29

6K 254 68
                                    




"Seryoso talaga?!" Manghang mangha ako nang makarating kami sa destination namin. Kaya pala lagi niya akong kunukulit na pumunta sa mga embassy for visa processing. Yong passport ko bago na rin saka yong name ko sa visa. Gamit ko na kasi ang last name niya. Pati yong ATM's at credit cards na binigay niya sakin ay surname niya ang nakalagay.

Nakakaramdam ako ng kilig sa tuwing iniisip na ang napakagandang babaeng ito ay asawa ko.

"I know this one of your dreams Ma.. kahit sa ganitong bagay mabigay ko lang mga gusto mo." Malambing na sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

"Sobrang saya ko Harley. Kala ko sa panaginip lang ako makakaranas ng ganito. Pero hindi mo naman na kailangang gawin pa ito kasi makasama ka lang sapat na yon sakin." Sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"I want to give you everything ma. You deserve to have all of these."

"Hindi ko naman kailangan ang mga material na bagay.. ikaw lang ang kailangan ko Harley." Seryoso kong sagot sa kanya. Matamis siyang ngumiti sakin at hinawakan ang kamay ko. Parang nag freeze ang paligid at kami lang ang tao sa paligid.

Will she say that she love me?

"Ma." Tawag niya sakin.

"Yes?" Bumilis ang tibok ng puso ko.

"I.."

Naghihintay ako ng sasabihin niya.

"I..."

"Yes?"

"Excuse ladies." Sabi ng isang lalaki na maraming dala. Natigilan kami at gumilid. Napansin ko na napailing nalang si Harley.

"Halika na ma.. mamasyal pa tayo." Hinila na niya ang kamay ko at tumungo na kami para kunin ang gamit namin.

Natahimik naman ako kasi hindi ko pa naririnig si Harley na nag iilove you sakin. Siguro in time sasabihin niya rin. Sa ngayon.. eenjoy ko muna ang mayroon kami.

We enjoyed our vacation at hindi lang kami sa Japan nag stay.. pumunta rin kami sa Korea at Hongkong. Sobrang nag enjoy ako na kasama siya. At that moment, ako lang ang inasikaso niya. Nilayo niya ang phone niya at kahit ano pang work related at ganun din ako. Sana lagi nalang kaming ganito ni Harley.. yong masaya na parang walang problema.

************

Matapos ang bakasyon namin ay naging abala nanaman siya sa trabaho niya. Alam ko naman kung gaano kahirap aing trabaho niya kaya iniintindi ko. Madalas na rin siyang late umuwi uli at laging out of town. Halos di ko na rin siya nakakasama ng madalas. Hindi na rin namin napaguusapan yong pagpapakilala namin sa isat isa sa aming pamilya.

Ilang buwan na ba kaming ganito? Mag iisang taon na rin ata at sobrang bilis ng panahon.

Isang gabi, lasing na lasing siyang umuwi at si Brielle ang naghatid sa kanya.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Brielle.

"Sorry, may even kasi kaya ayan napainom." Sagot ni Brielle.

"Ma.. ang asawa ko oh.." mapupungay ang mga mata niya at yumakap sakin. "Miss na miss na kita."

"Harley? Okay ka lang ba?" Alalang tanong ko sa kanya.

Harley and Quinn (Heart Desires)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang