10

7.8K 278 20
                                    


Nagising ako at ramdam na bahagyang masakit ang katawan ko. Napalingon ako sa paligid at napansin na hindi ito ang kwarto ko. Nagulat ako dahil magara ang paligid. Hindi ito ang apartment ko! Saka ko naalala ang mga nangyari..

Nandito nga pala ako sa bahay ni Harley. Hindi na naming nagawa pang mag usap nang makapasok sa dito sa bahay niya. Hindi ko maiwasang mag init ang pisngi nang maalala ko ang nangyari samin kanina.

She claimed me and I willingly submitted to her. Bakit ba wala akong magawa sa tuwing ginagawa niya yon?

Dahil ba gusto ko rin?

Nakakahiya baka iniisip niya na east to get ako at pagkatapos iiwan din. Nasaan na kaya yon? Umalis kaya? Ang dami nanamang mga bagay na gumugulo sa isip ko.

Babangon na sana ako nang may pumasok sa kwarto. Ang nakangiting si Harley na sexy sa suot niyang mahabang sando at maiksing cotton shorts. Napakasexy niya talaga. She's one of a perfection.

"Gising ka na pala." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Tila nalunok ko naman ang dila ko ag hindi makapagsalita. Hindi ko malaman ang sasabihin.

"Nakaluto na ako ng hapunan. Alam kong gutom ka na lalo pa pagod na pagod ka." Makahulugang sabi niya na may ngisi sa labi. "Maligo ka na. Ihahanda ko susuotin mo."

Tumango lang ako at gamit ang kumot niya ay tumayo na ako sa kama. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. Hindi ko na siya pinansin at naligo na ako. Habang naliligo ako hindi parin mawala sa isip ko ang mga pangyayari ngayong araw. Nahihiwagaan ako kay Harley. Alam mo yong ang bait bait niyang pilya pero parang hindi mo naman mahulaan kung ano ang mga iniisip niya.

Wala na siya sa labas nung matapos ako. Mabuti na rin yon. Sinuot ko na yong tshirt at shorts na hinanda niya para sa akin. Nakita ko yong blouse ko sa may hamper na sira na ang mga butones. Dahil sa pagmamadali niya kanina winasak na niya ang damit ko. Napapailing nalang ako. Manghihiram nalang ako ng damit sa kanya pag uwi ko mamaya.

Sinuklay ko ang mahaba kong buhok. Napatingin ako sa salamin at napansin ko ang ilang kiss marks na gawa niya. Sana mawala agad ito kundi aasarin ako sa office. Napakabilis pa naman ng mga mata nung mga kaibigan ko sa ganitong bagay.

Bumababa na ako sa kwarto para hanapin siya at napansin ko ang laki ng unit niya dahil nasa second floor pa ang kwarto. Nakita ko sa kaliwa ang parang kusina at nakita ko siya doon na inaayos ang niluto niya habang kumakanta kanta.

Shes so perfect..

Pinapanood ko lang ang bawat kilos niya at pinapakiramdaman ang sarili ko. Aaminin ko gusto ko si Harley pero di ko masiguro kung mahal ko na siya dahil sa maraming bagay akong kinakatakutan. Sa ganda niyang yan, imposible na hindi siya hangaan. The way she treats me too..para akong napakahalaga sa kanya pero wala akong kasiguraduhan sa lahat..hindi parin mawawala sa isip ko ang matakot dahil..

ayaw kong masaktan uli..

"Ma.." tawag niya sa akin na hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya. Kiniss niya ako sa lips ng mabilis. Simpleng kiss lang yon pero itong puso ko ang bilis ng tibok.

"Halika kain na." Aya niya sa akin. Inalalayan niya ako sa pag upo. Naupo naman siya sa tabi ko habang pinag aahin ako. Ang sweet nya sobra.

Natuwa ako sa nakaahin dahil beef with mushroom, salmon na may sauce at mushroom soup ang nakaahin. Nagutom ako lalo. Magaling talaga siyang magluto. Ang swerte naman ng magiging asawa niya..

"Ma.. napipe ka na ba?" Natatawa niyang tanong.

"Huh? Hindi.. a-ano ka-si." Medyo nauutal kong sabi at mataman lang siyang nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Napatingin ako sa kamao niya.

Harley and Quinn (Heart Desires)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora