3- The Party

51 4 2
                                    

NICOLETTE

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader ng kwarto ko.

Sa loob ng isang oras at kalahati ay magsisimula na ang party, may mga magdadatingan na.

I groaned and stared at the ceiling.

Nakahiga pa din ako hanggang ngayon at tinatamad na mag-ayos.

Nakakainis naman kasi si Aeron. Hindi naman kailangan ng party para sa akin.

"Para nga makakilala ka na nang mga magiging school mate natin. Meet new friends Nicole."

Yan ang sabi niya sa akin kahapon ng sabihin ko wag nang magpa-party. Ayaw ko kasi talaga pero mapilit siya at para din naman daw yun sa akin.

Ts. Sabihin niya gusto lang talaga niya mag-party. Palibhasa wala ang mga magulang niya ngayon.

Oo, dito sa kanila ang party at dito din ako titira. Since mom and dad is always in another country at babae ako, dito na ako kayna Aeron magi-stay para daw sure nilang safe ako. Ayaw nilang pag sarilihin ako ng bahay dahil nga babae ako. Mahirap na.

Kahit laging wala din ang parents ni Aeron ay may trust naman sila sa aming dalawa. We're just bestfriends. At least may kasama nga ako. Pati dito lang din naman sa Pilipinas sina tito at tita, which is Aeron's parent. Madami silang branch ng bussines dito.

"Hoy Nicole! Aba nakahiga ka pa dyan! Mag-ayos ka na nga, magsisimula na eh!"

Napapitlag ako ng upo dahil sa gulat.

Loko tong si Aeron!

"Hindi ka ba marunong kumatok!? Basta basta ka pumapasok malay mo nagbibihis ako!"

He rolled his eyes. "Wag ka ngang feeling. Hindi ko yan titingnan noh."

It was my turn to roll my eyes at him. "Kahit na. Kwarto ko 'to. Simula ngayon hindi ka na makakapasok ng hindi kumakatok, arraseo?"

"Whatever whatever. Wag ka ngang mag Korean!"

"Arraseo lang naman eh."

"Tch. Magbihis ka na nga!"

I pouted. "Hindi ko alam susuot ko."

He rolled his eyes again. Lumapit siya sa cabinet ko at tiningnan ang mga clothes na nandun.

Ts. Bakla.

Pinanood ko lang siya at maya-maya may nilabas na siya atsaka binato sakin.

Epal! Sapol ako dun!

I glared at him pero hindi siya natinag sa sama ng tingin ko.

"Mag-ayos ka na kung ayaw mong kaladkadin pa kita." At lumabas na siya ng kwarto ko.

Tiningnan ko naman yung binigay niya. Puting crop top na may naka-print na 'Queen' na color black. Black high-waisted pants naman ang pambaba.

Nilapag ko na yun sa kama ko. Kumuha ng tuwalya para maligo.

||||

Tiningnan ko ang sarili ko sa full size mirror at nagustuhan ko ang itsura ko. Naglagay ako ng light make up at nai-curl ang tips ng buhok ko.

Nag mirror shot muna ako, post sa IG.

May mga naririnig na akong ingay sa baba. May mga dumating na nga siguro.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at bumaba. Madami na sila. May mga sumasayaw, may mga hawak na plato na may pagkain, at may mga nagke-kwentuhan.

Unexpectedly Where stories live. Discover now