27

5.7K 236 30
                                    



Medyo malaki rin ang nagbago sa buhay ko ng magpakasal kami. Masaya naman ang buhay mag asawa namin lalo pa at ngayon palang nagsisimula. Sa totoo lang ayaw kong tumira sa unit niya kaya naisipan ko na wag munang isuko ang apartment ko. Nagtalo kami non pero mabuti nalang may kaibigan ako na mapagkakatiwalaan na siya munang uupa sa apartment ko. May kontrata pa kasi ako ng isang taon doon. Sayang din kasi ang gamit ko na naipundar. Yong TV na nabili ko dati pa at ilang appliance ay binigay ko sa kuya ko dahil siya lang ang medyo malapit. Sa totoo lang takang taka siya at hindi ko pa nasasabi ang tungkol kay Harley. Uunahin ko muna kila mama.

Sa totoo lang ayaw ko sa unit ni Harley pero wala na akong magagawa dahil nga usapan na rin namin na dito ako kapag kinasal kami at hindi ko naman akalain na mapapaaga pala yon. Boring kasi rito sa unit niya. Masyadong malaki at nakakabored kapag wala siya.

Lagi pa naman siyang may business trip at ngayon dalawang buwan na kami at parang iilang beses palang kaming nagkikita. Sunod sunod ang pag alis niya at sa totoo lang medyo nakakainis na talaga. Pero kailangan ko siyang unawain dahil ito talaga ang buhay niya bago pa man niya ako nakilala. Pasalamat nalang din ako dahil hinahayaan niya pa rin akong magtrabaho sa work ko. Kahit paano nawawala ang lungkot ko kapag nasa office ako.

Papasok ako ng opisina at maingat ako dahil ayaw ko na may makakita sa akin na hinahatid ng driver ni Harley sa opisina. Paano yong lexus na red ang gamit pang hatid sundo.. nakakahiya kasi sa makakakita.

" salamat po.. ingat po sa byahe pauwi."

"Walang anuman hija.. mamaya nalang uli."

"Sige po." Paalam ko. Para ko na rin kasi siyang tatay. Madalas din kaming magkakwentuhan at ang bait bait din. Saktong pagbaba ko sa sasakyan ay nagkasalubong kami ni Ara.

"Uy sosyal! Naka grab ang lola mo." Pang aasar nito at hindi ko malaman kung napangiwi ba ako. Hindi ko kasi nakukwento sa kanila ang malaking pagbabago sa buhay ko. Hindi naman kasi siya ka topic topic.

"Tara na Ara.. baka malate pa tayo." Aya ko sa kanya.

Ilang araw din ang lumipas pa at hanggang ngayon nasa America pa rin siya. Ang hirap sa totoo lang. Noong una madalas pa kaming nag kakausap pero habang tumatagal unti unti ng nababawasan.  Iniiwasan ko rin mag isip ng kung anu ano. The least thing that I can do for her is to trust her.. after all she is still my wife.

Tamad na nauwi rin ako sa unit niya. Sa totoo lang mas gusto ko pa sa apartment ko. Masyado kasing malaki ang tirahan nya para sa akin at madalas din na malungkot ako sa tuwing wala siya.

Pasara na ang elevator nang may humabol para sumakay.

"Hey Quinn.." masaya niyang bati.

"Hi." Tipid akong ngumiti.

"Bibisitahin mo si Harley?" Tanong niya.

"Uhmm.. doon na ako kasi nakatira." Nahihiya kong sabi at napakamot sa may kilay ko. Napatingin naman siya sa kamay ko ag marahan niya yong kinuha kung nasan nakasuot ang singsing. Napansin na parang may part na nasaktan siya pero ang bilis nyang naitago?

"I hope you're happy with her." Pilit na ngiti niya.

"I am.." sagot ko. "Sa..lamat Flinn.."

"Basta Quinn.. you know how to reach me and if you need me..please don't hesitate to reach me. I'll be happy if you run to me first." Bahagyang napakunot ang noo sa sinabi niya. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi at kinakabahan ako. Bumukas naman ang elevator at nasa floor na niya kami. Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi.

"I'll see you around princess." Malambing na sabi niya at kumindat pa sabay lumabas na ng elevator. Para naman akong napatulala sa ginawa niyang iyon. Kung bakit kasi napaka straight forward masyado ni Flinn at hindi ko maiwasang mailang sa kanya.

Harley and Quinn (Heart Desires)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon