko dito bro, buhay ako. I am alive and healthy" sabi ni Red kaya sumulpot si Faye na tumatawa. Niyakap niya si Red saka tinuka sa pisngi saka niyakap din si Francis. "Diba tita? Ang galing na niya magluto, ako ang living proof of his greatness kasi buhay pa ako" hirit ni Red.

"Wag na hobby lang naman" sabi ni Francis. "Bro, tignan mo nung blessing nina Char. Kayo ni tita nagluto ng food. Lahat nasarapan" sabi ni Red. "E ikaw pinasubo mo kami e" sabi ni Francis. "Pero extra income naman" sabi ni Red. "Nakakapagod kaya" sabi ni Francis.

"Bro ganyan ang trabaho. No offense tita ha, ikaw kasi nasanay ka na sa business niyo. Boss na kayo e. Nung nagkamalay na tayo bro sina tito at tita ang bossing na. Manage manage nalang pero naisip mo ba how they started? Hindi ka ba nakikinig sa kanila sa mga kwento nila noon?"

"Hard work equals money, ganon yon bro. E yung napundar na nila noon na hard work, eto na yung bonus sila na bossings. Ikaw pagka graduate mo mamanahin mo nalang yon. Sinasabi ko lang naman sideline mo, o kaya sarili mong business. You can try, if it does not work out e di wala"

"Pero imposible ka, ang sarap ng luto mo" sabi ni Red. "Sabagay medyo malaki din kinita sa catering" sabi ni Francis. "Ngayon mo lang narealize kasi kuripot ka, ang kuripot pag may na earn na pera iniisip na kulang pa" banat ni Red kaya halakhak ng husto si Faye.

"Ewan ko lang" sabi ni Francis. "Bro, tignan mo sabi ni Char madami nagtatanong about the caterer. O that means a lot already. Give it a try, kahit small time projects lang. Wag mo kasi isipin na big time catering na. Think small time muna, yung tipong to get the word out"

"If maganda yung feedback then you can assess the situation. Tignan mo yung kapitbahay namin na gumagawa ng pulvuron" sabi ni Red. "Oh men namiss ko na pulvuron nila" sabi ni Francis. "O diba? Nag attend lang tayo birthday party sa kanila nung grade three tayo, then ang dami nasarapan sa pulvuron. Then nagstart lang sila nagbenta for the neighborhood"

"Then lumaki demand, aba ginawa na business. Ngayon may store na sila na malaki. Parang ganon lang naman bro" sabi ni Red. "You should listen to him Francis" sabi ni Faye. "Pag isipan mo lang bro, do it to earn your own car" sabi ni Red.

"Huh, lets make a deal" sabi ni Cris na biglang sumulpot. "What deal?" tanong ni Francis. "Earn up for a downpayment, wag naman yung cheap downpayments ha. Earn up for a decent downpayment for a new car then sasagutin ko yung monthly payments" sabi ni Cris kaya nanlaki talaga mga mata nina Red at Francis.

"Daddy, a brand new car?" tanong ni Francis. "Anak be wise, getting a brand new car is better" sabi ni Cris. "Oh I sense that the new car will go to tito then you get the old car" landi ni Red kaya natawa si Cris.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now