20

6.8K 251 24
                                    


Sobrang saya ng bakasyon namin na yon. Kahit huli man ng kunti si Harley non ay okay lang dahil talagang bumawi siya sa akin. Haaay ang sarap niyang kasama talaga. Habang mas tumatagal mas lalo akong naattach at napapamahal sa kanya. Sana isang araw marinig ko na sa kanya na sabihin niyang mahal niya ako.

Nasa apartment ako ngayon. Dito na ako nagpahatid dahil may pasok ako sa susunod na araw at may lakad naman siya. Hindi niya sa akin sinabi kung saan. Hindi nalang ako nagtanong dahil ayaw ko naman na isipin niya na mahigpit ako at baka masakal. Inuunawa ko nalang lalo pa at busy siyang tao. Kailangan ko rin kasing maglaba pa ng damit ko. Sa totoo lang tinatamad pa akong pumasok. May hang over pa ako ng bakasyon.

Matapos ang mga ginagawa ko ay naligo na ako. Nakakapagod talagang maglaba at medyo tambak ang labahin ko. Sa sobrang pagod ko ay nakatulog na ako.

Nagising ako nang may para akong naririnig na kaluskos. Bahagya akong dumilat at nakita ko si Harley na nakangiting binubuklat yong album. Hirap pa na dumilat ang mata ko.

"Harley?" Tawag ko sa kanya. Nag angat siya ng tingin sa akin.

"Sleep ka lang ma.. nagising ba kita?" Lumapit siya sakin na dala yong album.

"Hindi naman pa." Lambing ko sa kanya. "Paano ka nakapasok?"

"I have my ways ma." Sagot niya at hinalikan ako sa noo. I love it when she does that. Ang sweet lang kasi.

"Halaaaa! Bakit mo nakita yang album na yan!" Nagising ang diwa ko. Yong album na yon kasi ay yong moments namin sa Boracay tapos may page doon na puros picture niya. Mga stolen shots ko sa kanya gamit ang phone ko.

"Uhmmm nakita ko lang sa cabinet mo. Nacurious ako kaya ito." Nakangiting sabi niya. "May gusto ko na pala sakin ma."

"Sus! Di rin. Nagandahan lang ako sayo." Sagot ko pero tumawa lang siya. "Ay yong camera mo nga pala! Yong sa boracay tayo kasi nadala ko. Hindi ko naman sinasadya na dalhin yon..sorry talaga di ako talaga naisip na nadala ko." Nahihiyang sabi ko.

"Hayaan mo na yon ma. Sayo na rin naman yon eh."

"Sorry talaga." Nahihiya kong sabi. "Halos nawala rin sa isip ko saka di ko rin alam paano ibabalik nung time na yon."

"I said it's okay. Ang mahalaga ah yong ngayon." Sabi niya sabay halik sa labi ko. Napangiti ako sa kanya at yumakap.

"Pa.. bakit ang sweet sweet mo?"

"Kasi.. ma.." nakatingin siya sa akin. Ako naman naghihintay ng sasabihin niya.

"Kasi?" Tanong ko.

"Mahalaga ka sa akin.. saka gf kita." Again the feeling of disappointment strikes on me. I bitterly smiled at her. Bumangon na ako sa higaan dahil nagugutom na ako.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Kusina lang." tipid kong sagot. Napapabuntong hininga pa rin ako habang naghahanap ng makakain. Pakiramdam ko nawalan nanaman ako ng gana. Parang gusto ko ng mais. Bumalik ako sa kwarto para ayain nalang si Harley na lumabas sa bayan.

"Harley? Labas tayo." Aya ko sa kanya pero nakita ko siya na kunot noong nakatingin sa isang album. Yong album na ginawa ko nung kami pa ni Vaness.

"Why do you still kept this?" Masungit niya na tanong. Lumakad ako papalapit sa kanya.

"Wala lang. di ko naalis sa cabinet. Hindi ko na rin naman yan napapansin pa. Saan mo ba nakita?" Tanong ko.

"Sa likod ng cabinet mo." Sagot niya.

"Ahhhh! Okay. Diyan pala nilagay ni Yulla akala ko tinapon na niya." Sagot ko pero nakabusangot pa din siya.

Harley and Quinn (Heart Desires)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz