43

5.7K 308 89
                                    



Matapos naming kumain napansin ko na sobrang inaantok na si Hansen. Buhat buhat siya ni Harley at halatang gustong gusto yon ng bata. Sa totoo lang nakakatuwa silang tingnan. Iba talaga ang lukso ng dugo. Kilala ng puso nila ang isat isa. Di rin maitatanggi ang pagkakahawig nilang dalawa. Sa totoo lang, natatakot ako. Pakiradam ko kasi baka isang araw mawala sakin si Hansen. Hindi ko yon kakayanin.

Si Hansen ang buhay ko.. hindi ko makita ang sarili ko na wala siya.

Napansin ko na lang na tulog na tulog na ang bata na nakayakap kay Harley.

"Akin na si Hansen." sabi ko kay Harley at akmang kinukuha ang bata.

"Hindi na, akyat nalang natin siya sa kwarto niya para makapagpahinga ang bata. Napagod ko ata siya kanina." malumanay na sagot at umakyat na siya. Sumunod naman ako sa kanya.

Binuksan niya ang kwarto na katabi ata ng kwarto niya, yong kaninang nilabasan nila ni Hansen. Namangha ako sa desenyo ng kwarto na yon. Kailan lang niya nakilala si Hansen pero napagawa na niya ang kwarto na ito.

Nang masiguro na okay na si Hansen, nauna na akong lumabas. Pababa na ako ng hagdan nang bigla akong hawakan ni Harley sa braso.

"Anong kailangan mo?" tanong ko. Laking gulat ko nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at mahigpit na niyakap. Ilang saglit na tahimik. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam ko rin ang sa kanya.

"I'm so sorry, I am so sorry I was not there when you need me the most. I am so sorry, I was not there when you had my child in your tummy. I am so sorry.. forgive me.. I am so sorry for being such an asshole. I am so sorry when I was not there when you gave birth to her.. you were on a critical situation.. I am so sorry. I know this is not enough, saying sorry wouldn't change the fact that I was not there..that you were all alone. If I can just turn back the hands on time, I'll do whatever it takes. Quinn, Ma, I promise.. Hinding hindi ko kayo pababayaan ng anak natin.." ramdam na ramdam ko ang bigat at sakit sa mga sinasabi niya. Naramdaman ko ang luha niya sa braso ko. Hindi ko alam ang mga nangyari sa kanya sa panahong yon pero bakit ganun ang nararamdaman ko. Parang may something talaga. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi.

"Nakaraan na yon." cold na sagot ko at bahagyang lumayo sa kanya. "Wag na nating balikan ang nakaraan."

"Ma.. maniwala ka, hinanap kita. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil wala akong noong panahong pinanganak mo ang anak natin. Halos mamatay ako sa sakit kanina nang makita ko kung gaano ka nahirapan. Muntik ka pang ma cesarean."

Nagulat ako sa narinig ko.

"How did you know?" takang tanong ko.

"Pinanood namin ni Hansen, tapos nakatulog siya. May nakita akong isang video na nakalagay ay critical. Pinanood ko yon.. buti tulog na ang bata non." sagot naman niya.

"Anong video?" naguguluhang tanong ko. "Saan mo nakuha at paano?"

"Kay Hansen, may binigay siyang flash drive, sabi niya yon daw yong nasa tummy mo pa daw siya." nanlaki ang mata ko sa sinabing yon ni Harley. Hindi ako makapaniwala na maiisip ni Hansen na ipakita yon kay Harley.

"Hansen.." bulong ko sa pangalan ng anak ko. Nakarinig ako ng doorbell.

"May bisita ka ata. Sige puntahan mo na. Samahan ko lang ang anak ko." sabi ko sa kanya at walang lingon lingon na pumasok na sa kwarto na kung nasaan si Hansen. Pag pasok ko ng kwarto ay napahawak nalang ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na tila ako nahihirapan sa mga nangyayari. Hindi ko na malaman pa kung ano ang iisipin ko. Nahihirapan na rin akong unawain ang sarili ko. Nahihirapan ako sa mga nararamdaman ko. Ang hirap na malapit siya, dahil para niyang tinutunaw ang galit sa puso ko.

Harley and Quinn (Heart Desires)Onde histórias criam vida. Descubra agora