16- Bitch Friend Group

40 3 1
                                    

NICOLETTE

Nakupo! Ito na naman kami ni Aeron.

"Nicole! Dalian mo dyan!"

"E hintayin mo ko!"

"Ang bagal mo kasi!"

Well dahil tinanghali kami parehas ng gising ito kami ngayon tumatakbo sa hallways ng school. Sana walang lecturer na makakita sa amin or kahit sinong authority ng school dahil bukod sa late na kami ay bawal tumakbo sa school halls.

Nang makadating kami sa room laking pasalamat ko na lang ng makitang wala pa si ma'am.

"O? Umagang umaga haggard ka na agad."

Inirapan ko si Ashley.

"Akala kasi namin andito na si ma'am. Kaya patakbo kami papunta dito sa room." Sabi ko at naupo na.

"Buti hindi kayo napunta sa guidance office ngayon. Bawal magtatakbo sa school halls Nic." Janine said squinting her eyes at me.

"Yeah, yeah whatever you say mom."

Naka receive pati ako ng hampas sa braso. "Yah! Hindi ako matanda para maging nanay mo."

"Sus. Matanda ka na Janine." Asar ko sa kanya.

"Isang taon lang ang pagitan natin wag ka nga!" At bumalik na siya sa binabasa niya.

"Kahit kailan talaga pikonin." Sabi ni Alex sa tabi ko.

"Sinong pikonin?" Biglang sabat ni Aeron.

Tinaasan siya ng kilay ni Alex. "None of your business. Chismoso."

"Sungit." At tumingin na ulit sa harap si Aeron. Actually nakipag daldalan lang siya kay McCoy.

Parang mga bakla. Ang daldal.

Maya maya ay dumating na din ang first subject lecturer namin.

||||

Nakakainis naman yung mga yun. Aba iwan ba naman daw ako. Hindi maka antay e. Sabik mga kumain.

Hayst. Hindi ko naman sila masisisi. Maski ako gutom na din.

Si ma'am kasi e. Pinaiwan pa ako may sasabihin daw na importante. E sa sabik nang magsikain yung mga kaibigan ko ay iniwan na nila ko kasama si Blake. Hm. Consider ko na nga ding kaibigan si Blake kahit hindi ko pa siya masyadong kaclose. Fiancé naman siya ni Janine e.

Ang nakakabugnot lang, hindi naman importante ang sinabi ni ma'am. Chinika lang niya ko about dun sa apat na lalaki, sina Aeron. Nakupo. Crush na crush sila ni ma'am. Kaloka lang kasi mukhang mag-senior citizen na si ma'am e.

Tapos ngayon ang daming students sa hallways. Hindi ko alam kung anong meron pero mga nagmamadali sila sa paglakad and siksikan na. Tch. Ang agap pa naman e.

Sa sobrang sikip hindi ko na napansin si kuyang masasalubong ko na sobrang nagmamadali. Kaya ito ako ngayon napa upo na sa sahig.

Ang sakit lang kasi ang lakas ng impact. Hayp ka kyah! Iniwan mo lang ako basta dito!

"Hey." Tumingala ako sa nasa harap ko. Isang maganda babae ang nakatingin sa akin. Shems ang ganda niya. Mukhang artista. "Are you okay? What happened?"

Tinulungan niya akong tumayo. Grabe. Ang ganda niya. Oy hindi ako tibo ha! Maganda kasi siya talaga.

"Ah nabunggo lang ako nung lalaki. Mukhang nagmamadali sila e."

Unexpectedly Where stories live. Discover now