01

12.5K 331 20
                                    



Quinn Sofia

Life is unfair.. Haggang ngayon sariwa at masakit parin ang lahat. Hindi ko naiwasan ang isipin kung ano ba ang mali at pagkukulang ko kung bakit nagawa niya sa akin yon.

This supposed to be my surprised anniversary gift for her. 4years na sana kami ni Vaness pero wala eh. She cheated on me with her best friend, isang taon na ang nakakalipas.

I should be thankful na hindi saktong anniversary date namin itong bakasyon na ito. Somehow isipin ko na magrelax nalang muna. Solo traveler ako ngayon. This should be our vacation together..

Maayos naman ako na nakarating sa hotel na tutuluyan ko. Dahil sa maaga ang flight ko tanghali na nung nakarating ako. Natulog na muna ako at bandang hapon na ako lalabas.

Masyado ba akong bitter kaya ako nagkakaganito? Sabi nila hindi dapat ako maguilty dahil walang mali sa akin. Wala nga bang mali pero mas pinili niyang saktan at ipagpalit ako. Sabi ng mga kaibigan hindi lang daw talaga marunong makuntento si Vaness. Hindi ko raw siya kawalan.

Napatingin ako sa salamin.

"Ang ganda ko na." Natatawa kong sabi. Simula kasi nung naghiwalay kami I added extra effort for myself. Totoo pala na kapag broken hearted ka, nagpapaganda ka, nagpapasexy at ginagastusan ang sarili. I am one of a living proof.

Well, hindi naman ako ganun ka sexy medyo malaman ako kasi medyo chubby din ako dati. Sakto lang height ko 5"4. Nag effort ako magpaputi kaya di ako pwede masyadong magbabad sa dagat. Heheh! Natuto akong magmake up but in a simple way. Dati kasi nong kami pa ni Vaness wala lang naman sa kanya ang itsura ko. Kahit bagong gising pa ako sinasabihan niya akong maganda kahit na mataba pa ako dati. Mahal naman niya ako at pinaparamdam niya sa akin yon. Hindi ko pa rin lubos maisip kung bakit niya nagawa sa akin yon. Nakakamiss dahil marami rin kaming magandang napagsamahan sa loob ng tatlong taon. Moments that I really treasured. Lahat yon ay memories nalang. Ilang beses na rin akong nagpakatanga sa kanya pero itong huli ay ang bumasag sa akin ng sobra. Ang sakit sakit.. kulang pa rin ako sa kanya.

"Move on Quinn." Sabi ko sa sarili ka na nasa harap ng salamin. "Isang taon na kaya dapat strong ka. Hindi ka nga niya hinabol diba? She let go of you.."

Vaness is my first love.. alam ko na hindi ako into girls. Pero iba siya, she made me fall for her. She's sweet and dedicated but people change. Indeed she changed.

Kinuha ko na ang kailangan ko at lumabas ng kwarto. Sinigurado kong naka lock yon. Naglakad lakad sa dalampasigan. Ang sarap ng simoy ng hangin. Next time nalang ako magsuswimming since 5 nights and 6 days naman ako rito.

Hinayaan kong hanginin lang ang mahaba kong buhok at naglakad lang ng naglakad. Napansin ko nalang na malayo na pala ang narating ko.

Napansin ko rin ang isang babae na nakaupo sa tabing dagat. Umiinom siya ng alak at mag isa. Malayo ang mga titig niya na mababakas ang lungkot. She looks broken just like me.

Maganda siya at sigurado akong anak mayaman sa kutis palang. Di ko maiwasang titigan siya. Sa tingin ko matangkad siya at ang puti pa. Hinahangin din ang mahaba niyang buhok na kulot ang dulo. Napuna ko na nagpupunas siya ng mata. Marahil ay umiiyak.

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko kaya at baka lumabas pa akong pakialamera. Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya at napalingon siya. Ang ganda ng mata niya, hazel brown. Napaiwas nalang ako ng tingin at tumalikod na para bumalik sa station 2. Nasa station 1 na ako at sobrang layo ko na pala.

Ang ganda ng langit. Sunset na kasi at nakakatuwa ang kulay nito. It's refreshing. Naisipan kong kumain sa shakeys. Ang sakit ng paa ko sa layo ng nilakad ko.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now