22

6.8K 244 51
                                    



Nagising ako na sobrang sakit ng buong katawan ko. Bukod doon ay tila may lagnat ako. Napatingin ako sa gilid ko at walang Harley akong nakita.

Was it all just a dream?

Nalungkot ako ng sobra at kumirot nanaman ang puso ko. Napabuntong hininga ako at nagtataka dahil wala akong kahit anong suot na damit. Sobra akong kinabahan dahil ang sakit din ng pagitan ng hita ko.

What just happened last night?!

Natataranta ako na naiiyak at ang sakit sakit pa ng ulo ko. Nagulat nalang ako nang bumukas ang pinto at niluwa non si Harley na nakasuot na maluwang na sando at nakashorts na manipis lang.

Spell hot and sexy... H.A.R.L.E.Y

Napahawi ako ng buhok gamit ang kaliwa kong kamay at napangiti ako nang makita ko ang singsing.

It wasn't a dream..

Saka ako napangiti.

"Good morning ma." Nakangiti niyang bati sa akin at hinalikan ako sa labi. "I prepared our breakfast. Kaso di pa ako tapos. Breakfast on bed sana kaso gising ka na pala."

Ngumiti naman ako sa kanya at niyakap siya.

"Ang sweet naman ng wife ko." Ganti niyang ng yakap sakin. "Ma.. your too hot. You have fever!" Bulalas niya.

"Okay lang ako pa.." sagot ko sa kanya at niyakap siya.

"No! We're going to the hospital!"

"Pa.. I'll be fine.. dito ka nalang sa tabi ko. Iinom lang ako ng gamot at okay na ako promise." Lambing ko sa kanya.

"Nagkasakit ka ba dahil sa..you know.." nahihiya niyang tanong. "Was I that hard last night?"

Natatawa akong hinampas siya.

"Naulanan ako kahapon nong kinuha ko ang mga sinampay." Natatawa kong sabi sa kanya. "Sige na magbibihis na ako."

"Mabuti pa nga Mrs. Clarke at nang makainom ka na ng gamot." Sabi niya sabay kindat sa akin at tuluyan ng lumabas. Napakagat labi ako para pigilan ang pagngiti. Bumangon na ako para makaligo.

Matapos maligo ay gumaan na ang pakiramdam ko kahit papaano. Naabutan ko si Harley na may kausap sa phone niya.

"Marie, cancel all my appointments for today." Narinig kong sabi niya sa kabilang linya. "You can tell them to reschedule next week." Saka binaba na niya ang tawag nang makita ako. Ngumiti siya sa akin.

"Harley..hindi mo naman kailangang icancel ang meetings mo. Okay naman na ako." Sabi ko sa kanya.

"Mas importante ka sakin ma. Kaya halika rito kumain ka na at nang makainom ka na ng gamot." Aya niya sa akin. Pinagsilbihan niya ako kahit ayaw ko. Mas gusto ko kasi na ako ang nag aasikaso sa kanya at dahil daw may sakit pa ako bawal akong maging makulit at hayaan ko ram siya.

Buong maghapon lang kaming nakakulong sa apartment. Nanood kami ng movies na magkayakap at nagkukwentuhan ng kung anu ano. Hanggang sa mauwi ang kwentuhan namin sa pagpapamilya at sa planong pagpapakasal.

"Kailan mo ko papakilala sa parents mo?" Tanong niya.

"Uhmm..soon." Tipid na sagot ko. Sa totoo lang kinakabahan ako na ipakilala siya sa pamilya ko. Matanggap kaya nila si Harley? Sa totoo lang kinakabahan ako.

"Right after the wedding kita ipapakilala sa parents ko." Sabi niya.

"Sige." Sagot ko naman sa kanya.

Harley and Quinn (Heart Desires)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें