50

7.1K 278 60
                                    

Hanggang ngayon hindi pa rin mag sync in sa utak ko ang mga nangyari. Sino mag aakala na magkapatid pala sila? Kahit saang anggulo tingnan involve ako sa mga nangyayari. Sino mag aakala? Sa tagal nang panahon ngayon ko lang nalaman. Mahirap talaga kapag wala kang alam sa lahat. Hindi ko maiwasan na isipin kung ano ba ang kulang kung bakit hindi nila iyon masabi sakin. May mga bagay ba talaga na hindi ko dapat malaman?

Natutulog ang anak ko dito sa lap ko. Napatingin ako sa kanya, iisa ang itsura nila ng dada niya.

"Ang laki mo na anak." bulong ko. "Kamukhang kamukha mo talaga siya."

Sa totoo lang pagod na pagod na ako at gusto ko ng mawala ang lahat ng tinik sa dibdib ko. Gusto ko ng magsimula uli. Yong tulad lang ng dati na tahimik ang buhay ko. Napapikit ako at naalala ang mga nangyari. Yong una kong nakilala si Harley sa Boracay. Hindi ko maiwasang mapangiti, marami ang magagandang nangyari. Yong mga masasakit at pangit na experience naman ang siyang nagpatatag sakin. Pero mukhang nasobrahan ata ako dahil para namang naging bato ang puso ko.

Ayaw ko na may malaman na kahit ano man sa kanilang dalawa. Gusto ko na maging selfish na muna uli. Mas okay naman na siguro na yong sarili ko nalang ang iisipin at si Hansen.

Nakakapagod na.

Nakatanggap ako ng message kay Dakota na kung pwede daw ba akong mayaya na magdinner. Nagtataka ako sa kanya kung bakit. Ang sabi niya may kailangan daw akong malaman at tungkol yon kay Seleene. Sobrang kinabahan ako. May issue ba sila ni Seleene?

"Feeling ko talaga may something sa dalawa na ito." yon nalang ang nasabi ko.

Pumayag ako. Sinabi niya na magkita kami sa isang restaurant at wag na wag ko daw sasabihin kay Seleene kahit anong mangyari. Napatingin ako kay Seleene at mukhang may problema. Nakabusangot kasi siya at halatang wala sa mood. Hinahayaan ko nalang siya, hindi siya mahilig magsabi ng mga saluobin niya at hahayaan ko nalang muna siya.

"Seleene, aalis muna ako. May kikitain lang akong kaibigan, ikaw na muna ang bahala kay Hansen." paalam ko sa kanya.

"Sige ate." tipid niyang sagot. Binuhat ko na si Hansen at inayos sa higaan niya.

"Anak, alis muna ako ah. I love you." paalam ko sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Nagbilin pa si Dakota na formal dinner daw yong pupuntahan namin kaya magbihis daw ako. Nakakaloka rin yong babae na yon kahit kailan. Napakasopistikada niya. Si Seleene naman kasi napakasimple lang. Lagi nga silang nagtatalo sa mga susuotin ni Seleene.

Isang dark blue dress and naisipan kong isuot. Hinayaan ko nalang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Naglagay ako light make up dahil baka masita ako ni Dakota at siya pa ang magmake up sakin. Palabas na ako ng apartment nang makita ko si Dallas na papunta.

"Hey? San punta mo?" tanong ko sa kanya.

"Hatid na kita. Inutusan ako ni Dakota." sagot naman niya. Natatawa ako dahil nasasanay na talaga siyang magtagalog.

"Ay, baka may gagawin ka pa?" tanong ko.

"Nope. Susunduin ko rin naman si Mazee. Let's go." nakangiti niyang sabi at inakbayan ako. Para ko talaga siyang kapatid. Sobrang close din kasi kami talaga ni Dallas. Thankfull ako na nakilala ko siya.

Tahimik lang kami habang nagbabyahe papunta doon sa restaurant.

"Thanks bro." sabi ko sa kanya.

"Welcome." sagot naman niya. Bababa na sana siya para ipagbukas ako ng pinto nang unahan ko siyang bumaba agad. Kunot noo na tumingin siya sa akin.

"Sige na. Hinihintay ka na ni Mazee, ingat ka bro!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Hmp! Sige, take care sweetie, you got us at your back, always." nakangiti niyang sabi at kumaway sakin. "Lakad na." natatawang utos niya.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now