34

6.2K 255 38
                                    


Katapat lang ng law firm ni Dallas ang advertising company at sa gilid nito ay yong coffee shop. Yong advertising company ay isa sa mga business na namana nila Dallas sa tatay niya pero hindi niya hilig at kailangan niya ring asikasuhin. Si Dakota ang nagmanage non dati pa at ang pinaka designer at planner nila at magaling sa ideas. Kapatid ni Dallas na si Dakota. Sa Finance at marketing naman ay yong nakababata niyang kapatid na si Carolina. Si Dakota kapatid ni Dallas sa ama. Mahabang kwento ang mayroon sa buhay nila pero close silang magkapatid.

Itong 3rd branch coffee shop ay bagong business namin ni Mazee. I am proud to say na galing ito sa paghihirap namin at ngayon ang opening ng ikatlong branch. Nakakatuwa na nakakapag start kami ng sariling negosyo. Medyo natagalan ito dahil nag ipon pa ako ng budget dahil ayaw ko naman na si Mazee lang ang magshoshoulder ng lahat.

Yong una ay yong malapit sa apartment na pag aari naman ni Dallas kung saan kami nakatira ngayon.

Ka oopen palang ng business namin at mukhang marami na kaming customer. 2 weeks palang ngayon pero maganda ang simula. Tumulong na rin ako sa shop habang si Mazee naman sinama si Hansen sa advertising company dahil may ichecheck lang daw si Dallas na mga documents at gustong sumama ni Hansen sa kanila. Close din sa kanila ang bata. Nagpaiwan naman ako rito Shop para tumulong.

Napatingin ako sa isang customer na parang pamilyar siya. Di ko maalala kung saan ko siya nakita pero sure ako na nakita ko na siya before. I served her order.

"Here's your order." masaya kong sabi at napangiti siya sa akin.

"Filipina?" nakangiti niyang tanong at tumango ako. "You look familiar.. have we met before?"

"I was also thinking too.. para nga pong nakita ko na kayo dati." sagot ko.

"Di ka ba napunta sa any hotels sa tagaytay?" tanong niya.

"Uhmm.. 4 years ago.." at bigla ko siyang naalala. "Kayo po ba yong nasa Bahams Palace?"

"I knew it.. ikaw nga yong tumulong sakin before. Quinn right?"

"Naalala nyo po?" gulat kong tanong.

"Di ko makakalimutan ang name mo dahil sa name ng anak ko." natatawa niyang sabi.

"Ano po bang name ng anak nyo?" tanong ko.

"Olivia.." tawag sa kanya ng isang lalaki na naka business suit.

"Honey.. what took you so long? You will love the coffee here." masayang sabi sa kanya ng babae na sa tingin ko ay mag asawa sila.

"I like the aroma." nakangiti nitong sabi pero makikita mo sa mukha niya ang pagiging estrikto.

"By the way, si Quinn nga pala.. I met her sa isa mga hotels natin. Hija, this is Rome, my husband." pakilala niya sa amin. Medyo alanganin pa akong napatingin dahil sa pagiging aristokrato niyang tingnan.

"Nice meeting you Sir." tipid na bati ko.

"Are you one of the helper?" tanong niya.

"No Sir.." tipid kong sagot at ngumiti sa kanya. "Uhmm, I'll go ahead. Enjoy your coffee. Please let me know if you need anything else."

"Sure Quinn.." masayang sabi ng babae.

Bumalik na ako sa pag aasikaso at medyo nabawasan na rin ang pag dagsa ng tao. Nasa may counter ako dahil hinihintay ko sila Mazee. May pumasok na delivery boy na may dalang assorted flowers.

"Miss Quinn Sofia?" namukhaan ako ng delivery boy dahil siya rin ang nagdadala ng flowers sa apartment na tinitirahan namin ni Hansen.

"Hi Clyde.. was that from her again?" natatawang tanong ko at lumapit sa kanya. Nagsenyas ako sa isang helper na magtimpla ng frappe para kay clyde. Natutuwa kasi ako sa batang to dahil napakasipag at dedicated sa pag aaral. Next month mag start na rin siya ng work sa coffee shop na to after ng contract niya sa laundry shop na work niya rin.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now