16

6.2K 249 42
                                    




Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko at sa naririnig kong alon ng dagat. Nakaramdam ako ng excitement. I love the sea!

Napatingin ako sa paligid at nasa isa akong kwarto na bago ko lang nakita. Inalala ko ang mga pangyayari at naalala ko na may kumuha sa akin kagabi. Nagmadali akong mag asikaso ng sarili ko. Nakita ko rin yong maleta na inaayos ni nanay Lourdes kahapon. Binuksan ko yon at kumuha ng pamalit. Isang maong na shorts at tshirt lang ang kinuha ko at naligo na at inasikaso ang sarili.

Hindi ako nakaramdam ng takot bagamat excited baka kasi andito rin si Harley. Gusto ko na makita niyang maayos ang itsura ko. Nasaan kaya siya?

Pagbukas ko ng pinto ay agad akong napangiti nang makita siya. Pero unti unting nawala ang mga ngiti ko nang makita ang pagkakaiba.

"Hi Quinn, nice meeting you. I'm Hailey." Pakilala niya.

"Hi.." nahihiya kong bati at inabot ko ang kamay for shake hands. Ngumiti siya sa akin. Bahagya siyang tumawa.

"Akala ko yayakapin mo ako at iisiping ako siya." Natatawa niyng sabi.

"May maliit kang nunal sa may baba ng labi." Sagot ko. "Saka mas mahaba ang buhok mo sa kanya at iba ang kulay. Pati na rin yong mata mo."

"Woah.. nice! Well, lika na kain na tayo." Sabi niya at hinawakan ako sa kamay saka hinila. Nagpatangay naman ako sa kanya.

Dinala niya ako sa isang cottage kung saan nakaahin ang almusal namin. May mga tao na roon at isa lang ang masasabi ko.. ang gaganda nilang lahat.

"Quinn, papakilala ko sila sayo. This is Pam, gf ko. Si Taylor at Lucille.. saka ang loner na si Brielle. They all know you and we are all excited to meet you." Masaya niyang sabi. "Welcome to the family!"

Natatandaan ko si Taylor. Minsan na kaming nagkakilala nong nadaanan niya kami ni Harley sa gilid ng kalsada.

"Natutuwa din akong makilala kayo." Nahihiya kong bati sa kanila. Bahagya akong nalungkot dahil wala pa si Harley. Sa bandang kaliwa ako pinaupo sa kaliwa ni Hailey at sa kanan niya si Pam.

"You must be looking for her?" Biglang sabi ni Brielle at bahagya akong tumungo.

"Nasa conference pa yon." Sagot naman ni Hailey.

"Ah oo nabanggit niya nga sa akin." Sagot ko at pilit kong tinatago ang lungkot. Ayaw ko naman na silang tanungin kung bakit pa nila ako pinag kaabalang kuhanin ng tulog gayong wala naman pala si Harley. Pwede naman nila akong ayain nalang pero..malamang baka hindi rin naman ako sumama dahil gusto ko madatnan ako ni Harley sa bahay niya.

Matapos mag almusal ay kanya kanyang ng alisan. May mga gagawin din siguro pero sabi lang nila mamayang hapon ay mag swimming daw kami. Dahil maaga pa naman ay naisipan kong maglakad lakad sa tabing dagat.

I love the sea..

Naalala ko tuloy bigla yong mga moments namin sa Boracay. Lalo kong namimiss si Harley.

"Mag isa ka ata?" Narinig kong boses ni Brielle.. maganda siya at matangkad na may Blue eyes. May under cut sa kanang bahagi ng ulo at mag piercing pero bagay na bagay naman sa kanya.

"Ikaw din mag isa." Biro ko sa kanya at bahagyang napakamot sa batok.

"Oo nga eh.. galit kasi sakin gf ko. Ayaw ng makita ang mukha ko. Naseselos kasi sa babaeng gustong gusto ko dati." Sagot niya.

"Kasalanan mo pala."

