09

7.6K 288 47
                                    


Pagkalabas ko ng coffee shop ay nasilaw ako sa sikat ng araw. Tanghali na din kasi at sobrang init pa. Wala pa naman akong dalang payong. Dapat ata nag grab nalang ako dahil nakakatamad maglakad papaunta pa ng sakayan.

Kahit ayaw ko ay bumalik ako sa coffee shop at naupo ako sa malayong part para hindi ko makita si Harley. Hindi ko talaga kaya ang init ng panahon sumasakit ang ulo ko. Buti nalang malamig dito sa coffee shop.

"Hi.. may naiwan ka ba?" Nakangiting tanong ng isang babae na maiksi ang buhok. Simple lang siya pero ang ganda niya. Maputi rin siya at mukhang mabait. Sabi ni Yulla isa daw siya sa may ari ng coffee shop na sa tingin ko ay kaedaran lang din namin.

"Uhmm.. kukuha ako ng take out na cheesecake. Nagustuhan ko kasi yong cakes nyo." Nahihiya kong sagot.

"Natuwa naman ako na nagustuhan mo yong cheesecake. Teka ako na ang kukuha alin ba ang gusto mo?" Tanong niya.

"Uhmm..yong blueberry." Sagot ko at sumunod naman sa kanya sa cashier. Maayos niyang nilagay sa box ang order ko at inabot ko na yong bayad.

"Here..bigyan kita ng free na muffins.. cheese yan na parang cheese cake bagong imbento ko." Natatawa niyang sabi.

"Salamat..nakakahiya naman."

"It's okay.. by the way my name is Yuri..and you are?" Tanong niya sa akin.

"Quinn.." sagot ko at inabot ang kamay ko sa kanya para makipagshakehands.

"Nice meeting you Quinn.. sana lagi kang madaan dito."

"Sure.." agad kong sagot. Ang gaan niyang kausap at ang bait pa niya. Dahil medyo dumami ang customers ay iniwan na niya ako at tumulong sa mga crew. Kahit siya ang may ari talagang hands on siya sa business niya. Nakakatuwa.

Bahagya naman akong nalungkot. Pangarap ko rin kasi magkaroon ng business pero hanggang ngayon ay wala pa rin. Hindi naman kalakihan ang sahod ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag iisip nang may lumapit sa akin na lalaki.

"Hi..you look familiar." Sabi nito at bahagya pa akong nagulat. Kunot noo naman akong napatingin sa kanya at napatingin sa paligid ko. Ako ata ang kausap niya?

"Have we meet or something? Kamukha mo talaga ang kakilala ko." Muli niyang sabi. Gwapo sana siya pero nakecreepyhan ako sa ganyang asal.

"Uhmm.." hindi ko naman alam ang sasabihin. Nagulat nalang ako nang bigla siyang maupo sa may harap ng mesa.

"Hindi kita kilala." Magalang na sabi ko.

"Oh.. I see.. you know what tingin ko ikaw talaga siya." Napakunot noo naman ako sa sinabi niyang yon.

"Huh?"

"Ang future girlfriend ko." Pa cool niyang sabi. Gwapo sana siya pero wala siyang effect sa akin lalo pa ganitong magulo ang isip ko at isa pa ayaw ko lahat ay presko.

Tila naman natahimik ang paligid at umiwas na ako ng tingin sa kanya.

"Excuse me." Paalam ko sa kanya at tumayo bitbit yong binili ko. Pero laking gulat ko naman nang bigla niya akong hawakan sa braso. Promise kinakabahan na ako sa taong ito. Baka namaya psychotic pa ito at ano pang gawin sa akin. Deep inside nagpapanic na ako pero di ko lang pinapakita.

"Gusto ko lang namang makipag kilala." Sabi nito.

"Are you harassing my customer?" Biglang sabi ng isang babae na mahaba ang buhok na walang make up pero ang lakas ng charm niya. may kasama din siyang isa pang babae na sobrang ganda at kapansin pansin ang gray eyes niya. 

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now