31

5.7K 247 23
                                    


Pareho kaming tahimik. Pakiramdam ko kinakalma niya rin ang sarili niya sa mga sandaling yon. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na sampalin siya. Sinubukan kong buksan ang pinto ng kotse niya pero nakalock yon.

"Buksan mo ito!" Cold na sabi ko sa kanya pero hindi siya umimik at binuksan na ang makina ng kotse.

"Harley, buksan mo to at aalis na ako!" singhal ko sa kanya.

"You won't go anywhere Quinn Sofia!" maawtoridad niyang sabi. "We still need to talk." she continue at pinaandar na ang sasakyan.

"Mag uusap?! Hindi pa ba malinaw ang lahat? Niloloko mo lang ako Harley. Ginagawa mo akong tauhan mo lang. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sakin to? Na kasal ka sakin tapos ano kasal ka sa iba? Sa bestfriend mo? Ano ako ngayon sayo? Kabet?" frustrated na sabi ko at pinipigilang umiyak pero wala na akong nagawa pa. Traydor ang mga luha na malaya ng dumadaloy sa aking mga mata.

I saw how her expression has change. Sinubukan niyang hawakan ang mukha ko pero tinabig ko ang kamay niya.

"Don't touch me!" inis na sabi ko sa kanya. Narinig ko ang buntong hininga niya. Sa totoo lang miss na miss ko na siya pero sa kabila ng lahat mas nananaig ang galit ko sa kanya dahil sa ginawa niya sa akin. Masyadong masakit ang mga nangyayari.

"Quinn, I have reasons." halos bulong niyang sabi.

"Isa rin ba sa reason mo ang saktan ako? Ang lokohin ako?!"

"Hindi mo naiintindihan Ma.." malumanay na sabi niya.

"Hindi ko talaga maiintindihan dahil wala kang sinasabi! Ang hirap mong mahalin Harley.." buong hinanakit na sabi ko sa kanya. Para siyang natigilan sa sinabi ko pero hindi ko mabasa ang expression sa mukha niya.

"Mahal mo ako?" para siyang batang maiiyak. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na ako umimik pa.

"Ma.." Tawag niya sa akin.

"Gusto ko ng umuwi." sabi ko habang nagpupunas ng luha.

"Ma? Mahal mo ako?" Tanong niya uli sa akin at pinaharap ako sa kanya. Huli na nang marealize ko ang sinabi ko. Napatingin nalang ako sa baba para maitago ang emosyon ko.

"Hahayaan ba kitang pumasok sa mundo ko kung hindi? Ang maging gf mo? Ang pakasalan ka..pero.." putol kong sabi nang siilin niya ako ng halik.

"Harley! Ano ba uhmhp.." yon ang nagbigay sa kanya nang daan para mas laliman pa ang halik. Kahit anong protesta ko ay sobrang lakas niya at wala akong magawa sa kanya kahit pilit ko siyang tinutulak. Nang bumitaw siya sa halik.

"ANO KA?!" putol kong sabi nang magsalita siya.

"I love you Ma.. Mahal na mahal kita.." buong puso niyang sabi na parang nagpatigil sa mundo ko. Hindi ako makaimik at ang tangi ko lang naririnig ay ang malakas na tibok ng puso ko. Para akong nawala sa sarili na naupo na lamang. Napansin ko ang pagngiti niya at pinaandar na ang kotse niya.

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako habang nagmamaneho siya. Sa totoo lang naiinis ako sa puso ko. Bakit ganito nalang nawala ang lahat ng galit ko sa kanya? Pero hindi.. huli naman na siya..

Nagising na lamang ako sa komportableng kama. Agad akong napabangon para tingnan ang paligid. Napabuntong hininga ako.

Nasa Tagaytay kami.. Sa rest house nila. Nakaramdam na rin ako ng gutom. Ano nanamang problema ng Harley na yon at dito ako dinala. Napatingin ako sa relo at napansin ko na gabi na pala. Nakasuot na rin ako ng sando at shorts. Pinalitan niya rin ang damit ko at hindi ko makita ang gamit ko.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas na ng kwarto para hanapin siya. Hindi naman ako makakatakas dahil wala ang gamit ko at sa oras na ito baka ano pa ang mangyari sakin. Lalo pa sa ganitong itsura ko.

Harley and Quinn (Heart Desires)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang