Chapter 15: Team B

5.3K 102 21
                                    

Chapter 15: Team B

Ilang lingo ang lumipas sa loob ng isang fastfood resto, "I miss Red" sabi ni Charlene. "Ako nga din e" sabi ni Krizelle. "Well wala tayo magagawa napasali siya sa debate team e" sabi ni Francis.

"Grabe naman yan, wala man lang siya time para sa atin?" sabi ni Krizelle. "Seryoso kasi sila, they are aiming to win" sabi ni Francis. "Syempre sino ba gusto magpatalo pero don't tell me wala siyang extra time for us" sabi ni Krizelle.

"Grabe naman kasi team leader niya, scary person and very strict" sabi ni Francis. "Sino ba yan at makausap nga" sabi ni Charlene. "Si Diablo" sabi ni Francis. "Ay..si Xavier yan diba?" tanong ng dalaga. "Oo, gulat naman ako at kilala mo palayaw sa kanya e babae ka" sabi ni Francis.

"Nakaaway na ni Adam yan e, talo si Adam pero it was Adam's fault naman" sabi ni Charlene. "Ay siya yon? Yung nag one punch tapos tulog si Adam?" tanong ni Krizelle. "Oo sis, it was Adam's fault, siya na nga bumangga kay Xavier tapos siya pa galit. Ayon na one punch siya. Tulog si loko" sabi ni Charlene.

"Uy, parang iba na ah" sabi ni Krizelle. "Ay hindi ko pa nakwento sa iyo? Ay oo kay Red ko palang nasabi" sabi ni Charlene. "Wow ha, kay Red mo sinabi tapos sa akin hindi?" tampo ni Krizelle.

"E kasi yung bestfriend ko busy sa love life niya so hindi siya nagtatanong. Buti pa si Red kahit hindi ko bestfriend nagtanong kumusta ako at love life ko" sagot ng dalaga. "Sorry naman, so wala na talaga kayo ni Adam?" tanong ni Krizelle.

"Wala na, pero wait, hindi ba delikado si Red kasama si Xavier?" tanong ni Charlene. "Hindi, okay naman yon e. Strikto lang, sabi ni Red sa akin may gusto patunayan si loko kasi sa Team A nandon yung ex ni Xavier" sabi ni Francis.

"Ang tsismoso niyo grabe" sabi ni Krizelle. "Hahaha, akala niyo kayo lang ha. Sabi ni Red yon sa akin, nahalata niya daw na matindi galit niya sa Team A" sabi ni Francis. "So if they are team B that means second option lang sila" sabi ni Krizelle.

"Hindi, our school will send two teams, I think all schools will send two teams. Ewan ko basta busy si Red" sabi ni Francis. "E di itext mo kasi" sabi ni Charlene. "Tinetext ko naman, kinukumusta ko siya. Pero iba parin yung actual presence" sabi ni Krizelle.

"Ikaw Francis don't you miss him?" biro ni Charlene. "Hindi, in touch naman kami lagi. This is good for him, happy nga siya at sinama siya sa debate team e" sabi ni Francis. "Sabagay mahusay siya magsalita, pero akala ko ba bumabagsak siya sa ibang subjects niya?" tanong ni Krizelle.

"Ewan ko, wala naman siya sinasabi" sabi ni Francis. "Lets visit them nalang, saan ba sila nag prapractice?" sabi ni Charlene. "Oo nga, saan ba?" tanong ni Krizelle. "Wag na, close door practice nila e. Brutal yung napanood ko. Parang naghahanda sila sa gera e"

"Diba matatapos din yan, pag natapos then for sure may time na siya" sabi ni Francis.

Isang Biyernes sa may library naupo si Krizelle, tinapik niya yung binata na natutulog sa tabi niya at nagising ito. "Hi" bati niya kaya inuga ni Red ulo niya. "Hello" sagot niya. "Pumayat ka" sabi ng dalaga.

"Ows?" sabi ni Red. "Konti, grabe ano ginagawa mo dito? Natutulog ka lang ata" biro ng dalaga. "Nagrereview, kumusta? Long time no see" sabi ng binata. "Oo nga e, eto ganito parin, ikaw kumusta ka?" tanong ng dalaga.

"Same, nothing new" sabi ng binata. "Debate team ka na pala, so kailan competition niyo?" tanong ng dalaga. "Tagal pa sa totoo. We all just need to review then we need to familiarize ourselves with the rules. No room for error" sabi ni Red.

"Grabe pumayat ka talaga, kumain ka na? Wala ka ba time now? Tara kain tayo" sabi ng dalaga. "Need to review pa" sabi ni Red. "Natutulog ka lang e, tara na. Samahan mo ako maglunch" sabi ni Krizelle.

RULE NUMBER FIVEWhere stories live. Discover now