38

5.9K 269 30
                                    

Hindi matao ngayon sa coffee shop kaya medyo nakakapagpahinga ako. Sana pala sinama ko nalang si Hansen.

Maya maya nagulat ako dahil may music sa labas at mga nagsasayaw. Na curious naman ako kaya napalabas na ako lalo parang tuwang tuwa ang mga nanonood. Sa tingin ko nasa walo yong mga babaeng nag sasayaw ng kanta ni Bruno Mars na "That's the way you are."

Bigla namang nagbalik sa isip ko yong panahon na kinanta yon ni Harley sa akin. Nanatili nalang akong nanonood, yong ibang customers vinevideo sila. Magagaling silang sumayaw.

Siguro bandang chorus na yon nang biglang nag form sila ng pa heart shape tapos yong isang customer na kasama ng nagvivideo ay lumapit naman sakin.

Takang taka akong napatingin dahil hinila ako sa bandang paharap. Tapos may mga batang may dalang white stemmed rose at inabot sa akin.

Mas nagulat ako lalo pa si Hansen ang huling nagbigay ng bulaklak.

"Hansen? what's going on?" tanong ko sa kanya.

"Dunno' Mama.. She told me to give this to you. She said that you'll be happy so I agreed." inosenteng sagot ng anak ko. Humawak naman si Hansen sa kamay ko at kasama na ng mga sumasayaw si Flinn.

Bahagya akong natawa dahil sa pagkabigla. Magaling pala siyang sumayaw at nasa gitna siya.

Bago matapos yong song at nagpalit ng sweet music, may tarpaulin na may lobo na dala dala yong mga sumasayaw kanina at binadira nila.

WILL YOU BE MY GIRL FRIEND QUINN SOFIA?

Nanlaki ang mata ko.

Lumapit naman si Flinn sakin dala yong assorted flowers na lagi niyang binibigay sa akin. Nakangiti siya at ang ganda ganda niya. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.

Mas nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko.

"Babe, I know this is sudden.. I can actually wait but I want to ask you now." Kabado niyang sabi.  "I still remember the same day and hour that I accidentally see you again in the coffee shop." napangiti siya na parang inaalala. "It gave me hope to be with you again. I fell in love with you from the first time I saw you, however, someone had you. It was hard for me but because I love you that much.. I chose your happiness. I didn't pursue. Now, I'll do all that I can to have you in my life. I love you so much Quinn Sofia." malambing na sabi niya. Para naman akong na ooverwhelm sa kanya.

Aaminin ko, mahalaga si Flinn sa akin. Pero natatakot kasi ako na masaktan ko siya. Alam ko sa sarili ko na hindi ko pa ganon nakakalimutan si Harley pero sa kabila ng lahat andoon ang galit ko sa kanya. Totoo nga na nakabobo ang pagmamahal.

Flinn always makes me happy and has full of surprises. I can't turn her down right now. Una ayaw ko siyang mapahiya. Pangalawa, her proposal is amazing and I never experience this before. Hindi ko alam kung mahal ko na siya pero mahalaga siya sa akin. Siguro this will be the stepping stone for me to forget the past totally.

Life with Flinn..

"Quinn?" kabado at malungkot niyang tawag sa pangalan ko. I smiled at her kasabay ng bahagyang pagpatak ng luha ko.

"Yes Flinn.." sagot ko. Lumawak ang ngiti niya sa mukha at sinalubong ako bigla ng yakap at binuhat paikot. Hinalikan niya ako sa labi.

"YES!!! Girlfriend ko na si Quinn!" sigaw niya at nagtatalon pa. Natatawa naman ako sa ginagawa niya.

"Ano ba Flinn! Para kang bata." natatawa kong sabi sa kanya. Yong mga tao sa paligid nagpalakpakan. Nakangiting niyakap niya ako uli. Saglit na dinala ako ng mga mata ko sa gilid ng law firm ni Dallas at nakita ko si..

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now