17

6K 233 34
                                    


Ikalawang araw na at mas bagot na bagot na ako. Maayos naman ang pakikisama nila sa akin kaso ramdam ko ang kulang. Bakit ba kasi dinala ako rito? Para makilala? Para saan? Minsan di ko na maiwasang mainis din pero di ko naman pwedeng ipakita yon sa kanila. Kanya kanya naman silang lakad. Hindi ko na rin nakita si Brielle dahil humalis daw ito at susunduin si Aiz, yong girlfriend niya. Sila Taylor, Lucille, Hailey at Pam nga busy din naman. Hindi naman nila ako ino-OP lalo na kapag magkakasama kaming kumakain. Madalas nga napapansin ko na gustong lumapit ni Flinn pero hindi makalapit dahil na rin sa masamang tingin ni Hailey sa kanya. Nakakagulat din naman si Flinn. Well, honestly..sobrang ganda niya. Magsingtangkad sila ni Harley. Yong buhok niya na hanggang balikat na may shape na medyo reddish brown na bagay na bagay sa kaputian niya. She's gorgeous and nice.

Naglalakad ako para sana mamasyal nang di ko sinasadyang marinig na may kausap si Hailey.

"What? Nikki again? Harley ha! Baka nakakalimutan mo na andito ang gf mo! Mas uunahin mo pa ba yang bff mo na nag iinarte lang dahil nag away sila ng bf niya?! You know I don't like her!" Medyo inis na sabi ni Hailey. "Nalulungkot na ang gf mo! And you know what..someone's eyeing on her." Tukson ni Hailey sa kanya. "Don't shout! Your voice is very irritating..yeah..it's true.. redhaired girl, shoulder length na mukhang german.. hello! Hello!" Damn you Harley! Bastos binabaan ako." Reklamo niya. Maagad naman akong umiba ng daan para di niya ako makita.

Bahagyang sumama ang loob ko. Hawak ko ang phone ko ng mga sandaling yon. Walang messages o tawag man lang mula sa kanya. It was really frustrating and the fact that she's with her bestfriend gives me pain.

I tried to text her again but no luck and no response. I missed her.. Minsan iniisip ko na baka may problema kami o baka naman may something sa kanila ng bestfriend niya. Hindi ko gusto ang naiisip ko.

"Take this." Nakita ko ang punting panyo sa harap ko. Nakaharap ako sa dagat at hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

"You need that." Ulit niya. Kinuha ko na yon at pinunasan ang luha ko.

"Thanks Flinn." Nahihiya kong sabi.

"And what made a beautiful woman like you cry?" Concern na tanong niya.

"Wala." Bahagya akong ngumiti. "May namimiss lang ako." Narinig ko naman na napabuntong hininga siya.

"Ang swerte naman nun." Pareho na kaming natahimik at tumingin nalang sa dagat. Alam ko pasimple siyang sumusulyap din.

Ang weird ni Flinn..ano ba ang nagustuhan niya sa isang simpleng taong tulad ko? Lalo na si Harley? Bakit ako sa dami ng magagandang babae at mamayaman na kilala nila. I know that social status is a big problem in life.

"Quinn..I have to go..baka di ko na kayanin at agawin kita sa kanya." Natatawa niyang sabi. "But I wont do that because I know you are happy with her..but once you cry because of her..I'll pursue and I'll make you mine." Ngumiti siya at tumalikod na habang ako naman ay naiwang nakatulala dahil sa sinabi niya.

"Flinn..wag!" Habol kong sabi sa kanya pero nag wave lang siya ng kamay niya at di lumilingon. Patuloy lang siyang lumalakad. Naupo ako sa buhanginan habang nakatingin sa phone ko.

"Kailan mo ako kokontakin Harley?" Bulong kong sabi at binulsa ang phone ko. Ilang saglit lang ay tumunog ito. Excited akong kinuha ang phone ko pero dismayado ako sa nakita kong tumatawag.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now