19-Locked

35 4 1
                                    

NICOLETTE

Kasama ko ngayon si Alex sa Art room para tapusin yung painting na ipapasa namin bukas.

Dito na kami gumawa para kompleto na sa gamit at komportable pa.

Habang nagpipinta hindi ko maiwasang isipin si McCoy. Recently siya na lang lagi naiisip ko. Nakakainis na nga e pero di ko naman mapigil. Hindi ko din alam kung bakit.

Unexpectedly, naging close kami. Yung taong kinaiinisan ko halos oras oras ko nang kasama. Nagkakasundo kami sa madaming bagay.

Masaya ako pag kasama ko siya. Wala namang problema dun 'di ba? Pero kasi may kakaiba na e.

"Oy Nicole!"

Tumingin ako kay Alex na tumawag sakin.

"Bakit?"

"Bakit mo tinititigan yang painting mo? Tulala ang peg 'te?"

"A wala lang." At tinuloy ko yung pagpe-paint.

Ramdam ko pa ding nakatingin sa akin si Alex pero di ko siya pinansin.

"Are you sure na okay ka Nic? Tell me what's bothering you."

I look at her again and let out a sigh. "It's just weird."

She gave me an unamuse look. "What's weird?"

"Yung nararamdaman ko pag nandyan siya."

She suddenly gasped. "Do you like the person?"

What!? Ano daw?

I like McCoy? Impossible!

"Oy hindi! Pag ba iba na ang nararamdaman means may gusto ka na sa taong yun?"

"Hm pwede. E bakit? May iba ka pa bang naiisip na dahilan?"

Hindi ako nakasagot.

"I-describe mo nga yung nararamdaman mo pag nandyan yang taong yan." Alex said putting down her paint brush.

"Well masaya ako pag kasama ko siya."

"Gusto mo ba siya palaging kasama?"

"Oo. Parang lagi ko siyang hinahanap hanap tapos hindi kompleto araw ko pag hindi ko siya nakakausap o nakikita man lang."

"Ohmygosh Nicole!" Kinikilig niyang sabi. I gave her a weird look. "E ano ngang nararamdaman mo pag nandyan siya!?"

"Parang medyo nagiging abnormal yung pagtibok ng puso ko."

At nagulat ako nang magtitili siya. Aba! Baliw na nga 'tong kaibigan ko na 'to.

"Hoy! Tumigil ka nga dyan! Mukha kang tanga." At binato ko siya ng pamunas.

Sinamaan naman niya ako ng tingin. "Gaga ka! Pinanglilinis yan dito. Kadiri ka puro alikabok yan."

"E mukha ka kasing sinaniban na naman dyan." I rolled my eyes.

"Kasi naman.." hinawakan niya yung dalawa niyang pisnge. "Sino ba yang taong yan ha?"

Sasabihin ko na sana kaso napansin kong parang kinikilig siya. Hindi kaya iniisip ne'to na may gusto ako sa taong yun?

Aish. Hindi pwede!

Hindi pa nga ako sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Ah wala."

Nawala ang ngiti niya sa mukha at bumagsak ang dalawa niyang kamay sa ibabaw ng hita niya.

"Sino nga!?" Sigaw niya.

Unexpectedly Where stories live. Discover now