18- One Of Their Plans

22 2 0
                                    

BLAKE

Busy ako ngayon sa pagre-review para sa Biotech. Grabe kasi si ma'am kaninang umaga lang sinabi na may long quiz kami. Buti na lang after lunch ang Biotech namin. Hindi na nga ako sumama kay Janine kumain para lang dito.

I can't fail. Running for valedictorian ako e. I know ito ang gusto ng mga magulang ko para sa akin and gusto ko din naman 'to so I can't fail.

I was reading about this Mitosis and Meosis when someone suddenly sat across me.

Tiningnan ko kung sino siya at nagulat ako nang makita ko na si Hannah ito. She smiled at me.

Teka. Panaginip ba 'to? Is she really sitting across me? Baka naman ilusyon lang 'to.

"Hi Blake!"

Fudge! She knows my name. I must be really dreaming.

I secretly pinch my arm para malaman kung nananaginip lang ba talaga ako.

Ouch.

So hindi ako nananaginip! She really is in front of me!

Tang*na nakakabakla naman akong kiligin. Nakakahiya.

"H-hey Hannah." I greet back.

"So... Anong binabasa mo?" Kinuha niya yung librong binabasa ko. Tiningnan niya ito saglit bago ibalik sa akin. "Nag aaral ka na naman?"

Feeling ko nahiya ako. Pero what does she expect from a nerd like me?

"Y-yeah."

For sure tatayo na yan at aalis. She thinks I'm boring, everybody does.

"Aawww that's so good of you. Alam mo ba that I really admire boys that's serious with his studies?"

"Hindi ba ang gusto mo yung mga heart throb dito sa school o yung mga bad boys dyan na cool?"

"Nah. I like someone different, that stands out. And I think you do." She said giving me a sweet smile.

Anong gusto niyang iparating? That she likes me? Pfft. Ang assuming ko naman yata masyado.

Nakakabakla siya! Takte!

"Uhm. Thanks?"

Ang awkward ko naman.

"Anyways pwedeng humingi ng favor?"

"Ano? Tingnan ko kung kaya ko."

"Tutor mo naman ako sa Stats. Nahihirapan kasi ako sa subject na yun and I can't fail. My parents will be very disappointed." She let out a sad sigh. Pero bumalik din naman ang ngiti niya. "And so we could spend time together. I really wanna get to know you more."

This is my chance. Ito na ang pinakahihintay kong chance na mapalapit kay Hannah.

"Uh sige. Oo naman." Sagot ko agad. Masyado na atang obvious na excited ako.

"Thanks!" And she clap her hands. "I'll see you at Saturday?"

"Sige."

Unexpectedly Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum