04

7.6K 309 44
                                    



What happened between us was really something. I know this will only be temporary but she made me happy. Somehow, Naranasan ko uli ang naging masaya.

Kinahapunan niyaya niya akong lumabas para mamasyal. Ang aliwalas ng mukha niya at parang ang saya saya niya. Napapangiti nalang ako kasi parang ang bipolar niya. Kagabi lang grabe ang iyak niya tapos ngayon sobrang saya na niya. Pero hindi ko rin naman maikakaila na masaya ako ngayon.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang hila hila ako. Ang hilig niya akong hilahin napapansin ko lang.

"Island hopping tayo." Excited na sabi niya.

"Wow talaga.. wait lang wala akong dalang pera babalik lang muna ako sa tinutuluyan ko." Gusto rin kasing sumubok ng mga activities dito habang nag sstay.

"Hindi na kailangan ma.." sabi niya sakin habang hila hila ako at namangha ako dahil sa isang yatch kami sasakay.

"Wow! Seryoso?!" Amaze na tanong ko. First time ko kasing nakasakay sa ganun. Pumwesto kami sa bandang unahan. Kung saan makikita ang paligid. Naupo siya na parang pa Indian sit tas pinaupo niya ako sa harapan niya. Di na ako nakipagtalo kasi baka mawala ang saya sa mga mata niya. Bahagya niya akong yakap at nakapatong ang baba niya sa balikat ko. I like this.. ang sweet lang. Gamit ang camera niya ay sige kaming kuha ng larawan. Ang gaganda rin ng isla na napupuntahan namin.

Lagi niya akong inaalalayan. Ang gentle woman niya at aaminin ko na kinikilig ako sa kanya. Huminto ang yatch banda sa may nag cicliff jumping ang daming mga babae na naka two piece lang at napansin ko na nakatingin siya roon.

"Baka naman mahubaran sila sa way ng pagtingin mo." Medyo asar na sabi ko sa kanya pero dinaan ko sa biro para di niya mahalata. Wala naman kasi akong karapatan sa kanya. We are just enjoying each others company while on this vacation that we both agreed.

"Naku Ma. Kung nakakahubad lang ang pagtitig ko edi sana kanina ka pa nahubaran." Natatawa niyang sagot at inirapan ko lang siya. Ang pilya niya rin kasi talaga. Hindi mo iisipin sa itsura niya na may pagkapilya siya.

"Ewan sayo Harley. Sige na puntahan mo na mga chicks na kumakaway pa sayo." Padabog naman na tumayo ako pero hinila niya ako dahilan para matumba ako sa kanya.

"Wag kang mag selos Ma.. sayo lang naman ako." Pakiramdam ko naman namula ako sa sinabi niyang yon lalo na ng pisilin niya ang pang upo ko. Oo sa kanya ako sa ngayon.. habang bakasyon.

"Harley ano ba! Ang manyak mo!" Pagsusungit ko sa kanya.

Saka naman ako pinaghahalikan sa balikat na kinakikiliti ko.

"Harley naman kasi tama na! Nakikiliti ako." Bahagya kong sigaw habang natawa. Tinigilan na rin niya ako at hinalikan sa labi.

"Doon ka mamaya sa villa ko matulog ah." Sabay kinday sa akin at tumayo na siya.

"Eh!" Reklamo ko.

"You only have one choice ma.. yon ay sumama sa akin." Sabi niya sabay kindat uli. Shemay ang lakas talaga ng dating niya. She's like a charmer. I need to be very careful to her.

"Ma ka ng ma diyan. Sige tatawagin kitang pa." Natatawa kong pang aasar sa kanya. Gusto kong sakyan ang mga ginagawa niya dahil nag eenjoy ako. Kahit pa anong mangyari wala kaming commitement kaya this will be a win win situation. Walang masasaktan. We were both broken and we just want to be happy and we find it on each others company.

"Sure.. i would love that." Saka ako hinapit sa bewang papalapit sa kanya. Napatitig ako sa napakinis at magandang mukha niya na walang kahit anong blemishes o pores. Shes so perfect.

Tumingkayad ako para nakawan siya ng halik sa labi na kinangiti niya.

