42

5.8K 275 22
                                    


Ngayong alam na ni Harley ang tungkol kay Hansen, hindi ko na malaman ang gagawin ko. Maraming bagay akong kinatatakutan at lalong lalo na ang kunin niya sa akin ang anak ko. Kaya kong mawala sakin ang lahat, wag lang si Hansen..wag lang ang anak ko.

Magkasama kami ngayon ni Hansen at nanonood siya ng video na kung saan ay buntis ako sa kanya. Yong mga moments na mag isa lang ako. Hindi umiimik ang anak ko kapag pinapanood niya yon. Minsan nahihiwagaan ako sa kanya. Kapag tinatanong ko siya, ngingiti lang siya sa akin, hahalikan ako at yayakapin saka sasabihing, "I will protect you mama."

Napapangiti ako sa anak kong to. I love her so much. Ang swerte ko na dumating siya sa buhay ko at kapag siya ang nawala sa akin, siguradong ikamamatay ko.

Matapos manood ni Hansen ay pinatay na niya ang laptop. Marunong na kasi siya saka hinugot ang USB.

Nasabi ko na rin kila Mazee at Dallas ang nangyari noong nakaraang araw. Alam ko nag aalala sila sakin pero sinabi ko na kaya ko naman. Lalo pa kasal na nila sa isang linggo. Mas gusto na wala na silang isipin pang kung anu ano. I assured them na okay lang kami ni Hansen. I know I have them on my side.

Napapdalas na rin ang pagbisita samin ni Harley. Sa totoo lang maayos naman kahit papaano. Sila ni Hansen ang madalas makipag usap. Madalas ko rin silang naririnig na nagtatalo. Minsan napapatingin ako sa anak ko. Para kasing hindi siya three years old. Nakakatakot din yong anak ko na yon.

Nasa coffee shop kami at may inaasikaso ako kaya magkasama sila sa isang table at parang seryoso sa pag uusap nila. May napansin ako na inabot sa kanya si Hansen pero di ko naman makita. Siguro candy?

Napansin ko na parang masaya si Hansen na kausap si Harley. Marahil mali na ipagdamot ko siya kay Harley..pero baka kunin niya ang anak ko.

"Anak?" tawag ko kay Hansen. "Uuwi na ata siya." simpleng pagtataboy ko kay Harley.

"She's on leave mama. Mag uusap lang daw po kami ni dada. Wag ka daw po mag aalala kasi di naman daw niya ako kukunin sayo." nakangiting sabi ni Hansen. Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Hansen.

"Quinn, don't worry, kung kukunin ko si Hansen.. kasama ka." sabi niya ay kumindat pa sakin. Inirapan ko nalang siya. Maya maya ay siya namang tumunog ang cellphone ko.

Si Flinn ang tumatawag. Nakaramdamam ako ng kakaibang kaba. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya. Bahagya akong napakagat sa labi ko.

"Wait lang anak." excuse ko kay Hansen. Hindi ako tumitingin kay Harley pero alam ko na nakatingin siya sa akin. Tumalikod na ako saka sinagot ang tawag. Papunta ako noon sa opisina.

"Hey.. how are you?" sinubukan kong pasiglahin ang boses ko.

"Fine babe, I miss you." malambing nyang sabi.

"I miss you too." sagot ko.

"Babe?" tawag nya sakin.

"Hmmm?"

"May problema ba?" tanong niya. Halata sa boses niya ang pag aalala.

"Uhmm.. oo nga pala kumusta si mama mo?" tanong ko.

"We don't know yet. We are still waiting for the results." malungkot niyang sagot.

"Let's pray for her. I know di siya pababayaan." pag checheer ko kay Flinn.

"Salamat babe.. Sa totoo lang hindi ko na malaman ang gagawin ko." naiiyak niyang sabi.

"Be strong Flinn.." pagpapalakas ko sa loob niya. "Malakas si tita dba. Lalaban siya."

"Sana andito ka sa tabi ko ngayon." paglalambing niya. "I need your hug babe."

"Ikaw talaga. Hindi halatang miss na miss mo ako ah." pagbibiro ko para mapatawa man lang siya.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now