23- Walk You Home

31 3 0
                                    

SYMON

"Bye na guys! Ingat kayo." Ashley said while waving goodbye sa mga kaibigan naming kanya kanya ng sumasakay sa sasakyan nila.

Syempre si Aeron-Nicole at Blake-Janine nasa iisang sasakyan. Si Alex may sundo. Si McCoy may sariling sasakyan. Kami naman ni Ashley ang sabay. Ihahatid ko siya sa kanila. Kasama na kasi sa pang araw araw kong gawain pag may pasok ay ang ihatid siya. Syempre nanliligaw ako e.

"Tara na?" Yaya niya sa akin ng makaalis na ang mga kaibigan namin.

Sumakay na siya sa sasakyan ko and ganun din ako.

Nai-start ko na ang engine kaso nagtaka ako dahil ayaw niyang gumana. Ngina anong nangyari dito?

Napansin siguro ni Ashley na hindi pa kami umaandar at ang kunot kong noo.

"May problema ba?"

"Ayaw mag start ng engine e."

"Baka may sira sa makina."

"Nah. Wala na palang gas."

Nagulat ako nang tumawa siya ng malakas. "Yaman yaman mo wala ka naman palang pangpa-gas!"

Nakitawa na lang din ako. She looks so cute while doing so.

Paano ko siya ihahatid ne'to? Ang layo ng gas station dito sa school namin.

"I'll just walk home Symon. Malapit lang naman bahay namin e." She said getting out of the car.

Lumabas din ako. "I'm gonna go with you."

"Hindi na."

"I'm going with you. I need to make sure you're safe."

"Makulit ka talaga 'no? Okay nga lang--"

"Kahit ano pang sabihin mo ihahatid pa din kita pag-uwi. Madaming manyak sa paligid. Hindi pwedeng mag-isa ka lang." At kinuha ko ang bag niya sa kanya. "Tara?"

I saw her smile. That smile brightens my day.

Nagsimula na kaming maglakad. Siya yung nagke-kwento the whole time habang ako nakikinig. Nagsasalita lang ako if kailangan niya ng reply. It's so much fun watching her laugh and talk as we walk.

Malapit na kami sa bahay niya. I can feel myself feeling down.

Every time I see a bench I wanna sit for a moment. To make our time together last longer. Pero alam kong pagod na siya at kailangan niya na ng pahinga.

Matapos ang ilang minuto ay nasa tapat na kami ng bahay nila.

"So.." she said looking at me. "Goodbye?"

"Uh yeah... Bye."

"Bakit parang ayaw mo pa?" She asked still smiling.

"It would've been better if your house was farther from our school." I said pouting.

"Why?"

Unexpectedly Where stories live. Discover now