"Mamaya ka sakin." Ngisi niya.

"Bring it on Harley.." hamon ko sa kanya. Napakagat siya sa labi ang ang sexy niyang tingnan.

Saglit palang kaming nagkakasama pero iba na agad ang pakikitungo namin sa isat isa na para bang kahit wala kaming alam sa kung ano man ang nakaraan at pagkatao namin ay nagiging komportable kami sa bawat isa. I am really enjoying her company.

She is really something.. I will never forget her..

Halos lahat ng activities na pwede naming gawin sa Boracay ay ginawa namin. Naghelmet diving kami, paragliding, ATV, nagpicture sa 3d museum na pinagtatawanan siya kasi ang luma na daw. Pero ako natutuwa sa mga paintings dahil ang ganda ng kuha non sa camera. Pinagmamayabang niyang dadalhin niya ako sa tunay na mga exhibit.

Ikaapat na araw ko na ngayon sa Boracay. Hindi ko naman mabanggit sa kanya na malapit na akong umalis. Pakiramdam ko nalulungkot ako. Hanggang kailan kaya siya dito? Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.. after all we're still strangers.. bahala na nga muna. Come what may!

Halos doon na ako sa villa niya natutulog. Minsan gamit na niya ang pinapasuot niya sa akin wag lang akong umalis. Pero kapag kailangan ko namang bumalik doon sa tinutuluyan ko ay sumasama siya. Ang clingy niya. Para kaming mag kasintahan sa totoo lang plus the fact that we are doing it.

After breakfast ay naisipan namin na mag swimming sa dahat dahil makulimlim naman. Humiram siya paddle board at naglaro kami roon. Kaso ang masaklap di ko talaga kayang tumayo doon lagi akong natutumba samantalang siya at ang galing galing mag balance.

"Pa? Marunong kang mag surfing?" Tanong ko sa kanya.

"Yup.. pero mas magaling sakin si Hailey." Sagot niya habang inaalalayan ako na maupo sa paddle board.

"Sino si Hailey?" Tanong ko.

"My sister." Sagot naman niya.

"Ah okay.. try ko magsagwan." Inabot niya sa akin ang sagwan ng paddle board at natuwa naman ako sa pagsagwan. Pinapanood niya lang ako mula sa kinatatayuan niya na hanggang tiyan niya ang lalim ng dagat.

"Ma! Wag kang lumayo!" Sigaw niya sa akin. Napalingon ako at nagulat ako dahil ang layo ko na pala sa kanya. Mukha kasing mababaw lang dahil sa malinaw ang dagat. Tumigil ako sa pagsagwan dahil baka lumayo ako.

"Harley!!!! Di ako makabalik!" Natataranta kong sigaw.

"Paddle to your right!" Sigaw niya pero di na ako makagalaw sa kaba at naiiyak na ako. Nakahinga naman ako nang malapit na siya sa akin. Nilangoy niya ang kinaroroonan ko. Tinulak niya ako sa may mababaw at mabilis naman akong tumalon sa tubig na hanggang dibdib ko pala.

"Natakot ako." Medyo nanginginig ko pang sabi at niyakap ko siya. "Akala ko di na ako makakabalik."

Naramdaman ko na niyakap niya rin ako.

"Don't worry.. Im here, I will never let anything bad happen to you and no matter what will happen I will go after you.." malambing niyang sabi at hinalikan ako sa bandang ulo.

Ang sarap yakapin ni Harley. I feel safe in her arms.. Parang totoo ang lahat pero ang totoo ang saya na ito ay panandalian lamang.. sa totoo lang sana hindi na matapos pa ang bakasyon na ito. Sana...

***************

Too much stress will kill you...

One mistake will ruin all the great things you did.. #work

It's not really a mistake.. some people just don't understand. #feelingboss

Hello Everyone,

Sorry mabagal talaga na ang updates. Kung busy ako dati mas doble ngayon. Honestly namimiss ko kayo. Yong mga kakulitan ko diyan hindi na nagpaparamdam.. :'(

Has fever but still needed to work.. :'(

I'll try to publish one more chapter tomorrow..

Love,
Z with fever 🤒

Harley and Quinn (Heart Desires)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon