02

9.1K 308 8
                                    



Himbing na himbing ako sa pagtulog nang maramdaman ko na nasa malambot na higaan ako.

"Teka? Kailan pa lumambot ang sahig?" Bulong ko at niyakap ang unan. Medyo napipikit pa ako at nanlaki ang mata ko nang makita ko siyang hubad at may towel sa ulo.

"Wtf?!" Gulat akong napabalikwas at nagtalukbong ng kumot. "Magtakip ka naman ng katawan mo!" Inis na sigaw ko.

"Uhmm.. sorry. Nahulog kasi ang towel ko." Sagot niya. "Okay na. Saka pareho naman tayong babae." Bahagya siyang tumawa.

"Kahit pa!" Inis na sabi ko.

"Uhmm.. can I borrow some clothes?" Pakiusap niya. Bumangon naman ako at kumuha ng pwede niyang isuot. Kumuha ako ng isang t shirt na sa tingin ko naman ay kasya sa kanya at isang shorts na garterize. Buti nalang may undies ako na bagong bili at hindi pa nagagamit kaya inabot ko na rin sa kanya.

Nakunot noo naman ako ng mapansin na tinitingnan niya ang panty at yong bra sabay tingin sa dibdib ko. Nailang naman ako sa ginagawa niya lalo pa ng kagatin niya ang labi niya.

"Uhmm.. di kasya sakin to. Okay na itong panty. Gamitin ko nalang uli yong bra ko." Medyo natatawa siya na kinaiinis ko na kasi kahapon iiyak iyak siya tapos ngayon tatawa tawa naman siya.

Hindi ko na siya na pinansin at pumasok sa banyo para makapagligo na rin. Nagdala na rin ako ng ipapalit.

Paglabas ko ng banyo ay nakaupo siya sa kama ko na nakadekwatro pa habang kinakalikot ang phone ko. Wala kasi akong password at wala rin naman na gaanong laman yon.

"Bakit pala sa sahig ka natulog? Nakakahiya naman sayo." Bigla niyang sabi.

"Binuhat mo ako?" Tanong ko naman.

"Oo.. nagulat kasi ako nasa sahig ka. Matapos kitang iyakan kagabi at abalahin, nakakahiya.. uhmm maraming salamat nga pala."

"Ah okay lang yon. Para ka rin kasing ewan kagabi. Buti nalang ako nakakakita sayo eh paano kung iba baka narape ka pa lalo na sa ganda mong yan." Sagot ko sa kanya habang nagpupunas ng buhok. "At saka wag mong sayangin ang buhay mo. Yong iba nga diyan eh nais pang mabuhay pero hindi naman nabibigyan ng pagkakataon."

"I know and I am so sorry."

"Wag kang mag sorry sa akin. Kundi sa sarili mo."

"Yeah you're right." Nakangiti niyang sabi. "And one more thing."

"Ano yon?" Tanong ko.

"May nagawa ba ako sayo kagabi na di kanais nais?" Nahihiya niyang tanong bigla ko namang naalala yong halik kagabi.

"Wala wala!" Agad kong sagot para matago ang hiya ko. Ngumiti siya na parang nagdududa.

"Okay."sagot niya.

"Baka gusto mong magbreakfast. Mag free breakfast kasi ako rito habang nagsstay para sa dalawang tao. Since di naman sumama yong dapat na kasama ko why don't you join me bago ka umalis." Aya ko sa kanya.

"Sure. The pleasures all mine. Your dinner tonight is on me and I wont accept no for answer." Nakangiti niyang sabi.

"Okay.." tanging nasagot ko sa kanya. Bumaba na kami sa ground floor kung nasaan ang breakfast buffet. Napansin ko na magana siyang kumain. Marahil nagutom din siya ng sobra.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now