05

7.9K 295 22
                                    



There's a part of me thats eager to ask her kung ano ba talaga kami. Pero sa totoo lang natatakot ako dahil hindi rin naman ako sigurado sa nararamdaman ko sa kanya at kung ano ang nasa isip niya. Pareho naman kasi kaming nag agree sa ganitong set up..

Hindi rin naman ako sigurado kung gusto ko na ba talaga siya o naghahanap lang ako ng kalinga dahil sa ginawa sa akin ni Vaness and Harley is also like me broken as hell.

"Ma? Ang layo naman ng lipad ng isip mo?" Puna niya sa akin na hindi ko alam na gising na pala. Maaga kasi akong nagising pero hindi naman ako makabangon agad kaya pinakatitigan ko siya habang tulog siya. Himbing na himbing siya sa pagtulog kanina.

Naupo ako na nakasandal sa head board habang ang kumot ay nagsisilbing takip sa aking katawan.

"Sorry.. medyo masakit kasi ang ulo ko." Pagsisinungaling ko sa kanya. Marahan naman siyang bumangon na walang pakialam kung maexpose ang dibdib niya.

"You okay Ma?" Malambing niyang sabi at bahagyang hinihilot ang sentido ko. Habang ako naman tinatakpan ko ng kumot ang dibdib niya na kinatawa niya.

"You've seen everything already so there's no need.." putol niyang sabi nang halikan ko siya sa labi niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko ginawa yon basta gusto ko lang siyang halikan. Nagulat man siya sa ginawa ko pero naramdaman ko ang pagngiti niya kasabay ang pagdikit ng katawan niya sa akin. She deepened the kiss. We both catching our breath as our lips parted.

"I like this.." nakangiti niyang sabi. She kissed me hard again and hover on top of me.

"I want to wake up every morning with you..by my side..." patuloy niya as she planted soft kisses in my neck.

"Manyak ka kasi.." natatawang pambabasag ko sa kanya na kinatawa rin niya.

"Hindi naman ah!" Reklamo niya pero ang kamay niya kung saan saan na napupunta.

"Hindi pa ba sa lagay na yan?" Pataray kong tanong pero bahagyang nakangiti.

"Gusto mo naman eh.." nakanguso niyang sabi at kiniss ko siya ng mabilis.

"That was the third kiss you made." Ngisi niya sa akin.

"So?" Tanong ko.

"It only shows that you're addicted to me." Mayabang na sabi niya.

"Woah! Ang yabang!" Pang aasar ko pa.

"Ofcourse! I am Harley!" Confident na sabi niya.

"O siya siya umalis ka na diyan dahil maliligo na ako."

"Paano kung ayaw ko?" Ngisi niya sakin.

"Harley ha!" Warning ko sa kanya.

"I have a better idea! Why don't we take a bath together and.." paputol niyang sabi na wiggle wiggle pa ang eyebrow.

"Pervert!"

"Of course I am not!" Sagot naman niya. Bigla naman na tumunog ang phone niya na kinatigil namin. Kinuha niya ang phone at napangiti sa kung sino man ang tumatawag sa kanya.


She wore her bath robe and went outside as she answered the call. I feel uneasy kaya pumasok na rin ako sa banyo para maligo na.

Blangko ang isipan kong napatingala habang patuloy na bumubuhos ang tubig mula sa shower. Napapikit ako.

"Ano ba itong pinasok ko?" Tanong ko sa aking isipan.. bukas na pala ng umaga ang pag alis ko. Nagtatalo ang isipan ko kung sasabihin ko sa kanya o hanggang dito nalang ba talaga kami? She didn't even bother to ask too.. Nahihiya naman ako na sa akin manggagaling dahil baka isipin niya na hahabulin ko siya or whatsoever.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now