"Uhmm partly oo. Kasi kala ko di siya marunong magselos. Kala ko kasi balewala lang ako sa kanya. Then ayon, nakita niya yong old pics namin ni Yulla.. nagselos. Noong una akala ko talaga si Yulla parin kahit nagpakasal na siya pero mali ako at ang tanga ko na nasaktan ko si Aiz." Kwento niya. "It was like..trial and error. I love Aiz.. sobra."

"Atleast.. alam mo na rin sa sarili mo na si Aiz talaga." Komento ko. "Dapat di ka maguluhan."

"I know.." sagot niya sabay buntong hininga. Napatingin kami sa mga magkasintahan na masayang naghaharutan habang naglalakad.

"How unfortunate." Bulong ni Brie. Nag paalam naman siya na pupunta na muna sa kwarto niya.

Aaminin ko.. gusto ko talagang makasama si Harley ngayon. Natuwa rin ako kasi kilala naman na pala ako ng kambal niyang si Hailey at nong mga pinsan niyang si Brie at Taylor. Nilibot ko nalang ang lugar na ito dahil sobrang ganda..

Akala ko talaga may surprise siya sa akin pero mukhang wala naman pala. Busy pa siya sa trabaho niya. I feel so silly..para akong highschool na gusto mag celebrate ng 1st month namin. Hindi naman ako dapat magtampo sa kanya. I should understand her.. ganito talaga ang buhay niya. She's always busy to her work.

Minsan naisip ko.

Ang hirap ata mahalin ng isang Harley Clarke.

"Quinn?" Narinig kong may tumawag sa akin. Napalingon ako sa tumawag sa akin at isang nakangiting mukha ang nakita ko. She's wearing a short shorts and a bikini top. Ang ganda niya at nakatali ang mahabang buhok. Itinaas niya ang suot na shades at nilagay sa bandang ulo saka lumapit para yakapin ako. Ang bilis ng pangyayari. Di ko inakalang yayakapin niya ako.

"Flinn?" Medyo naiilang kong banggit sa pangalan niya.

"Sorry.. natuwa kasi ako na makita ka rito." Excited na sabi niya na bahagyang namumula ang mga pisngi. "What brought you here?"

"Ah bakasyon lang." sagot ko sa kanya. Di naman mawala wala sa mukha niya ang matamis na ngiti.

"Siguro destiny talaga tayo." Sabi niya na kinagulat ko naman. "I really like you Quinn..na love at first sight ata ako sayo."

"Ha..ah eh.." hindi ko naman malaman ang sasabihin ko sa kanya.

"Masyado ka naman atang naniniwala sa fairytales." Biglang sabi ni Hailey mula sa likuran ko. Nawala naman ang ngiti ni Flinn. "Alam mo bang gf ito ng kambal ko kaya kung ako sayo wag mong pormahan." Sabay akbay sakin ni Hailey. Hindi naman umimik si Flinn.

"Halika na nga Quinn." Sabi nito at di inaalis ang pagkakaakbay na sinabay na ako sa pag alis.

"Excuse me Flinn." Sabi ko nalang at matamlay siyang ngumiti. Hindi naman na umimik pa si Hailey sa tabi ko.

"I know you won't hurt my Quinn." Biglang sabi niya. "But if in case you did.. hindi lang ako ang makakalaban mo. She's been through a lot and you're the only one who brought her back."

Pagkasabi niya non ay umalis na siya. Pakiramdam ko naman naiilang na ako dahil sa pangyayari kanina. Grabe naman kasi si Flinn..hindi ko malaman kung napakastraight forward o nangtitrip lang siya.

Tinamad na ako at tumungo na sa kwarto. Nakakainip ang ganito. Ang ganda pa naman sana ng lugar pero kung wala naman si Harley ay nakakawalang gana.

***********

Hanggang dito nalang muna.. Salamat sa patuloy na pagsuporta sa story.

The Contract reaches 200k plus reads and My Greatest Fall reaches 100k reads.. super thank you!

Sa di pa nakakabasa ng ibang stories ko, sana basahin nyo rin po hehehe.. salamat uli..

Harley and Quinn (Heart Desires)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon