1- Finally Back

257 4 5
                                    

NICOLETTE

Ramdam ko ang pagka-excite ng mag land na ang eroplanong kinasasakyan ko.

Finally!

Nakauwi na din ako dito sa Pilipinas matapos ang 4 na taong pananatili sa Korea.

Before I forgot, let me introduce myself.

Nicolette Jane Ramirez is the name, 17 years old. Half Filipina half Koreana. Hindi naman katangkadan pero hindi din naman ako sobrang liit. I have black raven hair na medyo mahaba. I'm between girly and boyish.

Dito ako sa Philippines lumaki pero nang mag 14-years old ako ay lumipat kaming Korea dahil magsisimula ng bagong branch ng business ang parents ko dun at dahil gusto nila ako isama ay doon na din ako nagpatuloy ng pag-aaral.

Hindi na naman ako nahirapan mag adjust kasi half Korean naman ako and very fluent sa language na ito.

Hmmm...

Nasaan na kaya yun?

Tsk!

Dapat pala pumayag na ako dun sa idea niya na gagawa siya ng sobrang laking banner para mahanap ko agad siya.

If you're wondering who I'm talking about well hinahanap ko lang naman yung childhood/long time bestfriend ko.

Kanina pa nag-land ang eroplanong sinakyan ko at halos kalahating oras na ako naghahanap sa kanya.

Hayst...

Where are you?

Gumala gala ang mga mata ko sa paligid, iba't-ibang mukha ang naaninag ko.

Hanggang sa...

"Aeron...?" Bulong ko sa sarili ko.

Tinitigan ko pa ng maayos ang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan sakin.

Hawak niya cellphone niya at halatang nagta-type.

Tinitigan ko lang siya hanggang sa tumunghay siya.

Nagtama ang mga mata namin at hindi ko na lang namalayan na tumatakbo na pala siya palapit sa akin.

"Nicolette! Bestfriend ko! Awhoooo.."

"Aero--ugh!" Niyakap niya ako ng sobrang higpit. "Ano ba naman yan Aeron! Ang higpit hindi ako makahinga!"

"Miss na miss na kita! Hindi mo ba ako na-miss?" Mas lalo pa niyang hinigpitan.

Natawa naman ako ng konti. "Oo na. Ako din na-miss kita. Pero pag hindi mo ko pinakawalan ay mawawalan na ako ng hininga! Sige ka mawawalan ka ng bestfriend."

Agad naman siyang humiwalay ng marinig niya yung huli kong sinabi.

Napangiti ako sa sobrang kulit ng bestfriend ko.

Meet Aeron Gale Garcia. My boy bestfriend ever since 5 years old pa lang ako. Nagkakilala kami sa kindergarten. Inaasar pa niya ako dati dahil sa panget daw pigtails ko, may isa pa siyang kasama at inaasar din ako. Pero as time went by naging bestfriends na kami. It wasn't any problem since our parents are also friends. But when my parents decided to move to Korea kailangan ko silang iwan dalawa.

We kept in touch pero si Aeron lang ang nanatili. Nawalan na ako ng contact dun sa isa.

Pero hindi na yun importante dahil ang importante eh makakasama ko na ulit si Aeron. Dito na ako mag-aaral kasama siya.

"Dalian mo naman Aeron! Hanggang ngayon makupad pa din?" Pangaasar ko sa kanya.

Nakaupo na ako sa passenger seat habang ipinapasok niya sa likod ng sasakyan niya ang mga bagahe ko.

Unexpectedly Where stories live. Discover now