33

5.9K 291 86
                                    


Mabilis ang paglipas ng bawat araw. Wala naman kaming problema ni Harley bukod sa para kaming nagtatago. Masaya naman ako na sa akin siya umuuwi.

Dalawang linggo na mula nang mag paalam si Harley pabalik ng US pero hanggang ngayon wala pa rin akong balita. Sobra na akong kinakabahan.. hindi ako mapakali at mapalagay sa kaiisip sa kanya.

Hindi ko alam kung paano siya kokontakin. Ang promise niya uuwi siya ngayon kasi check up ko at di na pwede pang ireschedule. Wala na akong nagawa kundi ang pumunta mag isa para sa check up. Sa totoo lang lutang ang isip ko gawa na rin ng pag aalala kay Harley. Halos di ko maintindihan yong doctor na kinakausap ako. Sige lang akong oo. At halos wala sa isip ko kung ano na ang mga procedure na ginagawa.

"I should trust her.. baka naiipit nanaman siya." Yon ang nasa sa isip ko. Kaya ko namang lumakad mag isa pero mas gusto ko rin kasi na kasama siya sa ganitong sitwasyon para palakasin ang loob ko. Lalo pa may katagalan din ang procedure na kailangang gawin.

Ilang araw pa ang lumipas pero wala pa rin si Harley. Lagi akong naghihintay sa tawag niya at hinihintay siyang makauwi. Hindi niya ako tinatawagan ko kinokontak na mas lalong nagpapakaba sakin. Minsan hindi ko maiwasang maisip kung sinasaktan ba siya ng tatay nya o ano pa para lang mapasunod siya. Masyado naman kaming nag iingat para di malaman ng tatay niya ang mayroon sa amin.

Sobra na akong natatakot talaga.

Sobra na akong nag aalala sa kanya at kahit si Hailey o sino man sa mga pinsan nya wala akong makuhang impormasyon. Kahit nakakahiya man ay wala na akong magawa kundi tanungin sila. Hindi na kasi ako mapakali pa. Hindi ko rin makontak si Hailey nang mga panahong yon.

Hanggang sa umabot na sa Apat na linggo na at wala pa rin akong balita kay Harley. Hindi na ako makatulog sa pag aalala sa kanya.

Lagi akong nagmamadaling umuwi dahil baka andoon si Harley at naghihintay sa akin.

Halos tumalon ang puso ko nang may matanggap akong tawag.

"Lucille?"

"Quinn, may sasabihin sana ako sayo." kabado niyang sabi. "Haaay.."

"Tungkol saan?" Kabado kong tanong. Sigurado ako na tungkol yon kay Harley.

"Ano kasi.. alam ko kung gaano ka nag aalala kay Harley. Narinig ko kasi si Taylor at si Brielle na magkausap nakaraan.." narinig ko na huminga siya ng malalim.

"Anong nangyari?" kabado kong tanong.

"Naaksidente daw si Harley sa US 2 weeks ago. Tapos yong Dad daw ni Harley ang kasa kasama ngayon at hindi pinapayagan na pumunta kung saan. He confiscated all Harley's gadget para daw mag concentrate sa pagpapagaling." paliwanag ni Lucille. "Hindi to dapat manggaling sakin pero kasi noong nakita kita kung gaano ka nag aalala kailangan ko na talaga tong sabihin. I know how worried you are. Uuwi daw sila galing America 7:00AM ang dating bukas." nag aalala niyang sabi. Nagkita rin kasi kami nakaraan para tanungin siya kung alam kaya nila Taylor kung ano ang nangyari kay Harley.

"Thanks Lucille, I owe you." Pag aasure ko sa kanya na okay na sinabi niya. "Kahit papaano nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko na kasi alam pa ang gagawin ko." Saka kusa ng tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Kaya mo yan Quinn.. alam ko na malakas ka. Sigurado rin ako na mahal ka niya. Tiwala lang." malumanay na sabi niya sa akin. Tipid akong napangiti.

Harley and Quinn (Heart Desires)Where stories live. Discover now