11

7K 273 23
                                    



Nagising ako na wala siya sa tabi ko. Hanggang ngayon napapaisip pa din ako sa mga pangyayari. Masyadong mabilis. Kagabi pa niya ako kinukulit na girlfriend na daw niya ako kahit ano pang mangyari.

Naalala ko pa mga sinasabi niya kagabi.

"Ma, it is not dahil maraming beses na nangyari sa atin. Basta diba sabi ko sayo kapag nagkita tayo uli..akin ka na. So meaning gf na kita at pumayag ka noon. I dont even believe in courtship pero promise ko sayo gagawin kitang pinakamasayang babae."

"Pero Harley.. di pa natin ganun kakilala ang isat isa.."

"It doesn't matter because we will get there. Basta usapan ay usapan at girlfriend na kita..naiintindihan mo ba?" Sabi niya gamit ang maawtoridad na boses niya at seryosong seryoso. Wala sa loob ko na napatungo ako at sukat doon ay nagtatalon siya sa tuwa.

Muntik pa nga siyang madulas dahil sa kakulitan niya. Natatawa naman ako sa kanya. Sabi niya rin sa akin na there's no harm in trying. Siguro tama rin siya..pwede kong subukan pero kailangan kong maging maingat.

"Ma..kahit pa tumanggi ka ng paulit ulit..akin ka pa rin at di kita titigilan." Sabi pa niya at nagwiwiggle wiggle pa ang eyebrow. "There's no harm in trying. I'll make sure you will never regret."

Napapangiti nalang ako sa nangyari kagabi. Well, si Harley na yon. Choosy pa ba ako? At isa pa tama siya alam ko na wala akong takas sa kanya. Napakakulit pa naman niya at ginagawa niya ang lahat makuha lang ang gusto niya.

Nang makapag asikaso.. sinuot ko na yong damit na hinanda niya para sa akin. May nakita akong note doon.

Ma.. kailangan ko munang pumasok sa office. Balik din ako mamayang lunch. I cooked for you. Kain ka na ha. Wag papagutom. I want to eat with you pero di na kita ginising kasi ang sarap ng tulog mo at alam ko namang pagod ka pa. See you..😘😘😘

Harley

Nilagay ko sa bag ko yong note niya na yon. Natatawa ako sa drawing niyang emoticon na nakakiss na may heart. Ang ganda rin ng penmanship niya. The best talaga siyang magluto..ang sarap ng inihanda niyang almusal. Pagkatapos kong kumain ay nagligpit na ako.

Napansin ko na naiwan ang phone niya. Ilang beses na itong nag riring pero hindi ko naman pwedeng sagutin. Hindi rin naman ako pakialamera pero nakita ko na may message.

Harley my babe lunch later at same place. I missed you so much.

Babe, Why aren't you answering my phone calls. Nakakatampo ka. Miss ko na hugs and kisses mo. Yong kakulitan mo.

Babe, I'll drop by in your office now. I want you in my arms so bad. See you.

It was mixed emotions. Sakit at lungkot..at selos? Kagabi lang..kasisimula palang namin pero ganito na?

Magtataka pa ba ako? I don't really know her. Kung ano ang past niya..mga naging karelasyon niya? Sino yong nagmemessage sa kanya ng ganun? Imposible namang wala lang yon?

"Quinn..enhale exhale." Pagpapakalma ko sa sarili. "Uuwi siya mamayang tanghali. Hihintayin ko siya.. kapag hindi siya umuwi meaning kasama niya yon. Quinn, don't expect too much. Umiwas ka sa makakasakit sayo." Kalmado kong sabi sa sarili ko.

Inihanda ko na rin ang gamit ko para pagdating ng tanghali at wala pa siya ay makaalis na rin ako agad. Tensyonado ako sa totoo lang. gusto ko siyang umuwi. Gusto ko sanang magwork ang relasyon namin ni Harley. She makes me so happy kapag magkasama kami. Madali ko rin siyang nakasundo sa maikling panahon. I tried to take the risk but not this much. Ayaw kong mapahiya sa huli.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now